Diretsahang itinanggi ng veteran TV host na si Willie Revillame ang alegasyon ng isang nagpakilalang dating production intern ng kanyang programa na bawal umano siyang tingnan, lapitan, at kausapin habang nasa oras ng trabaho.
Noong May 4, 2026, sa YouTube podcast na Walang Edit Edit, ibinahagi ng isa sa mga host ang umano’y karanasan niya bilang production intern sa noontime show na Wowowee noong nasa ABS-CBN pa si Willie.
Read: Willie Revillame on why Wil Tower was built during Wowowee days
Tumagal ng halos limang taon ang programang Wowowee sa ABS-CBN, mula 2005 hanggang 2010, bago lumipat si Willie sa GMA-7 at palitan ang pangalan ng kanyang noontime show sa Wowowin.
Ayon sa nagpakilalang dating production intern, may umiiral umano noong patakaran na ipinagbabawal sa staff ang tumingin o lumapit sa host.
“Bawal mo siya tingnan. Production intern ako within the studio at that time.
"Huwag mo siyang lalapitan. Kapag magkakasalisi kayo, umiwas ka ng tingin talaga.
"Bawal din siyang kausapin,” lahad nito.
Read: Willie Revillame addresses on-air outburst at staff
Dagdag pa niya, mahigpit umano itong ipinatutupad dahil maaaring mapagalitan o matanggal ang kanilang supervisor kapag hindi ito nasunod.
Mabilis na umani ng reaksiyon online ang naturang pahayag.
Ilang netizens ang nagkomento at nagbahagi rin ng umano’y kaparehong karanasan nila kay Willie.
Komento ng isang netizen sa TikTok: "Huy true to. Nag-intern din ako sa Wowowin before, kasama sa rules nila na bawal tignan si Willie. HAHAHAHAHA."

Kuwrnto pa ng isa: "Hoy totoo to. G*gi sa ABS building pa non. Diba meron kameng tinatawag na 'Greta Elevator'? Yung sa kanya 'Will hallway.' Bawal siyang titigan atecco."

"Real! Four months akong intern, pabilisan lumabas sa hallway kasi pati guards kabado na makasalubong namin si Willie HAHAHAHAHA," dagdag pa ng isa.

Willie debunks "bawal siya tingnan at lapitan" ALLEGATION
Mariing pinabulaanan ni Willie Revillame ang mga paratang sa live episode ng online show niyang Wilyonaryo noong May 6.

Read: Willie Revillame explains why Wilyonaryo will not air on TV5
Pahayag niya: “Marami nang lumalabas sa social media na paninira. Huwag po kayong maniniwala diyan na bawal raw akong tingnan.
"Una, hindi ko po alam na OJT o mayroong naka-intern diyan na mga estudyante. Hindi ko po alam yan. Hindi ako nakikipag-usap diyan."
Ipinaliwanag din ni Willie na limitado umano ang access sa backstage area ng kanyang show at wala siyang nakakasalubong na interns dito.
"Sa GMA, yung aking dressing room walang tao dun paglakad ko, backstage ho yon.
"Kaya huwag kayong maniniwala na bawal akong tingnan o ano."
Dagdag pa niya: "Maaaring yan siguro yung mga staff namin ang nakausap, hindi ko alam yan.
"Wala akong nakakasalubong na intern at OJT diyan sa backstage.
Read: Willie Revillame owns Grand Hyatt penthouses, 3 choppers, yacht
Paniniwala ni Willie, target lamang siyang siraan lalo na’t malapit nang magbalik sa telebisyon ang Wowowin.
Noong April 27, inanunsiyo ni Willie na magwawakas ang kanyang online game show na Wilyonaryo sa May 15, kasunod ng planong pagbabalik ng Wowowin sa telebisyon.
Read: Wilyonaryo, tatapusin na; Wowowin, magbabalik sa GMA-7?
Sabi pa niya: "Sira-ulo itong batang to. Gustong sumikat. Pati ako gagamitin niyo?
"Paano mo masasabing bawal akong tingnan, e, lahat nga ng makikita ko niloloko ko, binibiro ko.
"Sino ba tong batang ito? Alam mo, ikaw, bata ka pa lang sira-ulo ka na.
"Minsan talaga mabubuwisit ka na lang talaga sa mga fake news na ito, e.
"Bawal daw akong tingnan? E, hindi nga kita kilala, e, hindi ka namin nakita. Tsaka wala kaming OJT na pinapapasok diyan.
"Babalik lang ang Wowowin, sisiraan niyo pa ako.
"Babalik ho ang Wowowin para makatulong sa mga kababayan nating hirap sa buhay ngayon. Gumagawa na nga ng paraan."
WILLIE CHALLENGES FORMER INTERN TO FACE HIM PERSONALLY
Upang mapatunayan kung sino raw ang nagsasabi ng totoo, hinamon ni Willie ang nagpakilalang dating production intern na personal siyang harapin.
Sabi niya: "Pumunta ka rito, magpakilala ka sa akin at mag-one-on-one tayo.
"Sabihin mo sa akin kung kailan kita nakita.
"Gagawa ka ng isang istorya para sumikat ka? Gagawa ka ng istorya para makilala ka? Paglalaruan niyo yung tao?
"Dyusko po. Matakot ka sa Diyos. Nagsasalita ka ng hindi totoo. Sayang. Bata ka pa lang nagsisinungaling ka na."
Sa huli, nanawagan si Willie ng responsableng paggamit ng social media.
Saad niya: "Alam niyo, ang Facebook at YouTube dapat yan ginagamit natin sa kabutihan. Sa news na tama at hindi sa fake news.
"Huwag niyong gamitin yan para lang makapanira kayo ng ibang tao."
Read: Willie Revillame clarifies impression about him being a womanizer
