PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael Sager reacts to "President" of WillCa shippers tag

Netizen: "Michael the President of WillCa..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 18, 2025
Michael Sager on being called "President" of WillCa shippers
Michael Sager (left) on Will Ashley and Bianca de Vera's loveteam: "Close naman ako sa kanilang lahat—kay Dustin, kay Will, lalo na kay Bianca—so kahit ano naman sinasakyan ko lang yung mga kinakaaliwan ng mga tao. And ako, naaliw lang din ako kasi I see the edits din, it's cute naman."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Screengrab Michael Sager on TikTok

Hindi napigilang mapahagikhik sa tawa ang Kapuso heartthrob na si Michael Sager nang mabanggit ang bagong bansag sa kanyang "President of WillCa shippers."

Ang WillCa ay ang portmanteau o pinagsamang pangalan nina Will Ashley at Bianca de Vera, ang former co-housemates ni Michael sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.

Read: Will clarifies viral hug with Bianca in PBB Big Night

Habang sa konteksto naman ng loveteam sa Pilipinas, ang ibig sabihin ng "shipper" ay isang tagahanga na sumusuporta o nagnanais magkatuluyan ang dalawang tao sa totoong buhay.

MICHAEL's WILLCA viral video

Noong July 8, 2025, nag-viral online ang TikTok video na in-upload ni Michael.

Makikita rito sina Will at Bianca sa saliw na kantang "Ikaw, ikaw, ikaw" ni Eliza Maturan at Singaporean artist na si Icebox.

Sa umpisa ng viral video ay makikita si Michael na nakaharap sa camera kasama ang ka-duo niya sa PBB na si Emilio Daez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Michael Sager on being called
Emilio Daez (left) and Michael Sager (right)
Photo/s: Screengrab Michael Sager on TikTok

Nang humantong sa chorus ay bigla silang nag-exit sa frame, hudyat para lumabas naman sina Will at Bianca na nili-lip sync ang kanta.

Michael Sager on being called
Will Ashley (left) and Bianca de Vera (right).
Photo/s: Screengrab Michael Sager on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kapuso Ashley and Kapamilya Bianca Love Team?

Sa huli, nagpakita rin muli sina Michael at Emilio na halatang kilig na kilig sa ginawa nina Will at Bianca.

Kinakiligan ng netizens ang video na ito, dahilan para pumalo ng 5.5 million views sa TikTok, at this writing.

Bago ito, nag-viral din nang husto ang video ng reaksiyon ni Michael, kasama sina Emilio at Josh Ford, nang magyakap sina Will at Bianca sa pagtatapos ng Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition noong July 5 sa New Frontier Theater.

Kitang-kita sa video ang paghiyaw at pagtalon ng tatlo dahil sa nasaksihang eksena na tila galing pelikula.

willca micahel sager emilio daez
Michael Sager and Emilio Daez shout for joy as Will Ashley and Bianca de Vera give each other a warm hug.
Photo/s: X (Twitter)
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maraming netizens, partikular na ang mga tagahanga nina Will at Bianca, ang natuwa sa anila'y "low-key" na pagsasapubliko ni Michael na isa siyang shipper sa tambalang WillCa.

Komento ng isang netizen, "Michael the President of WillCa and Emilio the vice president."

Saad pa ng isang fan ng WillCa, "Thank you for this, Pres. Michael and VP Emilio."

Sabi pa ng isa, "WillCa layag. Nilalayag na kayo ni Michael, panindigan niyo na."

MICHAEL ON BEING CALLED a WILLCA SHIPPER

Sa naganap na grand mediacon ng Kapuso PBB: Celebrity Collab Edition housemates nitong Huwebes, July 17, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael tungkol sa bagong bansag sa kanyang "President of WillCa shippers."

Michael Sager on being called
Michael Sager at Kapuso PBB: Celebrity Collab Edition housemates grand mediacon.
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkabanggit pa lamang nito ay halatang aware si Michael dahil hindi niya napigilang mapahagikhik sa tawa.

Sabay sabing, "Shipper na ako ng lahat. Lahat naman sinuportahan kong mga loveteams.

"Sabi nga nila, president ako whether it's AzRalph [AZ Martinez and Ralph de Leon], DusBi [Dustin Yu and Bianca de Vera], WillCa [Will Ashley and Bianca de Vera], and MiLi [Michael and Emilio Daez]... o ayan, lahat na."

Sina AZ, Ralph, at Dustin ay mga dati ring housemate sa edisyon ng PBB ngayon taon.

Sundot na tanong ng PEP kay Michael, "May favorite ka ba sa mga loveteam na yan?"

Muling natawa si Michael bago sumagot ng: "Lahat naman favorite ko, e, kasi ako naaaliw lang talaga ako sa kanila.

"I think kasi pamilya kaming lahat, na parang alam namin na mag-compliment man kami, magpaka-loveteam-loveteam man yan, it's all about the sake of we're just having fun.

"And I think what we want to show people is that na kahit ano at sino mang pares, may chemistry talaga ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So for me, what's so important is that we're just highlighting kung ano man yung masaya."

Read: Will addresses "love triangle" with Bianca and Dustin in PBB

@pepalerts @Michael Sager laughs off “President of the shippers” tag. #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

WILLCA VS DUSBI

Hindi lingid sa iba na ang tambalan nina Will at Bianca ang isa sa tinangkilik nang husto ng PBB fans dahil sa kanilang chemistry dulot ng kanilang nakaraan.

Sa episode ng PBB: Celebrity Collab Edition noong April 9, lakas-loob hinarap at ipinagtapat ni Will, sa tulong ng alak, kay Bianca ang kanyang nararamdaman at panghihinayang sa naudlot nilang pagkakaibigan ng Kapamilya actress, dalawang taon na ang nakararaan.

Taong 2023 nang magtambal sila sa unang collab drama series ng ABS-CBN at GMA-7, ang Unbreak My Heart.

Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?

Sa loob naman ng Bahay Ni Kuya ay may iba nang nali-link at napapares kay Bianca, ito'y walang iba kundi ang kapwa Kapuso actor ni Will na si Dustin Yu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katulad nina Will at Bianca ay nakabuo rin ng loveteam sina Bianca at Dustin, ang DusBi.

Balik sa viral video ni Michael, marami sa fans nina Bianca at Dustin ang nag-akusa kay Michael na may favoritism o may pinapanigan siyang tambalan.

Read: Dustin Yu admits he was jealous of Will Ashley

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ng Kapuso actor tungkol dito.

Depensa ni Michael, pinagbigyan lamang niya ang fans ng WillCa dahil ito ang tambalang kinakaaliwan na nakikita niya noon sa social media.

Pahayag niya: "Wala naman [akong favoritism].

"Close naman ako sa kanilang lahat — kay Dustin, kay Will, lalo na kay Bianca — so kahit ano naman sinasakyan ko lang yung mga kinakaaliwan ng mga tao.

"And ako, naaliw lang din ako, kasi I see the edits din, it's cute naman. So, support tayo sa lahat."

Dagdag pa niya, "No need to have favoritism, lahat naman sila favorite ko, and just enjoy their time together."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael Sager (left) on Will Ashley and Bianca de Vera's loveteam: "Close naman ako sa kanilang lahat—kay Dustin, kay Will, lalo na kay Bianca—so kahit ano naman sinasakyan ko lang yung mga kinakaaliwan ng mga tao. And ako, naaliw lang din ako kasi I see the edits din, it's cute naman."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Screengrab Michael Sager on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results