Mariing pinabulaanan ng actress-singer na si Kim Molina ang kumakalat na espekulasyong siya ay nagdadalantao.
Sa Facebook nitong Huwebes, October 24, 2024, nilinaw ni Kim ang tsismis na ipinapakalat tungkol sa kanya.
Nakarating umano sa kanya ang mga sabi-sabi online na siya ay buntis dahil sa pagbabago ng kanyang katawan at hitsura.
Read: Netizens ask: Are Kim Molina, Jerald Napoles expecting baby No. 1?
Bagay na kanyang itinanggi.
Mababasa sa post ni Kim (published as is): "KALOKA. Sa mga nagsasabi na buntis ako, tumaba lang ako okay.
"Sadyang wala lang din akong pake humarap sa camera ng walang make up at ayos.
"Yung ilong ko, sadyang pango kaya hindi ako buntis na lalake anak kaloka. Nabanat lang lalo sa pisngi kasi nga tumaba Ganyan na yan since birth."
Hirit pa niya, "Next year ko pa ibabalik abs ko. Ngayong taon lang kasi naka leave siya kaya hayaan niyo na may schedule yan.
"For now kakain lang ako ng ilang ice cream na gusto ko balakayodyan."
Read: Kim Molina slams basher for calling boyfriend Jerald Napoles "mukhang kargador"
Diin pa ni Kim, kung may katotohanan mang siya ay nagdadalantao ay hinding-hindi niya ito itatago.
Hindi rin daw big deal kung sakali mang mabuntis siya ng fiancé niyang si Jerald Napoles dahil nasa hustong edad na sila at kaya na nilang bumuo ng pamilya.
Saad ni Kim (published as is): "P.S. At kung buntis man, ano ngayon eh kaya ko na at nasa edad na ko. Pero please lang wag niyo pangunahan matres ko pwede ba.
"Nung hindi pa kami engaged ni Je, patiuna kayo eh may plano nga yung tao. Tapos ngayon pati pagbubuntis ko kesyo tinatago ko raw?!
"Haaaay juskopowzz pagkain laman ng tyan ko ngayon okay. MIND YOUR OWN ICE CREAM!"
KIM AND JERALD'S ENGAGEMENT
Ang haka-hakang pagbubuntis ni Kim ay nangyari ilang buwan matapos niyang ma-engaged sa longtime boyfriend niyang si Jerald.
Read: Kim Molina, inaming nag-break sila noon ni Jerald Napoles
Noong August 11, nang mag-propose ni Jerald kay Kim sa loob ng PETA (Philippine Educational Theater Association) Theater Center sa Quezon City, makaraan ang sampung taon nilang pagiging magkasintahan.
Read: Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Sa video na in-upload ng Nice Print Photography sa TikTok, makikita ang pagkagulat ni Kim nang dumating siya sa PETA Theater Center at makitang puno ng dekorasyong bulaklak at ilaw ang stage habang may tumutugtog na saxophone.
Sa harap ng entablado ay makikita ang neon led signage na may nakasulat na “WILL YOU MARRY ME?” na mas lalong nagpagulat sa aktres nang mabasa ito.
Read: Kim Molina reveals last fight with Jerald Napoles was in 2020
Bakas kay Kim ang magkahalong saya at pagkagulat, dahilan para siya ay mapaupo sa entablado habang humahagulgol sa iyak.

Nagmamadali rin namang lumabas si Jerald, galing sa likod ng entablado para lumapit kay Kim at patahanin ito sa pag-iyak.
Matapos mapakalma buhat sa pag-iyak si Kim ay nagsimula na si Jerald na banggitin ang inihanda niyang speech sa nobya.
Ani Jerald, napili niyang mag-propose sa PETA Theater Center dahil ito ang eksaktong lugar kung saan sila unang nagkita at nagkakilala.
Read: Netizen calls out PETA for allowing celeb, friends use gadgets
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bago pasukin nina Jerald at Kim ang mundo ng pelikua at telebisyon ay una silang nakilala bilang mga artista sa teatro.
Read: Jerald Napoles, saludo sa paniniwala ni Kim Molina na di dapat maging problema ang pera sa relasyon
Sabi ni Jerald: "On this stage, exactly ten years, two months, and five days ago, we met for the first time without knowing each other.
"Saudi girl [Kim] and Tondo boy [Jerald], nag-duet agad tayo nang hindi man lang tayo nag-uusap, doon tayo nagkakilala.
"So this stage [PETA Theater] gave me a lot of things in my life.
"Progress, dreams, goals, career, a name [in the showbiz industry], family, friends, newfound friends, and of course, special someone."
Read: Kim Molina recounts her privileged childhood in Saudi Arabia
Sa panayam ng dalawa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 27, 2021, ibinunyag nilang nagsimula ang kanilang love story nang magkasama sila sa Rak of Aegis, ang critically-acclaimed musical play na unang ipinalabas noong January 2014.
Jerald reveals story behind proposal to Kim
Higit isang taong pinaghandaan ni Jerald Napoles ang proposal niya kay Kim.
As early as March 4, 2023, nakipag-meeting na si Jerald sa jeweler para sa ipapagawang engagement ring.
June 2023 nang personal siyang na-involve sa pagdisenyo at paggawa ng singsing—mula sa pagtunaw at paglilok ng ginto para sa ring band, hanggang sa pagkabit ng heart-shaped diamond sa singsing ay ginawa ni Jerald.
Kuwento pa ni Jerald sa kanyang Instagram post noong August 23, ilang beses naudlot ang plano niyang proposal.
Magpro-propose na raw sana siya nang manood sila ng Coldplay concert sa Thailand noong February 2024.
Pero bigla raw inatake ng LBM si Kim kaya hindi niya tinuloy.
Naisip din ni Jerald na mag-propose kay Kim habang sakay sila ng gondola sa Venice sa nakaplano sana nilang Europe trip.
Hanggang sa huli ay nagpasya siyang sa PETA Theater isagawa ito.
Read: Jerald Napoles, paano kinarir ang proposal para kay Kim Molina?
JERALD ASKS BLESSING FROM KIM'S PARENTS
August 9, nang lihim na mag-video call si Jerald sa mga magulang ni Kim na nakabase sa Saudi.
Sabi ni Jerald: "Hihingi po ako ng blessing sa inyo.
"I love you both. Kasama kayo sa minahal ko bukod kay Kim.
"Matagal na tayong pamilya kaya ako ngayoy nagpo-propose rin sa inyo. Gusto ko rin kayo makasama habang buhay.
"Bukod sa blessing ng Diyos, mabigyan ako ng blessing ng magulang ng aking minamahal sa akin."
Mababanaag sa boses ng mga magulang ni Kim na na-touch sila sa gesture ni Jerald.
Sabi ng ama ni Kim, masaya siya na tinupad ni Jerald ang pangakong sinsero ito sa intensyon kay Kim.
"Kampante na kami kay Kim. I've been waiting for this, actually.
"Nakita ko naman kung paano mo inalagaan si Kim. I consider you a blessing to my daughter," saad ng ama ni Kim.
