PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ivana Alawi "napaka-choosy" about endorsing politicians

Iava: "Alam ko kapag Pilipinas ang ilalaban, hindi naman content creation lang."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 10, 2025
Ivana Alawi mindful on endorsing a politician
Ivana Alawi on endorsing a politician: "Napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa pulitiko. Hindi naman yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas..."
PHOTO/S: KHRYZZTINE JOY BAYLON

Muling idiniin ng actress-vlogger na si Ivana Alawi na wala siyang planong pasukin ang mundo ng pulitika sa gitna ng tinatamasang kasikatan sa social media.

Pag-amin pa niya, maraming pulitiko ang nag-udyok at lumapit sa kanya para magpaendorso sa 2025 midterm elections ngunit hindi niya raw ito basta-basta tinatanggap.

Read: Ivana Alawi grateful for second life after hospitalization

Ito ang ibinahagi ni Ivana sa thanksgiving party na inihanda niya para sa entertainment media noong March 7, 2025.

Ivana Alawi mindful on endorsing a politician
Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Marami pong... kahit po yung last election, marami po.

"Pero napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa pulitiko."

Read: Ivana Alawi denies being Mayor Albee's girlfriend.

Katuwiran ni Ivana: "Hindi naman yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko.

"Ito ay para sa Pilipinas, kaya you have to be very picky kasi para ito sa mga kababayan natin.

"Ang dami-dami natin, dapat kung ano yung makakapagpaganda sa bansa natin.

"Kasi kung pera, e, di sana lahat kinuha ko. E, di ang yaman-yaman ko na.

"Pero hindi, e, hindi siya sa pera.

"It's what do you believe in and who do you think will make the country a better place."

Read: Ivana Alawi on dating celebs: "Ginagawa akong sugar mama!"

IVANA ON CHOOSING THE RIGHT LEADER

Pagbabahagi pa ni Ivana, tuwing sasapit ang election season ay maingat niyang pinag-aaralan ang mga kandidatong susuportahan niya at maaaring iendorso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya: "Sa mga senator, congressman, napaka-choosy ko.

"Kasi baka gusto lang niya umupo para sa sarili niya, hindi naman para sa ating mga kababayan.

"Ako, wala naman akong alam sa pulitika, pero alam ko kung papaano mamili ng tamang lider.

"Siyempre, pinag-aaralan ko rin kung anong mga batas ang natutupad, very important yun."

Ivana reveals reason for declining the call of politics

Noong October 2024, naging matunog ang pangalan ni Ivana na isa raw sa mga artistang maaaring tumakbo sa eleksyon sa 2025.

Nag-ugat ito dahil sa ilang content ni Ivana sa kanyang YouTube vlog na may kinalaman sa pagtulong sa mga tagahanga niyang nangangailangan.

Ivana Alawi thrilled with possibility working with Joshua Garcia
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ivana Alawi gives back to celebrate 15M YouTube subscribers

Ngunit imbes na magpadala sa udyok ng publiko, nanindigan noon si Ivana na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Pahayag niya noon sa isa niyang TikTok video: "Bakit naman ako tatakbo sa ngayon? Wala naman akong alam sa politics, wala ako alam sa paggawa ng batas.

"And siguro kung papasok man ako sa ganyan, dapat mag-aral man lang ako ng three to four years, because I don't want to put our country at risk."

Ang pahayag na ito ni Ivana ay muling naungkat sa inorganisa niyang thanksgiving party sa entertainment media.

Read: Ivana Alawi reacts to psychic Rudy Baldwin's grim prediction

Ganito pa rin kaya ang paniniwala niya ngayon?

Sagot ng actress-vlogger: "Alam ko kapag Pilipinas ang ilalaban, hindi naman content creation lang.

"Actually, ang daming nagsasabi na, 'Tumakbo ka, tumakbo ka, ang dami mong pinamimigay.'

"Hindi naman po ako namimigay para tumakbo at hindi mo rin kailangan tumakbo para makapagbigay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin pa ni Ivana sa huli: “Ang pagtakbo talaga is for the country.

"Yung may mga magaganda kang gagawing batas para mapaganda ang bansa natin.

"Kailangan natin lumaban at lumevel up, no. So, ayun, hindi talaga ako tatakbo kasi wala naman akong alam diyan."

Read: Rhian Ramos, ayaw sa politics pero supportive sa politician bf

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi on endorsing a politician: "Napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa pulitiko. Hindi naman yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas..."
PHOTO/S: KHRYZZTINE JOY BAYLON
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results