PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Ashley, Mika Salamanca deny rumors of “hard launch” Thailand

Will: "Hindi nga po namin ini-expect na magiging ganun yung reaction ng mga tao."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 6 hours ago
Mika Salamanca, Will Ashley deny “hard launch” rumors in Thailand
Will Ashley and Mika Salamanca deny hard-launch rumors, explaining the real story behind their viral Bangkok, Thailand vacation photos.
PHOTO/S: Mika Salamanca on Instagram

Pinabulaanan nina Will Ashley at Mika Salamanca na “hard launch” ng kanilang rumored relationship ang mga post nila sa Instagram kamakailan.

Noong April 5, 2026, pinag-usapan online ang mga larawang kuha sa bakasyon ng dalawa sa Bangkok, Thailand.

Read: Will Ashley, Mika Salamanca spotted exploring Thailand together

Sa mga larawan, makikitang naka-school uniform sina Mika at Will habang kinukunan ang isa’t isa sa iba’t ibang tourist at food spots sa nasabing bansa.

Trending sa social media ang nasabing concept ng pagkuha ng mga larawan.

Mika Salamanca, Will Ashley spotted exploring Thailand together
Photo/s: Mika Salamanca on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang makikitang ibang kasama ang dalawa sa kanilang mga ipinost na larawan, kaya inakala ng netizens na silang dalawa lamang ang nagbakasyon.

Mika Salamanca, Will Ashley spotted exploring Thailand together
Photo/s: Mika Salamanca on Instagram

Ito rin ang unang beses na ipinost ng dalawa ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram feed, makaraang ma-link sila.

Bagay na pinaniniwalaan ng kanilang mga tagahanga na tila hard launch ng napapabalita nilang relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mika, Will address "hard launch" speculation after Bangkok getaway

Sa panayam nina Will at Mika sa 24 Oras noong April 27, iginiit nilang hindi lamang silang dalawa ang nasa Bangkok nang kunan ang kanilang mga litrato.

Pahayag ni Will: "Masaya kasi kasama din namin yung ibang friends namin, so talagang naikot namin yung Bangkok, tapos nakakain din kami ng masasarap na food.

"Kumbaga, na-enjoy din namin yung day off namin after ng napaka-busy na schedule."

Dagdag naman ni Mika, "Nagpahinga po talaga."

Nang matanong ang tungkol sa kanila umanong pagha-hard launch, napangiti ang dalawa at itinanggi na ito'y may katotohanan.

Ani Mika, "Ha, hard launch? Hindi naman."

Read: DonBelle confirms break from loveteam after Tayo Sa Wakas

Paliwanag ni Will, hindi nila inakalang magba-viral ang kanilang posts dahil sinubukan lamang daw nila ang isang trending concept sa social media.

Saad niya: "Hindi nga po namin ini-expect na magiging ganun yung reaction ng mga tao, kasi parang nakita lang talaga namin yon ni Mika as trend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang cute din nung trend, so ayun, sakto, may malapit sa amin na uniform na nagre-rent, so trinay lang namin."

Read: Kaila's 2012 tweet about Daniel resurfaces after hard launch

WILL-MIKA RUMORED RELATIONSHIP

Ang Thailand trip nina Mika at Will ay hindi ang unang pagkakataong naispatan silang makasama sa isang bakasyon.

Noong January 2026, nauna nang kumalat online ang mga larawan ng dalawa na magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong.

Read: Will Ashley, Mika Salamanca Hong Kong trip sparks mixed reactions

Dahil dito, hindi maiwasang pag-isipan ng netizens kung ano nga ba ang tunay na namamagitan kina Will at Mika, lalo na’t may kanya-kanya silang ka-loveteam.

Katambal ni Mika si Brent Manalo, at kilala sila sa tambalang MikBrent.

Samantala, si Will naman ay itinatambal kay Bianca de Vera, at kilala sila sa tambalang WillCa.

Gayunpaman, nilinaw noon ng manager ni Mika na si Jan Enriquez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi lamang ang dalawang Kapuso stars ang magkasama noon sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, group sila na nag-HK for a quick trip," saad ni Enriquez.

Tungkol naman sa ugnayan nina Mika at Will, dagdag niya: "Since PBB Collab, Mika and Will have been good friends. Nothing romantic or anything.

"We are aware of this trip and we don't see anything wrong with it."

Read: Liza Soberano 2023 loveteam statement resurfaces amid WilCa issue

Ngunit may ilang netizens ang hindi kumbinsido rito, lalo na noong August 2025, inamin ni Will sa vlog sa YouTube ni Mika na matagal na umano niyang gusto at hinahangaan ang dalaga, na nagsimula noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

Si Mika ay Kapuso Big Winner, habang si Will ay Kapuso Second Big Placer sa PBB: Celebrity Collab Edition.

Read: Will Ashley admits Mika Salamanca is his type among PBB housemates

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley and Mika Salamanca deny hard-launch rumors, explaining the real story behind their viral Bangkok, Thailand vacation photos.
PHOTO/S: Mika Salamanca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results