Suportado ng Filipino-Malaysian singer-songwriter na si Yazmin Aziz ang transformation ng ex-boyfriend niyang si Michael Pacquiao.
Ito'y sa gitna ng samu't saring komento at batikos na ipinupukol ngayon sa anak nina Manny at Jinkee Pacquiao matapos nitong sumailalim sa cosmetic enhancement.
Sa PEP Live interview ni Yazmin noong Miyerkules, January 21, 2026, para sa promotion ng latest single niyang "Nagpalinlang," nahingan siya ng reaksiyon sa bagong look ni Michael.

Malakas ang hinala ng marami na sumailalim ang binata sa rhinoplasty procedure matapos niyang mag-post sa social media ng larawang kapansin-pansing mas matangos na ang kanyang ilong.
Read: Michael Pacquiao unveils new look in side-profile photo
Ayon kay Yazmin, noong sila pa ni Michael ay wala naman siyang nakikitang mali sa pagkatao at pisikal na anyo nito.
Kaya’t hindi raw niya maintindihan kung saan nanggagaling ang mga batikos laban sa dating nobyo.
Read: Meet Michael Pacquaio's girlfriend, Malaysian-Filipina singer Yazmin Aziz
Kung si Yazmin daw ang tatanungin, walang problema sa kanya ang pagpapa-cosmetic enhancement, lalo na kung ito ay para sa personal na kaligayahan ng isang tao.
Pahayag ng 24-year-old singer: "Here’s my piece of ano, I don’t think he needed it before, honestly.
"I didn’t see what people saw—na may something wrong or whatever. I really didn’t see that.
"But if he’s happy with what he has done, then I’m really, really happy for him.
"At the end of the day, siya yung makakaalam kung ano yung need niya at kung ano yung makakapagpasaya sa kanya.
"So whatever it is, we should just be happy for him."
Read: Transformation ni Michael Pacquiao trending topic sa social media
Maliban sa usaping cosmetic enhancement, kinukuwestiyon din ngayon ng netizens ang pagsasapubliko ni Michael ng relasyon nila ng bago niyang girlfriend na si Joyce Tan Custodio.
Pinupuna ng ilang netizens ang malaki umanong agwat ng edad ang dalawa—nasa late 30s na raw si Joyce habang 23 taong gulang si Michael.
Bukod dito, lumabas din na dating stylist si Joyce ng ina ni Michael na si Jinkee Pacquiao.
Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue
Bagamat hindi raw personal na kilala ni Yazmin si Joyce, naniniwala siyang tunay na masaya at nagmamahalan ang dalawa.
Pahayag ng singer: "About the partner, I have no idea actually. Hindi ko na rin alam, e.
"Well, like I said din naman, kasi for me, I'm sorry guys, pero I'm very focused na rin kasi sa sarili kong career, sa sarili kong path and building my name.
"So, for me, what I can say about this situation is, as long talagang happy siya, masaya na rin ako and so does other people, like, they have to be happy na lang for him.
"Kasi wala rin, e. You can say a million things like, yes, okay, we will respect your opinion, but then again it's still going to be his decision and his life choices at the end of the day."
Read: Joyce Tan Custodio hides old FB photos with Michael Pacquiao
Yazmin Calls Her Past Relationship With Michael "Puppy Love"
Hindi rin pinalampas ng PEP ang pagkakataong itanong kay Yazmin kung paano sila nagkakilala ni Michael at kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Ayon sa singer, 16-anyos lamang sila ni Michael nang magkakilala sa isang boxing match ni Manny Pacquiao sa Malaysia, kung saan noon nakabase si Yazmin.
"His father had a fight kasi sa Malaysia with Lucas Matthysse. And naging in touch kami as friends sa social media.
"Naging friends na kami dun and then we decided to meet in person."
Mabilis daw silang nagkasundo ni Michael dahil marami raw silang pagkakatulad, lalo na ang hilig sa music.

"He had interest in music din. He likes making beats and all.
"Tapos, ako din naman, na-inspire ako magsulat even more, like, when it comes to like love and so on.
"He and I, we connected through music din kasi, e. So, you know, at that time when I heard na naging top music artist siya, sobrang nakaka-proud," lahad ng dalaga.
Sa paglipas ng panahon ay mas lalo pa raw lumalim ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa tuluyan na silang maging magkasintahan.
Ngunit dala ng kanilang mga edad, ang kanilang relasyon ay maagang nagwakas.
Saad ni Yazmin: "I'm very happy for Michael. Malayo na rin narating niya and I'm so glad because at that time kasi, we were still very young.
"As in super young pa kami, puppy love pa siya. And you know, LDR [long-distance relationship] happened and stuff.
"It was really difficult and we were still both studying."
Nagtapos man sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan, masaya raw si Yazmin na makitang masaya ngayon si Michael sa takbo ng kanyang karera—hindi lang sa music kundi sa pagiging konsehal sa General Santos City.
Sabi ni Yazmin, "Seeing his success, it makes me very, very happy."
Yazmin Grateful to the Pacquiao family
Sundot na tanong ng PEP. "May pressure ba yun na isang anak ng Manny Pacquiao yung boyfriend mo noon?"
Mabilis na sagot ni Yazmin: "Nakakatawa nga kasi I didn't know at first. At first, when he reached out, sabi ko, 'Oh, there's this person chatting.'
"Yun pala, he's like the anak ng Pacquiao. So I was, like. 'Oh, okay.'
"So I did feel a bit of pressure that time din, siyempre."

Nagpadagdag pa raw noon sa pressure ni Yazmin ang mga nakikita niyang post at ulat online tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.
"Grabe yon, hindi ko in-expect na sasabog nang ganun actually. Hindi ko talaga in-expect.
"I didn't even expect it to go public agad.
"Pero, like, when that happened, I was pretty shocked.
"Sobrang na-shock ako and sobrang, you know, a bit of pressure here and there kasi siyempre nakatitig na talaga yung mga tao at every movement that we were doing.
"So, yeah, it was lots of pressure. Pero grateful naman din because at that time, singer na nga akong ganun and people started looking into our music na rin.
"So, natuwa naman ako."
Read: Jinkee Pacquiao excited to meet grandchild from son Jimuel
Sa huli, ipinahayag ni Yazmin ang pasasalamat sa pamilya Pacquiao na naging "nice" at "respecful" daw sa kanya noong sila pa ni Michael.
Aniya: "They were really nice to me. Like, honestly, at that time talaga they were very respectful of me.
"And napaka-thankful din ako sa kanila because during that time, I was welcome naman."
Samantala, sa ngayon ay masaya at ine-enjoy raw ni Yazmin ang kanyang "single era," kunsaan naka-focus siya sa kanyang music career at pagiging content creator.
