Layag na layag ang tambalang MikWill o WillKa nina Will Ashley at Mika Salamanca, makaraang kiligin ang kanilang fans at followers sa mga larawang kuha sa bakasyon nila sa Bangkok, Thailand.
Sa kanilang joint post sa Instagram nitong Linggo, April 5, 2026, ipinakita nina Will at Mika kung paano nila in-enjoy ang kanilang bakasyon.
Sa mga larawan, makikitang naka-school uniform pa ang dalawa habang kinukunan ang isa’t isa sa iba’t ibang tourist spots sa nasabing bansa.
Hindi malinaw kung sila lamang dalawa ang nagbakasyon o may kasama pa silang iba.

“Hi” ang simpleng caption sa naturang post.
NETIZENS' REACTION
Mabilis na pinag-usapan ang mga larawan nina Will at Mika, kung saan marami sa kanilang malalapit na kaibigan at fans ang kinilig sa anila’y chemistry ng dalawa.
Kabilang sa mga nagkomento sa kanilang IG post ang kapwa nila Pinoy Big Brother: Celebrity Collab housemates na sina Esnyr Ranollo, Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, at Charlie Fleming.
Read: Donny Pangilinan urges fans to stop hate against Belle, Shuvee


Halata rin ang kilig nina Ivana Alawi, Zeinab Harake, Awra Briguela, Myrtle Sarrosa, Direk Mae Cruz Alviar, Cup of Joe lead singer Gian Bernardino, at Benedict Cua nang mag-iwan sila ng komento sa post ng dalawa.


WILL-MIKA RUMORED RELATIONSHIP
Hindi ito ang unang pagkakataong naispatan sina Will at Mika na magkasama sa isang bakasyon.
Noong January 2026, nauna nang kumalat online ang mga larawan ng dalawa na magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong.
Read: Will Ashley, Mika Salamanca Hong Kong trip sparks mixed reactions
Dahil dito, hindi maiwasang pag-isipan ng netizens kung ano nga ba ang tunay na namamagitan kina Will at Mika, lalo na’t may kanya-kanya silang ka-loveteam.
Katambal ni Mika si Brent Manalo, at kilala sila sa tambalang MikBrent.
Read: Brent Manalo, Mika Salamanca topbill The Secrets of Hotel 88
Samantala, si Will naman ay itinatambal kay Bianca de Vera, at kilala sila sa tambalang WillCa.
Read: Will Ashley open to working again with Bianca de Vera as loveteam
Gayunpaman, nilinaw noon ng manager ni Mika na si Jan Enriquez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi lamang ang dalawang Kapuso stars ang magkasama noon sa Hong Kong.
"Yes, group sila na nag-HK for a quick trip," saad ni Enriquez.
Tungkol naman sa ugnayan nina Mika at Will, dagdag niya: "Since PBB Collab, Mika and Will have been good friends. Nothing romantic or anything.
"We are aware of this trip and we don't see anything wrong with it."
Read: Liza Soberano 2023 loveteam statement resurfaces amid WilCa issue
Ngunit may ilang netizens ang hindi kumbinsido rito, lalo na noong August 2025, inamin ni Will sa vlog sa YouTube ni Mika na matagal na umano niyang gusto at hinahangaan ang dalaga, na nagsimula noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.
Read: Will Ashley admits Mika Salamanca is his type among PBB housemates
Si Mika ay Kapamilya Big Winner, habang si Will ay Second Big Placer sa PBB: Celebrity Collab Edition, ang reality show na umere mula March hanggang July 2025.
