PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval denies claims Jeric urged Kylie to file for annulment

AJ Raval: "Walang nag-aaway. We’re all at peace."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 20, 2026
AJ Raval denies claims Jeric urged Kylie Padilla to file for annulment
AJ Raval (second from the left) on rumors that father Jeric Raval asked Kylie Padilla (right) to file for annulment: "Fake news. 100%...He’s too old to be involved in something like this."
PHOTO/S: AJ Raval on Facebook/Screengrab YouLOL on YouTube

Mariing kinondena ni AJ Raval ang kumakalat na balitang kinausap ng kanyang amang si Jeric Raval ang Kapuso actress na si Kylie Padilla na mag-file ng annulment upang mapawalang-bisa na ang kasal nila ni Aljur Abrenica.

Si AJ ang kasalukuyang partner ni Aljur, ang estranged husband ni Kylie.

Read: AJ Raval dreams of having 12 children: "Ang saya nun."

Sa pamamagitan ng pagpu-post sa Instagram Stories, noong March 17, 2026, dinepensahan ni AJ ang ama laban sa mga sumisira at nagpapakalat umano ng maling balita.

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Fake news. 100%. My father would never mention a name.

"He’s too old to be involved in something like this.

"Walang nag-aaway. We’re all at peace."

Bagamat alam ni AJ na maraming kumukutya sa kanilang pamilya, hindi raw sila nagpapaapekto dahil alam nila kung ano ang totoo.

Read: AJ Raval claps back at bashers calling her "kabit, laos"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak din niyang maayos at masaya ang kanilang kalagayan ngayon, hindi lang ng kanilang pamilya kundi maging ni Kylie.

Pahayag ni AJ: "Hate us all you want. Continue spreading lies. Continue to take me down if that’s what makes you happy.

"Kung saan kayo masaya gawin niyo. It doesn’t matter anymore.

"What’s important is what’s happening inside our home, not what you see form the outside.

"We’re okay. Walang beef sa loob. Walang nag aaway at bati lahat."

AJ Raval denies claims Jeric urged Kylie Padilla to file for annulment
Photo/s: Screengrab AJ Raval on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa huli, hiniling ni AJ na tigilan na ang pagnenega laban sa kanyang pamilya at ituon na lamang ang atensiyon sa mas mahahalagang bagay.

Saad niya, "Let’s start the day fresh and focus on positivity instead of negativity

"God bless you all.”

ALL'S WELL BETWEEN AJ AND KYLIE

Noong November 12, 2025, sa live interview sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni AJ sa unang pagkakataon na mayroon na siyang limang anak, matapos niya itong itago sa publiko sa loob ng ilang taon.

Ang unang dalawang anak ni AJ ay mula sa dati niyang karelasyong walang kinalaman sa showbiz, habang ang tatlo naman sa kasalukuyang partner na si Aljur.

Read: AJ Raval recalls how eldest child had to call her "ate"

Ilang oras lamang ang lumipas, noong araw na iyon ay nag-post din si Kylie sa kanyang Facebook para magpahayag ng galak sa katapangang ipinamalas ni AJ.

Nakasaad sa post ni Kylie (published as is): “Ito lng po comment ko para matapos na, matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang close sila at yun pinakaimportante.

“Happy that now di na kailangan magtago. Proud of you.

"Peace all around. Sana matapos na drama.”

Read: Kylie Padilla, matagal nang alam ang rebelasyon ni AJ Raval

Bukod sa mga anak ni AJ, mayroon ding dalawang anak si Kylie kay Aljur—sina Alas at Axl.

Ang pahayag na ito ni Kylie ay patunay na maayos ang relasyon nila ni AJ.

Read: Kylie Padilla reacts to her sons bonding with AJ Raval’s daughter

Taliwas ito sa mga haka-hakang hindi sila magkakasundo.

At lalong walang katotohanan ang mga paratang na si AJ ang third party sa pagwawakas ng relasyon noon nina Aljur at Kylie.

Hiwalay na ang dalawa nang mag-umpisa ang pagmamahalan nina Aljur at AJ na nagsimula noong 2021 sa set ng Vivamax movie na Nerissa.

Read: Kylie Padilla admits feeling jealous of sons’ closeness to AJ

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval (second from the left) on rumors that father Jeric Raval asked Kylie Padilla (right) to file for annulment: "Fake news. 100%...He’s too old to be involved in something like this."
PHOTO/S: AJ Raval on Facebook/Screengrab YouLOL on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results