Malaking bagay ang presensiya ng media sa nangyaring kaguluhan sa Senate of the Philippines building nitong Miyerkules ng gabi, May 13, 2026.
Matapos ang pagpapaputok ng baril, agad kumalat ang samu't saring balita, kabilang ang mga posts mismo ng ilang pulitikong nasa building.
Sino ang nagpaputok? Iba-iba ang sinasabi.
At ang lehitimong impormasyon ay naipabatid sa publiko dahil sa mga reporters na nandun mismo sa senado.
Isama na rin ang mga cameramen at assistants, na kahit na sila'y hinahawi at itinataboy at kahit na mabigat ang bitbit na equipment, patuloy sila sa pagpapakita ng mga kaganapan.
Narito naman ang ilan lang sa mga reporters na kahit na-shock at napaiyak, tuloy ang pag-uulat.
MARISOL ABDURAHMAN
Sa hanay ng GMA-7 News reporters ay naroon si Marisol Abdurahman.
Sa kanyang live report sa 24 Oras kagabi, kasagsagan ng putukan sa senado, maririnig na hinihingal siya habang iniuulat ang mga nasaksihang pangyayari.
Sa kuha ng kanyang cameraman, makikita ang ilang security personnel na pinapaatras at pinapalabas sina Marisol at iba pang miyembro ng media mula sa palapag kung saan nagmula ang mga putok ng baril.
Sa gitna ng kaguluhan, nagkaroon pa ng komosyon na naging dahilan upang masaktan ang ilang taga-media, kabilang si Marisol.

Maririnig kasi sa live report ang pagbanggit niya ng, "Ouch, sandali, aray ko," habang patuloy na nag-uulat.
Upang matiyak naman ang kaligtasan ni Marisol, minabuti ng 24 Oras news anchor na si Emil Sumangil na pansamantalang putulin ang live feed at pinayuhan siyang magtungo muna sa ligtas na lugar.
Pagkatapos nito ay ipinakita ang coverage ni Ian Cruz, na naroon din sa senado noong mga oras na iyon.
Zyann Ambrosio
Samantala, naantig naman ang maraming netizens na napanood ang pag-uulat ni ABS-CBN News reporter Zyann Ambrosio.

Sa kanyang live report sa TV Patrol, hindi nakita ang mukha ni Zyann dahil ang mapapanood sa video ay ang kanilang pagtakbo kasama ang kapwa media personnel nang magsimulang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa ikalawang palapag ng gusali.
Read: Tito Sotto blasts PNP, "barbaric" supporters of some senators
Kapansin-pansin sa kanyang boses ang matinding takot, dahilan upang mapahagulgol siya habang patuloy na iniuulat ang mga pangyayari.
Mahigit 20 years nang nagko-cover ng metro at crime stories si Zyann.
VICTORIA TULAD
Bukod kay Zyann, naroon din ang kapwa ABS-CBN News reporter na si Victoria Tulad na live ding nag-ulat sa TV Patrol.
Read: Former GMA employee files separate complaints vs. Nico Waje
Kumakalat online ang video clip ng live report ni Victoria kung saan makikitang tumatakbo siya palayo sa lugar habang hingal na hingal na nag-uulat tungkol sa putukang naganap.

At kahit tensiyonado at patuloy siyang tumatakbo palabas ng gusali, tuluy-tuloy lang siya sa pagsagot sa mga follow-up questions ng mga news anchor na sina Karen Davila at Alvin Elchico
MEANNE LOS BAñOS
Napasigaw at napatakbo rin ang News5 reporter na si Meanne Los Baños nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril habang live siyang nag-uulat sa Frontline Pilipinas.
Read: Agot Isidro slams 13 senators who voted for Alan Peter Cayetano
Matapos makalabas sa Senate compound, agad siyang nagbigay ng update tungkol sa kalagayan niya at ng kanyang crew.

Saad niya sa video: "Hi guys, Meanne Los Baños po. Pasado alas dose na ng gabi at nandito pa tayo sa Senado…
"Alam ko po na maraming nakapanood sa inyo noong coverage kanina sa nangyari pong barilan sa loob mismo senate building.
"Pasensiya na po kung hindi ako nakakapag-reply pa sa inyong mga mensahe, but I guess kaya ko po ginawa itong video ay to...actually proof of life, buhay naman po kami ng aking team. Salamat po sa Diyos.
"I guess it's a coverage that nobody expects, the event that nobody expects, nobody hopes, and nobody wants to cover. But we were there.
"Akala namin ang pinakamalaking istorya namin ngayong araw na ito ay yung posibilidad at pangamba na maaresto si Senator Bato dela Rosa, pero hindi pala.
"Iba pala yung mangyayari. Kinabahan ako, I'm sure ganoon din yung iba kong kasamahang reporter, but, you know, hindi naman sa nagpapakabayani, but because we were already there, might as well cover what was happening."
ABOUT THE GUNSHOTS
Samantala, ayon sa press briefing ni Palace Press Officer Claire Castro ngayong tanghali, May 14, ang unang nagpaputok ng baril ay si Mao Aplasca ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).
"Warning shot" daw niya yun sa National Bureau of Investigation (NBI) agent na nakita sa premises ng Government Service Insurance System Financial Center, ang building kung saan nag-o-office ang senate.
Ayon kay Castro: “When they arrived at the bridge within the GSIS premises, the OSAA approached the NBI agent who was just seated together with a blue guard from GSIS.
“The agent identified himself and upon stating their identities, Sergeant-at-Arms Mao Aplasca immediately fired a warning shot.
"Because of that, the NBI agent was also compelled to fire a warning shot.”
Dagdag pa ni Castro: "There was no operation to arrest dela Rosa."
Read: Mel Tiangco, Karen Davila trend online after interviews with Bato
Ang tinutukoy ni Castro ay si Senator Bato dela Rosa, na nasa building noong mga oras na yun.
Sinasabing nagtatago siya dahil sa inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating PNP chief.
Sangkot umano siya sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni former Prisident Rodrigo Duterte.
Sa pinakahuling update, ngayong umaga, kumalat ang balitang wala na raw si dela Rosa sa loob ng senado matapos umalis kaninang madaling-araw kasama ang kapwa senador na si Robin Padilla.
Read: Robin to file ethics complaint; Kiko claims Robin threatened him
Wala pang opisyal na pahayag ang actor-politician tungkol dito.
