PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame addresses on-air outburst at staff

Willie Revillame: "Kahit magalit kayo sa akin, very strict ako."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 21, 2026
Willie Revillame addresses on-air outburst at staff
Willie Revillame on reprimanding his staff on air: "Very professional ako. Ayaw ko na nagkakamali kasi marami na kaming pagkakamali sa nangyari sa aming mga programa."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Hindi ikinaila ng veteran TV host na si Willie Revillame na istrikto siya pagdating sa trabaho, lalo na sa mga programang siya mismo ang nag-iisip ng konsepto at mga pakulo.

Aminado rin si Willie na madalas siyang nakukuwestiyon kapag hindi niya mapigilan ang sarili na pagalitan ang staff members na nagkakamali sa gitna ng pag-ere ng kanyang game show.

Read: Willie Revillame, nagreklamong nahihirapan na sa Wil To Win

Noong July 2024, napansin ng netizens ang madalas na pagra-rant ni Willie sa dati niyang programang Wil To Win sa TV5.

Willie Revillame shows the press how Wilpick on Wilyonaryo is played.
Photo/s: Rachelle Siazon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay on-air niyang pinagsabihan ang staff niya sa harap ng mga contestant at studio audience.

Idinaing din ng TV host sa ere na nahihirapan siya dahil siya lang daw ang gumagawa ng lahat sa kanilang programa.

Naulit ang senaryong ito noong December 2025.

Muling naaktuhan ng netizens ang nag-aalburutong si Willie nang magalit ito sa live telecast ng dry run ng bago nitong game show na Wilyonaryo.

"Alam niyo, I’m sorry ha, palagay ko, papalitan ko kayo lahat, sorry. Hindi niyo ginagawa ang trabaho niyo nang maayos," banta ni Willie sa staff members ng show.

Read: WilTV ni Willie Revillame, nag-test broadcast na sa Cignal

Ang madalas na paninita ni Willie sa kanyang mga kasamahan sa programa ay hindi nagugustuhan ng maraming netizens.

Giit ng mga nakakapanood, hindi kasiya-siyang makita na may pinapahiya ang TV host, lalo’t marami ang nakakapanood nito dahil ito ay nangyayari nang live.

Gayong puwede raw sanang sa rehearsal o sa backstage na lang sinabi ni Willie kung anuman ang instruction niya sa kanyang staff.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Willie, itinangging naghihirap na siya; may mga bagong ari-arian

Willie explains himself over on-air outburst at staff

Sa ginanap na grand conference ng bago niyang game show na Wilyonaryo nitong Martes, January 20, 2026, kusang binanggit ni Willie ang pambabatikos ng netizens sa trato niya sa kanyang staff.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Willie kung nagkakaintindihan sila ng kanyang staff ng standard at expectations niya pagdating sa trabaho.

Willie Revillame addresses on-air outburst at staff

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Photo/s: Rachelle Siazon

Paliwanag ni Willie: "Gut feel kasi ako sa buhay. Kapag nagagalit ako sa show, [kunwari] nagkakamali yung DJ, kasi ayokong naiirita yung mga nanonood sa akin, e.

"Kasi alam mo, you have to understand, binabasa ko [ang comments], 'Mayabang yan, sinesermonan ang staff.'

"You have to do that, kasi nire-rehearse namin ito before the show. Inaalam na namin ang dapat mangyari. Bakit ka pa magkakamali?"

Pag-amin pa ni Willie, may malaking epekto sa pagiging istrikto niya ang nangyaring trahedya sa Wowowee noong February 6, 2006, nang magka-stampede sa first anniversary ng programa na kumitil ng maraming buhay.

Read: Willie Revillame, bitbit pa rin ang trauma ng Wowowee tragedy

Ang Wowowee (2005-2010) ang dati niyang noontime show sa ABS-CBN.

Mula raw noon, tinitiyak ni Willie na sa bawat pag-ere ng kanyang programa ay maayos ang lahat upang hindi na magkaaberya.

Pahayag ng TV host: "Gusto ko lang i-remind sa yo, during the time na nag-one year yung Wowowee, ako lahat ng humarap sa mga namatay na pamilya sa stampede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walong patay, gabi-gabi pinupuntahan ko.

"Dapat iniingatan mo na ang programa mo kasi ayaw ko nang may tao pang magbubuwis ng buhay. Kaya ako naging istrikto.

"Marami pa kaming incident sa TV5, inaatake sa puso dahil na-excite. Sa labas pa lang kapag nakita ka, inaatake.

"Lahat yun pinunta ko sa ospital. Lahat yon hindi namin pinabayaan."

Read: Willie Revillame explains why Wilyonaryo will not air on TV5

Katuwiran ni Willie, hindi siya basta nagagalit nang walang dahilan.

Pagpapatuloy niya: "Merong incident din during that time ako ay nangangampanya, e, nagagalit ako, kasi tinutulak yung mga matatanda. Mababaldog yung ulo sa semento.

"Lahat ng tatlong matatandang yon dinala ko sa ospital. Kapag linggo pinunta ko sa mga lugar, Quezon, Laguna, kung saan-saang mga squatter area.

"Hindi ko pinabayaan yon... Totoo yon. Galit na galit ako sa mga lalaki na inaagawan ng jacket. Itutulak yung matatanda, bababagsak yung matanda, tatama yung ulo sa semento."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paano nagsimula ang "Bigyan ng jacket yan!" ni Willie Revillame?

Willie stands firm on his expectations at work

Bagamat marami ang tumutuligsa sa kanya, naninindigan si Willie sa mahigpit niyang pamantayan pagdating sa trabaho.

Alam na raw ito ng kanyang mga staff, na kahit na ang pagpasok nang late ay hindi niya pinapalampas.

Isang halimbawa rito ang pagtanggal niya sa mga dancer na na-late sa call time ng kanilang rehearsal.

Pagbabalik-tanaw ni Willie: "One minute late, you're out. Dancers, hindi na nakakapasok sa GMA yan.

"Anong oras ang call time niyo, 10:00 [A.M.]? [Kapag dumating] 10:01, 'Pauwiin mo yan. Hindi niya gusto yung trabaho niya.'"

Sa pagsasalita ni Willie, gusto raw niyang matutunan ng kanyang staff ang disiplina.

Lahad niya: "Ito ha, incident talagang nangyari to.

"[Tinanong ko] yung janitor, 'Taga-saan ka?" Sumagot, 'Taga-Batangas po.'

"'Anong oras ka pumupunta rito?' Sabi niya, 'Nandito na po ako ng six kasi seven o'clock po ako, e.' Babiyahe siya ng tatlong oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Magkano ang sweldo mo?' Sagot niya, 'Minimum po, five fifty [PHP550].'

"E, magkano ang dancers, PHP2,000. Tapos male-late ka ng one minute. E, itong janitor na mahirap lang, e, gumigising nang maaga."

Diin pa ni Willie: "Very professional ako. Ayaw ko na nagkakamali kasi marami na kaming pagkakamali sa nangyari sa aming mga programa."

Read: Sugar Mercado no bad blood with ex-boyfriend Willie Revillame

Dagdag niya: "Kahit magalit kayo sa akin, very strict ako.

"Magkakamali ang DJ, sasabihan ko, 'Ni-rehearse mo na kanina yun, e.'"

Papuri pa ni Willie sa sarili: "Bakit ako, ako ang nag-iisip, ako lahat. Hindi ako nagkakamali kasi isinasapuso at sinasaisip ko yung trabaho ko."

Read: Anjo Yllana, nilinaw ang pagkakautang umano kay Willie Revillame

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on reprimanding his staff on air: "Very professional ako. Ayaw ko na nagkakamali kasi marami na kaming pagkakamali sa nangyari sa aming mga programa."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results