Hindi inurungan ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu ang netizens na bumabatikos at nagpapatahimik sa kanya matapos niyang maglabas ng opinyon tungkol sa mga nangyayaring gulo sa gobyerno.
Isa si Kim sa mga naalarma sa naganap na kaguluhan sa loob ng Senado noong May 14, 2026, matapos ang sunud-sunod na pagpapaputok ng baril ng mga opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at umano'y tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Naging malaking balita sa loob at labas ng bansa ang insidente matapos agad itong maipabatid sa publiko ng mga reporter at cameraman na naroon mismo sa loob ng Senate premises nang mangyari ang putukan.
Bagamat may halong takot at tensyon ang mga media personnel, hindi sila nagpadaig at nagpatuloy sa pag-uulat upang maihatid sa publiko ang mga nagaganap sa loob ng Senado.
Isa rito ang ABS-CBN News reporter na si Zyann Ambrosio. Si Zyann ay wala sa Senate premises kundi nanggaling siya sa bakuran ng GSIS office.
Read related articles:
- How Zyann's footage, Mel's interview helped shed light to senate incident
- Reporters praised for live coverage at Senate amid gunfire panic
- How international media reported gunfire chaos at Senate
Sa kanyang live report sa TV Patrol, kapansin-pansin sa kanyang boses ang matinding takot, dahilan upang mapaiyak siya habang patuloy na iniuulat ang sitwasyon.
Mabilis na nag-viral online ang naturang clip, kunsaan marami ang humanga sa kanyang katapangan at dedikasyon sa paghahatid ng balita, habang may ilan ding naawa dahil sa umano’y trauma at matinding takot na kanyang naranasan.
Isa si Kim sa mga nagpahayag ng pag-aalala para sa reporter.
Sa X, ini-repost ng aktres ang video clip nang pag-uulat ni Zyan, kalakip ang caption niyang (published as is), "Grabe! Anong nangyayari sa Pilipinas? bilang normal na Pilipino at nagbabayad ng tamang buwis, sa aking opinyon, walang mangyayaring ganito kung kusang susuko ang taong nagsasabing wala syang kasalan."
Malinaw na ang nais patungkulan dito ni Kim ay si Senator Ronald "Bato" dela Rosa, na noo'y sinasabing nasa "protective custody" ng Senado.
Ito ay sa gitna ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Kuwestiyon pa ni Kim: "Pangalawa at huli, eto ba ang binoto nyong senador na nagsasabinh magsisilbi sa ating bayan?
"Panahon na para pag isipan natin na Bumoto ng tama."
Read: Mayor Vico Sotto, celebrities react to Senate gunfire incident
NETIZENS CRITICIZE KIM
Umani ng samu’t saring batikos online ang naturang pahayag ni Kim, partikular mula sa ilang tagasuporta ni dela Rosa.
May mga netizen na kumuwestiyon sa kanyang kaalaman sa batas at politika, habang ang iba naman ay pinuna pa ang kanyang pagiging Bisaya.
Komento ng isang netizen, "Hay nako Kim Chiu, if you don't know the law, politics, and sovereignity, just don't talk anymore."
Saad pa ng isa, "First, study the law. Please research Ms. Kim, what Sen. Bato's contribution to the country. How typical of you pinklawan. Even your outrage is selective."
Read: Drug War film tackles the dark realities of Duterte-era drug war
Sabi ng isa (published as is), "Kim, why don't you just join in with fellow Bisaya folks since that's what you are! Mostly your fans are Bisaya, one of them being me..mostly Bisaya pro-Duterte..I'm just suggesting you balance it out well."
Dagdag pa ng isa (published as is), "kim, just don't join anymore please because you're losing respect for your fellow Bisaya. we'll give you a chance to shut up because you're Bisaya. you've been living in manila for so long that's why you've forgotten what the Dutertes did nicely in cebu. don't go through cclex ha."
Read: How celebrity lawmakers voted in Sara Duterte impeachment case
Kim asserts freedom of speech amid online bashing
Hindi pinalampas ng aktres ang kaliwa’t kanang batikos at panawagan ng ibang netizens na manahimik siya.

Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces
Sa post niya sa X, sinabi ni Kim na labis siyang nalulungkot sa sitwasyon kung saan pinatatahimik siya ng mga taong may ibang opinyon na kontra ng sa kanya.
Diin ng It's Showtime co-host, may karapatan siyang maglabas ng saloobin bilang isang mamamayang Pilipinong nagbabayad ng buwis.
Pahayag niya: "Nakakalungkot. That’s what happens when concern and opinion don’t align with them—gusto agad patahimikin. Nasanay na ako.
"Oo, Bisaya ko, pero Pilipino rin akong may karapatang magsalita at magpahayag ng saloobin.
"Masakit magbayad ng buwis tapos ganito ang nakikita natin."
Noong March 2025, kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Kim bilang isa sa top tax-paying media personalities ng Quezon City para sa taong 2024.
Read: Dingdong, Kim, Dennis, Jennylyn among top taxpayers in QC
Sa huli, nanawagan ang aktres ng respeto at pag-unawa sa gitna ng magkakaibang pananaw sa politika.
Apela niya sa netizens na kontra sa kanya: "Hindi po tayo ang magkakalaban. Pare-pareho lang tayong mamamayan.
"Wala tayong kapangyarihang tulad nila, kaya sana dili mu mangaway oi. (Sana hindi na kayo mang-away-away.)
"Murag mga bata naman ning uban ba (Para kayong mga bata.)
"Kung unsa imong ganahan edi okay. Ako mao man ni ako ganahan. Pasagdii (Kung ano gusto, edi okay. Ako, ito yung gusto ko, hayaan niyo ako.)."
