Nananatiling mainit na usapin sa social media ang mga kontrobersiyal na pahayag ng StarStruck alumnus na si Alvin Aragon kaugnay ng malalim niya umanong paniniwala sa mga salita ng Diyos.
Na ultimo ang pagiging bahagi ng asawa niyang si Izzy Trazona ng SexBomb Girls ay mariin niyang tinututulan.

Hindi rin sang-ayon si Alvin sa sexual orientation ng stepdaughter niyang si Sofia Trazona, na isang trans woman.

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark
Sa panayam sa kanya ng DWAR Abante Radyo noong Biyernes, February 13, 2026, sinabi ni Alvin na hindi kaaya-aya sa Diyos kung si Izzy ay maging bahagi pa ng SexBomb, gayong may masamang interpretasyon daw na naiisip ang ibang tao tungkol sa all-girl grupo.
Pag-amin ni Alvin, naaasiwa siya sa tuwing naririnig at napapanood ang grupo ng kanyang asawa.
Sa pangalan pa lang daw kasi nitong SexBomb ay may nakikita na siyang mali.
Ito ay dahil sa salitang "Sex," na ayon sa kanya ay "hindi pleasing, hindi magandang impluwensiya sa maraming tao sa Pilipinas, sa mga bata especially."
Mayroon din daw problema sa pananamit ng SexBomb kaya mariin niya itong tinututulan.
Lumalabas na para kay Alvin, hindi "kagalang-galang" ang mga isinusuot ng SexBomb Girls dahil kita raw ang cleavage at legs ng mga ito sa entablado, kung saan maraming lalaki raw ang nanonood sa kanila.
Bukod sa pangalan at pananamit, malaking epekto rin daw sa paniniwala ni Alvin kung paano sumayaw at gumalaw ang SexBomb Girls.
Sa kaso raw kasi ng grupo ay masasabi niyang "seducing" sumayaw ang mga ito.
Ito ay sa kabila ng katotohanang karamihan ng fans ng SexBomb ay mga babae, mga bading, at mga bata.
Ito ay base sa bilang ng mga nanood sa kanilang reunion concert na umabot na sa limang pagtatanghal.
Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion
Mariin ding tinututulan ni Alvin ang buhay na piniling tahakin ng stepdaughter niyang si Sofia Trazona.
Aniya, taliwas sa utos ng Diyos ang pagiging miyembro ng LGBTQ at naniniwala siyang sa impiyerno ang bagsak ng mga ito.
Read: Trans woman na anak ni Izzy, inaming di na sila nagkikita ng ina
Maraming netizens, pati na celebrities, ang nagtaas ng kilay at hindi sumang-ayon sa mga pahayag ng kauna-unahang contestant na na-eliminate sa artista search ng GMA-7, ang StarStruck (2003).
Kabilang sa celebrities na nag-react ay ang mga aktres na sina Sue Ramirez, Rica Peralejo, at Tart Carlos, aktor na si Mikoy Morales, influencer na si IC Mendoza, beauty queen-host na si Joy Barcoma, at film writer na si Jerry Gracio.
RICA PERALEJO: "Love before judgment is the way of God."
Sa Threads nitong Lunes, February 16, ibinahagi ni Rica Peralejo ang kanyang saloobin tungkol sa malalim umanong pananampalataya ni Alvin.
Ani Rica, nauunawaan niya ang hangarin ni Alvin na ibahagi ang salita ng Diyos sa iba. Ngunit kapag nauuna raw ang self-righteousness at panghuhusga ay nawawala rin ang tunay na mensahe ng pananampalataya.
Alam na alam daw ito ni Rica dahil napagdaanan na niya ito noon bago tuluyang maging ganap na Christian.
Read: Rica Peralejo denounces comment on LGBTQIA+ non-existence.
May mga pagkakataon nga raw noon na naging bulag siya sa katotohanan.
Akala raw niya noon na ang pinakamahalagang gawin ay ipasok sa isipan ng mga tao kung gaano siya kakaiba dahil sa kanyang pananampalataya.
Ang isip daw niya noon ay gagayahin din siya ng iba, ngunit mas lalo raw lumayo ang mga nais niyang akayin sa Diyos.
Buo niyang post: "I totally understand the desire to share God with other people but when you are not careful in doing it, whereby you sound self-righteous and all, then do not expect the message to come through.
"Love before judgment is the way of God. If the latter goes first, don't call the unbeliever misunderstanding because the first miss here was yours.
"You didn't really understand the way of the message. I know this btw (by the way) cause I was just as blind before.
"I thought the most important thing to do was to shove it into people's minds how "different" I am by choosing to "stay pure" and all.
"Hoping they'd want to change, too. Yet all that did was earn praise from the believers while I totally put off the unbelievers.
"The irony of catching fish that's already caught and well within the basket."
MIKOY MORALES: "huwag kang Ipokrito."
Sa Facebook post naman idinaan ni Mikoy Morales ang pagbibigay niya ng saloobin tungkol kay Alvin.
Dito ay binigyang-diin ng Kapuso actor ang paniniwala niyang hindi mahalaga kung anumang relihiyon ang kinabibilangan ng isang tao, basta ito ay nagtutulak sa paggawa ng mabuti sa kapwa.
Read: Izzy Trazona, binura na ang Facebook post laban sa PEP
Ayon pa kay Mikoy, nawawala ang tunay na diwa ng pananampalataya kapag ginagamit ang relihiyon upang magkalat ng galit at manghusga ng iba.
Hindi rin daw mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pananampalataya kapag ginagamit ang Bibliya o anumang banal na kasulatan para punan ang iyong insecurities.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Whatever your religion is—as long as it does you good and makes you be/do good to others, you are.
"Pero kung “religious” ka kuno at nagkakalat ka ng poot at panghuhusga, tapos ginagawa mong dahilan nito ang “salita ng Diyos”, hindi pananampalataya yun.
"Kung ginagamit mo yung Bible, or any written scripture, to justify your insecurities— then hindi mo talaga naiintindihan yung binasa mo, at lalo na ang pananampalataya.
"To shorten this post: huwag kang Ipokrito. Yun lang."
IC Mendoza: "Stop weaponizing our Christian faith to hurt people and clout chase."
Halos ganito rin ang sentimyento ng former child star na si IC Mendoza.
Sa X (dating Twitter) nanawagan si IC na tigilan na ang paggamit ng relihiyon upang makapanakit ng iba.
Tinuligsa rin niya ang naging pahayag ni Alvin tungkol sa anak nitong si Sofia na piniling magpakatotoo.
Reda: Nic Chien describes how mom Lea Salonga supports his transition
Ani IC, lumaki rin siya sa isang pamilyang malalim ang pananampalataya sa Diyos. Ngunit hindi raw ito naging hadlang para itakwil siya ng kanyang pamilya at pigilan siyang ipakita ang pagiging gay.
Diin pa ni IC, ang relasyon niya sa Diyos ay nakabatay sa panalangin at biyaya nito, hindi sa anumang sasabihin ng tao.
Pahayag niya (published as is): "Stop weaponizing our Christian faith to hurt people and clout chase. I am a gay guy and a Christian.
"Anak at apo ako ng mga Pastor. I practically grew up in church and my relationship with God is built on prayer and his grace, and not on other people's approval.
"I did not choose between my faith and my identity. I can have both."
Sue Ramirez: "Mas kasalanan kaya maging homophobic at transphobic."
Maikli ngunit makahulugan naman ang reaksiyon ng aktres na si Sue Ramirez tungkol sa hindi pagsang-ayon ni Alvin sa pagiging bahagi ng SexBomb ni Izzy at pagiging trans woman ni Sofia.
Ani Sue (published as is), "Na para bang kasalanan maging sexbomb???? Mas kasalanan kaya maging homophobic at transphobic."
Read: Bulacan Vice Governor Alex Castro, ayaw patulan si Alvin Aragon
Homophobic ang tawag sa pagkamuhi o hindi pagtanggap sa mga taong bakla, lesbian, o bisexual.
Habang ang transphobic naman ay diskriminasyon laban sa mga transgender o mga taong ang gender identity ay iba sa kasarian na itinakda sa kanila noong kapanganakan.
Jerry Gracio: "Ano'ng klaseng magulang ang magtatakwil sa anak..."
Sa hindi pagtanggap ni Alvin kay Sofia isinentro ng film writer na si Jerry Gracio ang pagbibigay niya ng pananaw.
Naniniwala si Jerry na mas hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang ginagawa ni Alvin na hindi tanggapin kung ano ang seksuwalidad ng kanyang anak.
Read: SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands
Mababasa sa post niya sa Facebook (published as is): "Ay naku, sigurado ako na mas ayaw ng Diyos sa mga magulang na itatakwil ang anak nila dahil lang bakla, trans, o tomboy sila.
"Ano'ng klaseng magulang ang magtatakwil sa anak dahil lang sa mga pinili nilang landas?
"Hindi Godly, kundi evil."
Joy Barcoma: "Don’t weaponize belief to govern other people’s bodies..."
Mariin ding kinondena ni Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma ang naging pahayag ni Alvin tungkol sa pananamit at gawi ng pagsayaw ng SexBomb Girls.
Diin niya, maling ginagamit ang relihiyon upang kontrolin ang kilos at pananamit ng ibang tao.
Wala raw sa pananamit ng isang babae kung paano siya tingnan o tratuhin ng isang lalaki.
Read: Laguna SK chairman, nag-apologize sa convenience store incident
Sabi ni Joy (published as is): "I respect religions and beliefs. What doesn’t sit well is when belief is interpreted in a way that leans more toward control than faith.
"From his own words, “If you look lustfully at a woman, you are already committing adultery in your heart”, the accountability is clearly placed on the observer, not the person being observed.
"Lust is an internal issue. It happens in the mind.
"So when people shift that responsibility outward by regulating how women dress or behave, they directly contradict the very teaching they claim to uphold.
"Faith calls for self-accountability. Control demands compliance from others."
Dagdag pa niya, "Don’t weaponize belief to govern other people’s bodies when the teaching itself is about governing your own thoughts."
Tart Carlos: "Izzy, you know what, you should do what you have to do."
Nanggagalaiti naman sa galit ang aktres na si Tart Carlos sa kanyang TikTok video nang magbigay siya ng opinyon sa aniya'y mga nababasa niya online tungkol kay Alvin.
Bilang masugid na tagahanga ng SexBomb at kasamahan sa showbiz, naaawa raw siya kay Izzy na hindi nito magawa ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya dahil kay Alvin.
Pahayag ni Tart sa kanyang TikTok video: "Gigil ako ngayon...Naiinis kasi ako sa mga write-up na nababasa ko ngayon.
:Isa kasi ako sa mga tao na gustung-gusto kong makumpleto ang SexBomb. Ayan nga ang hinihintay ko, e.
"Pagkatapos, na-realize ko at hindi rin naman ako nagulat na mayroong isang SexBomb na hindi nakasali [sa reunion concert] because hindi pinayagan ng asawa.
"Itong si Izzy ka-teatro ko po yan, even si Jopay [Paguia], pare-parehas kaming magkakasama sa theater group namin.
"Hindi ko ma-gets kung bakit hindi pwedeng sumali sa show ng SexBomb [si Izzy].
"Hindi ko ma-gets talaga pero naiintindihan ko na marunong rumespeto si Izzy sa desisyon ng kanyang asawa.
"Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi puwede."
Naniniwala si Tart na dala umano ng insecurity kaya naghihigpit si Alvin sa kanyang misis, hindi dapat sa utos umano ng Diyos kay Izzy.
Banat niya kay Alvin: "Nako, Alvin Aragon naman. Ngayon ka pa ba mai-insecure, e, ang dami niyo nang anak.
"Hello naman, ayan na naman tayo, e, sasabihin mo na naman para kay Lord. My gosh, yung talentm si Lord ang nagbigay niyan.
"Let Izzy do her thing. Magaling siya doon, dapat ikaw ang unang natutuwa, [pero] bakit hindi?
"Bakit hinahayaan mo yung mga taong mahal mo, e, hindi magpakatotoo sa mga sarili nila?
"Huwag mo rin namang isipin masyado yung kaligayahan mo. Ang isipin mo yung kaligayahang maibibigay ni Izzy sa maraming tao, hindi yung puro ikaw lang."
Buwelta pa ni Tart, hindi rin niya maintindihan kung bakit galit na galit si Alvin sa stepchild niyang si Sofia Trazona na miyembro ng LGBTQIA+, gayong nagtatrabaho ang aktor sa showbiz industry na puno ng mga LGBT member.
Pahayag niya: "Anak ka naman ng tokwa, oh. Noong una, kabaklaan ayaw mo—hindi mo matanggap [yung stepdaugther mo] pero trabaho ka nang trabaho sa showbiz.
"Noong nakaraan nga nagkita pa tayo sa Cruz vs Cruz, nagkita lang pero hindi tayo nagbatian.
"Baka nga malinis kang tao at hindi mo afford na batiin ang kagaya ko.
"Hindi kita kaya, Alvin Aragon, kasi makasarili ka. Sa tingin mo ba ayan ang tama?
"Tsaka kung ayaw lang din ng kabaklaan, e, hindi ka pwede sa showbiz. Halos kalahati na nga ng showbiz, e, kabaklaan. May mga babaeng bakla, hindi ka pwede dun.
"Pero nandito ka pa rin naman. Ina-accept ka ng mundo na inaayawan mo kaya huwag tayong magpakaipokrito."
Kinuwestiyon din ni Tart ang pagne-name drop ni Alvin kay Bulacan Vice Governor Alex Castro dahil pinayagan nitong magtanghal ang asawa niyang si Sunshine Garcia sa reunion concert ng SexBomb.
Ani Tart: "Nagdamay ka pa ng ibang SexBomb ha at mga asawa nila. Nag-name drop ka rin, ni-name drop mo si Sunshine Garcia at si Alex, e pareho kong mga kaibigan yon.
"Nagkataon lang na masaya sila na yung mga partner nila, e, ginagawa yung tama at yung nagpapasaya sa kanila.
"Ang laki ng kaibahan, sa totoo lang hindi ko kayo para i-compare.
"Hindi ibig sabihin na pinayagan ni Alex yung asawa niyang si Sunshine, e, mali siya at ikaw ang tama."
May mensahe rin si Tart kay Izzy na huwag itong papadala sa batas ng kanyang mister, gayong alam naman daw nito sa kanyang sarili na gustung-gusto niyang magtanghal muli para makapagpasaya ng ibang tao.
Panawagan ni Tart: "Izzy, you know what, you should do what you have to do.
"Eto naman, reunion lang. Hindi naman ibig sabihin na forever niyo nang gagawin. Concert lang naman ito.
"Mag-aanim na, o. Six rounds na tapos mag-a-abroad pa, tapos hindi ka pa rin kasama?
"Biruin mo yung mga nami-miss mo at nami-miss ng mga tao. Nami-miss ka namin."
Dagdag pa niya: "Marunong akong rumespeto ng relihiyon. Pero I don't think na dahil sa religion yon.
"Parang galing lang sa isip ng isang tao na mali ang interpretasyon sa sinasabi ng kanyang relihiyon.
"I'm sorry, but I don't understand either.
"E, di mag-jeans [si Izzy]. Napakaipokrito kasi nung nagsu-Zumba, nagsasayaw rin naman sa harap ng maraming tao, pinapayagan mo [Alvin].
"Pero pagdating sa concert, hindi, kasi maraming makakanood, maraming magiging masaya.
"Dyusko naman, grow up. Dapat hindi paurong.
"Nakakalungkot lang kasi ang daming nami-miss ni Izzy.
"Alam kong hindi dapat ako nanghihimasok sa mga ganyan, pero naiinis lang ako as a fan, as a friend, as a co-worker and actor.
"Nakakapanghinayang talaga, sobra.
"Lord, sorry. Naiinis lang ako, nakakapanghinayang kasi yung pinahiram mo ng talent, tapos hindi ginagamit, sayang."
