Diretsahang pinuna ni Sofia Trazona ang stepfather na si Alvin Aragon dahil sa ibinigay nitong opinyon sa tila pagnanasa ni Quezon City Fourth District Representative Jesus “Bong” Suntay sa actress-TV host na si Anne Curtis.
Si Sofia, kilala rin bilang Andrei Trazona, ang panganay na anak ng misis ni Alvin, ang dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.
Read: Izzy Trazona answers criticisms against husband Alvin Aragon
Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ni Suntay ay hindi rin nagpaawat si Alvin na magbigay ng opinyon sa sinasabing pambabatos ng kongresista hindi lang kay Anne kundi maging sa lahat ng kababaihan.
Read: Celebrities call out Bong Suntay over remarks about Anne Curtis
Sa kanyang social media accounts nitong Miyerkules, March 4, 2026, ibinahagi ni Alvin ang video clip ng isa niyang panayam kung saan tinalakay nito ang sinasabing kaparusahan ng Diyos kapag ang isang lalaki ay nakakaramdam ng pagnanasa sa isang babae.
Sa caption nito, iginiit ng aktor na ang pagnanasa ay isang tukso na mahirap iwasan ng tao, lalo na ng mga kalalakihan.
Aniya, mas lalo pa itong nadaragdagan kapag maikli o lantad ang kasuotan ng mga kababaihan.
Ayon pa kay Alvin, makatutulong umano ang pagiging maingat sa pananamit ng mga kababaihan upang maiwasan ang pag-usbong ng "sexual desire" ng mga lalaking nakakakita sa kanila.
Paniniwala ni Alvin (published as is), "Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa may mag iinit sa loob mo.
"Lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs..Kaya Filipino men protect your wife, may “Sin of lust” kasi.
"And Filipino women dress modestly to avoid sexual desire. Kasi nga may "Sin of lust."
Dagdag pa niya: "Alam nyo mahirap talaga yan iwasan si Jesus lang ang makakatulong sayo ma-overcome yan.
"Jesus said: …if your eye causes you to sin, gouge it out and throw it away.
"It’s better to enter eternal life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fire of hell…"
Read: Alvin Aragon reacts to Bong Suntay issue with religious reminder
Sa Facebook, ibinahagi ni Sofia ang isang art card na naglalaman ng opinyon ng kanyang stepfather.
Sa caption, diretsahan niyang sinabihan si Alvin na walang respeto sa kababaihan.
Saad ni Sofia (published as is), "ang dumi mag isip ah walang respeto sa babae."
Sofia stands up for women, gives credit to men who truly respect them
Isa pang video ang ipinost ni Sofia sa kanyang Facebook, kung saan dito ay pinuri niya ang mga lalaking marunong rumespeto sa kababaihan.
Mga lalaking kailanman ay hindi rin ginawang basehan ang pananamit o hitsura ng mga babaeng kanilang tinitignan sa respetong kanilang ibinibigay.
Read: Asawa ni Bong Suntay, nag-apologize kay Anne Curtis

Saad niya: "I honestly appreciate men who really respect women—na hindi lang nila nakikita sa pananamit nila, dahil may nakalabas na cleavage or hindi sila nagba-bra.
"They respect women because they deserve to be respected.
"We give credit when credit is due."
Giit pa ni Sofia, kung ang isang lalaki ay may respeto, nararapat lamang na respetuhin din siya. Taliwas ito sa mga lalaking may malisyosong utak at paniniwala.
Read: Bong Suntay apologizes; insists there was no "malice intended"
Pahayag niya: "And if itong mga lalaking ito ay may respeto, respetuhin din natin sila.
"Pero sa mga lalaki na merong malicious mind, hindi namin kayo irerespeto dahil hindi ninyo nirespeto yung mga babae sa buhay namin."
Sa huli, idiniin ni Sofia na hindi tamang maging basehan ang pananamit ng isang babae sa kung paano siya tinitingnan at pahalagahan ng mga lalaki.
Aniya, "You don’t give comments about women’s clothes, you don’t give comments about kung paano sila manamit.
"I take that away from you. You don’t have that power."
Read: Did Nikko Natividad confirm alleged leaked video scandal?
