Tila tinuldukan na ni Maine Mendoza ang haka-hakang hiwalay na sila ng asawang si Arjo Atayde.
Ito'y matapos siyang mamataan sa wedding anniversary celebration ng mga magulang ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
Read: Sylvia Sanchez ayaw pakialaman ang pagpapalaki sa apo
Sa Instagram post ni Sylvia nitong Lunes, March 30, 2026, ibinahagi niya ang mga larawang kuha sa kanilang selebrasyon, kung saan makikitang present si Maine.
Bukod kay Maine, naroon din ang mister niyang si Arjo.
Present din ang ang mga kapatid ni Arjo na si Ria Atayde at asawa nitong si Zanjoe Marudo; si Gela Atayde at rumored boyfriend nitong si Zaijian Jaranilla; at ang bunsong si Xavi Atayde.

Mababasa sa caption ng post ni Sylvia (published as is): "Thank you, kiddos, for surprising us last night. Love you all!
"Happy anniversary again, my husband Art—pangit! Love you most!"
Mabilis na umani ng reaksiyon online ang post na ito ni Sylvia.
Ayon sa netizens, ito ang patunay na walang katotohanan ang mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nina Arjo at Maine.
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
ARJO-MAINE BREAKUP RUMORS
Nagsimulang maintriga ang relasyon nina Arjo at Maine nang kumalat online ang video mula sa double birthday celebration nina Art at Ria noong March 25.
Ang video ay kuha ng komedyanteng si Bayani Agbayani.
March 13 ang kaarawan ng padre de pamilya ng Atayde na si Art, habang March 23 naman ang anak nitong si Ria.
Sa video, napansin ng ilang netizens na wala si Maine, samantalang present ang kanyang mister na si Arjo, gayundin ang asawa ni Ria na si Zanjoe.
Dahil dito, umusbong ang samu’t saring espekulasyon na umano’y hiwalay na ang dalawa.
Lalo pang nakadagdag sa haka-haka ng netizens nang burahin ni Bayani ang video sa kanyang TikTok account.
Read: Bayani Agbayani, binura ang video ng Atayde family minus Maine
May ilan ding netizens ang muling nag-ungkat ng isang blind item noong January 2026 tungkol sa umano’y naghiwalay na “power couple,” at sinabing maaaring sina Maine at Arjo ang tinutukoy rito.
Read: Toni Gonzaga shuts down "power couple" blind item
Hindi pa direktang nagsasalita sina Maine at Arjo kaugnay nito.
Gayunman, noong March 27, isang chat message via Messenger ang ipinaabot ng showbiz PR ng pamilya Atayde na si Chuck Gomez sa ABS-CBN News matapos hingan ng reaksiyon ang panig ng mag-asawa.
Ayon kay Gomez, may malalim na dahilan kung bakit hindi nakadalo si Maine sa birthday celebration nina Ria at Art.
Aniya, may sakit umano ang Eat Bulaga! host noong araw na iyon kaya kahit nais nitong pumunta, hindi ito pinayagan batay sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor.
Read: Is Zaijian Jaranilla the guy Gela Atayde is in love with?
