Galit na galit na naglabas ng sama ng loob ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez laban sa mga umano’y responsable sa pagkasira ng kalikasan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa bansa.
Nangyari ito sa gitna ng pananalasa ng magkasunod na bagyong Tino at Uwan, na kumitil ng maraming buhay at sumira sa kabuhayan at kabahayan ng maraming Pilipino.
Read: DOST reacts to claims Sierra Madre shields Luzon from typhoons
Sa kanyang Instagram post noong Sabado, November 8, 2025, tahasang tinuligsa ni Regine ang mga ahensya ng gobyernong pumapayag umano sa mga pribadong kumpanyang magputol ng mga puno at magmina sa kabundukan.

Kalakip ng post ni Regine ang isang quote card at video ng yumaong dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary na si Gina Lopez, mula sa isang press conference noong 2017, matapos ma-reject ang kanyang appointment bilang kalihim ng DENR.
Bago siya ma-reject ng Commission on Appointments, sampung buwan nanungkulan bilang DENR Secretary si Lopez, matapos siyang italaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang panunungkulan, nakabangga niya ang mining sector.
Ito'y matapos niyang tutulan ang ilang mga gawaing pinaniniwalaan niyang labis na nakasisira ng kalikasan.
Gaya na lamang ng pagpapasara at pagsususpinde niya ng mahigit dalawampung minahan sa bansa, pagkansela ng mahigit pitumpung mining contracts, at nang pagbayarin niya ang mga mining company ng mahigit dalawang milyong piso sa bawat ektaryang lupang sakahan na naapektuhan ng kanilang operasyon.
Read: Storm chaser, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre
Giit noon ni Lopez: "You cannot kill the environment because if you kill the environment, you kill everything.
"Who suffers if you kill the environment? It’s the poor. And whose duty is it to protect our people? It’s the government.
"And when you make decisions based on business interests, you have shirked your responsibility.
"You have lost the moral ascendancy to rule the government because to you, business and money is more important than the welfare of our people. So take it at that.”
Regine calls out government agencies for allowing the destruction of forests
Ang adbokasiyang ito ni Lopez ay mariing sinang-ayunan ni Regine, lalo na nang masaksihan niya ang matinding pinsalang idinulot ng bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu at mga karatig-probinsiya nito noong November 4.
Read: Albie Casiño slams Slater Young’s silence amid Cebu floods
Saad ng Asia's Songbird (published as is). "Sino ba ang nagbigay ng permiso butasin ang ating kabundukan putulin ang mga puno sirain ang karagatan!!!!!! SINO!!!!!!
"Hindi na natin maibabalik ito sa dating ganda. Sino pa ang magsasalba sa atin pag may bagyo.
"SINIRA NYO NA LAHAT PARA ANO SA KAYAMANANG HINDI NYO MADADALA SA HUKAY!!!!!!"
Bagamat walang binanggit na anumang partikular na ahensya ng gobyerno si Regine, isinisi niya ang mga ito sa kawalan umano ng malasakit sa kapwa Pilipino at pagiging dahilan kung bakit marami ang labis na nahihirapan tuwing may kalamidad sa bansa.
Saad niya: "Sa lahat ng sangay ng gobyernong walang malasakit ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO
"KAYO ANG MAY KASALANAN SA LAHAT NG NANGYAYARI SA PILIPINO!!!!!!!!!"
Read: Slater Young’s Monterazzas blamed by netizens for Cebu flooding
Hindi ito ang unang pagkakataong bintikos ni Regine ang mga opisyal ng gobyerno.
Noong mga nakaraang linggo at buwan ay nagpahayag na rin siya ng pagkadismaya at galit sa malawakang korapsyon sa mga proyekto ng pamahalaan gaya na lamang ng flood control projects.
Read: Regine Velasquez, muling umalma sa matinding korapsyon
