PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rave Victoria recalls asking permission to court Ashley Sarmiento

Rave: "Seryoso kasi talaga ako kay Ashley. Gusto ko talaga siya."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 19, 2026
Rave Victoria recalls asking permission to court Ashley Sarmiento
Rave Victoria on how he confessed and asked Ashley Sarmiento to court her: "Nasa sasakyan kami noon, hinatid ko siya tapos sinabi na seryoso ako sa kanya, tapos sinabi ko, 'Kung pwedeng manligaw?'"
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Ashley Sarmiento on Instagram

Malinaw na malinaw pa sa alaala ng Kapamilya young actor na si Rave Victoria kung paano niya ipinagtapat ang kanyang nararamdaman sa Kapuso young actress na si Ashley Sarmiento.

Noong March 13, 2026, isinapubliko ni Ashley ang tungkol sa panliligaw sa kanya ng kapwa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 2.0 housemate na si Rave.

"Nag-start na po siya manligaw. Isang beses pa lang po siya pumunta po sa house.

"Pero one time po nag-church po kami, tapos in-invite po kami ng ate ko po sa house niya po para mag-bonding po," kumpirmasyon ni Ashley sa Fast Talk With Boy Abunda.

Read: Ashley Sarmiento addresses real score with Marco Masa

Kaugnay nito, sa Star Magic Spotlight presscon nitong Miyerkules, March 18, ay nahingan ng reaksiyon si Rave sa walang pag-aalinlangang pag-amin ni Ashley.

Pagbabahagi ng aktor, nanonood siya noon ng Fast Talk With Boy Abunda bilang suporta sa guesting at interview ni Ashley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Iñigo Jose wants to settle issue with dad James Blanco in private

Wala raw siyang kamalay-malay na sa oras na iyon ay sasabihin ni Ashley ang kanyang panliligaw.

Ani Rave, "Nabigla rin ako nun. Tapos sabi din naman niya, deserve ko raw na malaman ng mga tao."

Rave looks back on asking to court Ashley

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rave, ikinuwento niya ang araw kung kailan naglakas-loob siyang ipagtapat ang kanyang intensiyon kay Ashley.

Ayon sa binata, sa sasakyan habang siya ay nagmamaneho pauwi, nangyari ang pag-amin niya ng feelings sa aktres.

"Nasa sasakyan kami noon, hinatid ko siya, tapos sinabi na seryoso ako sa kanya,.

"Tapos sinabi ko kung puwedeng manligaw," pagbabalik tanaw ni Rave.

Read: Lella Ford grateful to Kaila Estrada for making Daniel "happy"

Laking pasasalamat naman ni Rave na agad pumayag si Ashley, kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahong magpakita sa pamilya ng aktres upang pormal na humingi ng permiso sa panliligaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gaya ni Ashley, pumayag din daw ang mga magulang nito sa aniya’y tapat at malinis na hangarin ni Rave para sa kanilang anak.

"Seryoso kasi talaga ako kay Ashley. Gusto ko talaga siya," taas-noong pahayag ni Rave.

Read: Nico Locco, tukoy na ang babaeng kasama niya sa video scandal

Sundot na tanong ng PEP, "Kailan mo naramdaman na gusto mo talaga siya at ready ka to pursue her?"

Mabilis na sagot ng binata: "Actually, nag-start nung lumabas ako ng bahay.

"Kasi mas nakita ako, may mga pangyayari na hindi ko alam kasi, di ba, sila nag-uusap?

"Nakita ko talaga kung sino si Ashley as a person, and ayun talaga yung pinaka ina-admire mo sa kanya."

Rave Victoria recalls asking permission to court Ashley Sarmiento
Rave Victoria opens up about his relationship with Ashley Sarmiento, from confessing his feelings to gaining her parents’ approval.
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila ang nais patungkulan ni Rave ay ang bukas ding pag-amin ni Ashley sa kanyang co-housemates na higit pa sa kaibigan ang tingin niya kay Rave.

Si Rave ang ika-apat na Kapamilya housemate na na-evict sa PBB: Celebrity Collab 2.0, habang si Ashley naman ay nakaabot hanggang Big Night kung saan siya itinanghal na Kapuso Third Big Placer.

Read: Caprice Cayetano, Lella Ford Big Winners of PBB Celeb Collab 2.0

Ashley’s qualities that Rave likes the most

Bukod sa pagiging maganda raw ni Ashley, isa sa pinakahinangaan sa kanya ni Rave ay ang matibay na paniniwala at pananampalataya nito sa Diyos.

Saad ng binata: "Yung paniniwala niya kay Lord...

"Para kasi sa akin, kapag nagkaroon ako ng relationship, e, si Lord talaga yung center namin para may guidance kami.

"Kaya para sa akin, sobrang laking factor non na ganon [si Ashley]."

ashley sarmiento maka
Ashley Sarmiento finishes strong as the PBB Kapuso Third Big Placer.
Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Ashley, nais din daw patunayan ni Rave sa mga nagmamahal sa aktres na seryoso siya rito at nakahanda siyang maghintay gaano man katagal.

"Go with the flow. Nasa sa kanya na yon [kung kailan niya ako sasagutin].

"Hindi ko siya sa pine-pressure o tinatanong. Ayoko, siya ang bahala," sabi niya.

Read: Sofia Andres hilariously introduces herself as Jeff Canoy on air

Paano ba manligaw si Rave?

Nakangiti niyang sagot: "Ako, masasabi ko na very traditional.

"Kasi ganun yung tinuro ng lola ko sa akin. So, yung mga tinuro ng lola ko, for me, mas ayun yung ia-apply ko.

"Kasi for me lang, mas mapi-feel ng babae na special siya sa ganoong way.

"[Mabulaklak at pumupunta sa bahay], ayun yung mas gusto ko. Gusto ko rin kasi ng quality time."

Rave on Ashley being paired with others

Dahil magkaiba sila ng network, hindi maiiwasang itambal sila sa iba.

Nakahanda ba si Rave na makita si Ashley na may ka-loveteam na iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya: "Ako naman, before pa ako pumasok sa buhay ni Ashley, ayun na yung work niya.

"Ayun na yung naging work niya sa buong buhay niya. Ayun na yung nagpapakain sa kanila.

"So ako, bago ko pinasok yung buhay ni Ashley, alam ko na yon na mahihirapan kami kapag ganito [may ibang partner].

"So, wala talaga sa akin yon. Naiintindihan ko yon. Tutulungan ko pa siya."

Rave Victoria recalls asking permission to court Ashley Sarmiento
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nangako si Rave sa mga magulang ni Ashley na gagawin niya ang lahat upang alagaan at protektahan ang aktres.

Sabi niya, "Pinapangako ko po na hindi ko po lolokohin yung anak niyo at aalagaan ko po siya nang maayos."

Read: PEP.ph's kasambahay-cum laude graduate story wins award from DLSU

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rave Victoria on how he confessed and asked Ashley Sarmiento to court her: "Nasa sasakyan kami noon, hinatid ko siya tapos sinabi na seryoso ako sa kanya, tapos sinabi ko, 'Kung pwedeng manligaw?'"
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Ashley Sarmiento on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results