Isa sa pinaka-busy na Kapuso star ngayon si Gabbi Garcia.
Ngayong Lunes ng gabi, March 24, 2025, magsisimula nang umere ang bagong murder-mystery series ng GMA-7 na Slay kung saan isa siya sa mga bida.

Ongoing din ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab kung saan kasalukuyang host at houseguest si Gabbi.
Read: Gabbi Garcia, clueless na siya ang next PBB house guest
Sa pagitan ng mga ito, nagti-taping din siya para sa Sang'gre, ang spin-off ng epic telefantasya ng GMA-7 na Encantadia.
May oras pa ba siya sa boyfriend na si Khalil Ramos? Paano niya ito nagagawa?
Pabirong sagot ni Gabbi, "Ayun, naiyak na lang ako. Di na kami nagkikita."
Seryoso niyang dagdag: "Important talaga time management.
"Ako kasi, really, I really wanna do good in all of my projects.
"And I'm very happy na ina-allow ako ng GMA, ng Sparkle na talagang i-manage lahat ng yun.
"Sometimes kasi di ba, ah, 'Hindi, ito pala, para maka-concentrate ka dito.'
"Pero I'm very happy na nagagawan ng paraan lahat.
"And I make sure to give my best in all my projects.
"Nag-enjoy talaga ako."
FROM PBB FAN TO HOST AND HOUSEGUEST
Inaamin ni Gabbi na big fan siya ng Pinoy Big Brother.
Bago nagsimula ang bagong edisyon ng reality show, ibinahagi ng Kapuso actress sa social media ang kanyang video noong bata pa na sumasayaw sa theme song ng show.
Nag-audition din siya noon para maging housemate, pero hindi pinalad mapili.
Kuwento niya: "Sumasayaw talaga ako. Nanonood talaga ako noong bagets pa ako.
"And totoo yun ah, hindi, walang showbiz.
"I really watch. Favorite season ko yung season nila... Teen Edition nila Robi [Domingo, 2008]. Yan, pinanood ko yan.
"Edition nila Slater [Young, 2012], nila Melai [Cantiveros, 2015].
"Yan, pinapanood ko yung mga yan.
"So hosting it now, and being with sila, Ate B [Bianca Gonzalez], sila Robi, sila Melai, and everybody else in PBB, grabe, it feels so surreal.
"And I'm just really enjoying every moment.
"Whenever I host, nag-e-enjoy lang talaga, which is feeling ko kung bakit siya nagwo-work.
"Since madaldal ako and I'm very curious when it comes to asking... when it comes to asking other people's lives, asking them what they want, kung ano bang gusto, ano nila.
"Feeling ko kung bakit siya nagwo-work, kasi nag-e-enjoy lang talaga."
Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi pagkatapos ng Q&A sa presscon ng Slay noong March 19, 2025, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.
Read: Gabbi Garcia and Khalil Ramos "just waiting for the right time"
GABBI GARCIA ON HER SUCCESS: "I never gave up."
Lagpas sampung taon na sa showbiz industriy si Gabbi.
Nagsimula siya sa telebisyon taong 2014.
Pagbabalik-tanaw niya: "Nakikita niyo din ako noong 15 years old ako.
"I was in the industry 2014, 11 years ago. Wow, ang daming nangyari!
"And I feel like I've grown as an artist, as a woman.
"Ang layo na rin ang mindset ko from before and ngayon, e."
Masasabi na ba niyang successful siya sa kanyang lagpas isang dekadang karera?
Sagot ni Gabbi: "When we're talking about success, I feel, like... I feel so blessed that I continue to learn kasama ng GMA.
"Success, yes, I feel so successful.
"But also, I'm craving for more learnings pa. Kasi marami pang opportunities na puwedeng i-reinvent yung sarili ko.
"Marami pang chance. And I'm very happy na supportive talaga yung GMA."
May panahon ba noong inisip niyang mag-give up na?
Ayon kay Gabbi: "Wala namang level na gusto ko na mag-give up.
"Pero maraming beses na kinuwestiyon ko if, 'Do I really have a purpose in this industry?'
"I never gave up, but there are a lot of questions in my head.
"I feel like it's also part of growing up.
"I started when I was a teenager. So, talagang kinailangan kong pagdaanan lahat ng yun.
"To be able to grow and to know what I really want in this industry."
Samantala, sa Slay ay gumaganap si Gabbi sa role na Amelie, isa sa mga binansagang "pretty girls with ugly pasts" kasama sina Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, at Mikee Quintos.
Silang apat ang itinuturing na suspect sa misteryosong pagkamatay ng fitness coach na si Coach Zach played by Derrick Monasterio.
