PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arci Muñoz admits fear of dying alone, not having kids

Arci: "I’m thinking of getting my eggs freezed na."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 7 hours ago
Arci Muñoz admits fear of dying alone, not having kids
Arci Muñoz on being single: “I’m not closing my doors because, of course, it’s really nice to have someone by your side as you grow old. Pero kung wala talaga, ayokong i-force. I don’t chase. I attract."
PHOTO/S: Arci Muñoz on Instagram

Inamin ng actress-singer na si Arci Muñoz na sa edad niyang 37 ay nasa punto na siya ng kanyang buhay na natatakot na siyang tumandang mag-isa.

Bagamat sanay na siyang mag-isa dahil sa pagiging single sa loob ng ilang taon, aminado si Arci na madalas niyang naiisip kung magkakaroon pa ba siya ng sariling pamilya.

Read: Arci Munoz, inaming may pagsisisi sa pagpaparetoke ng mukha

Pero kung hindi man dumating ang lalaking para sa kanya, tatanggapin na raw niyang magkaanak na lamang kahit wala siyang partner.

Arci Munoz says she is single but happy
Photo/s: Rachelle Siazon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I always think na parang, ‘Magpa-anak na lang kaya ako?'

"And my mom said, 'Hindi kita ganyan pinalaki.' Because my mom always righteous, religious.

"So parang sabi ko, 'Paano yon Ma, I don’t want to die alone. I want to see like how my kids are going to look like if ever, mag-anak na lang kaya ako,'" pahayag ni Arci sa panayam niya sa vlog sa YouTube ni Karen Davila noong May 21, 2026.

Read: Arci Muñoz locks lips with Korean actor on first shooting day

Dahil sa takot na tuluyang tumandang mag-isa, nasagi na rin umano sa isip ni Arci ang egg freezing para sa in vitro fertilization o IVF.

Aniya, "I’m thinking of getting my eggs freezed na."

Sundot namang tanong sa aktres, "You haven't done it yet?"

Sagot ni Arci, "Not yet. I prioritize different things, which is, you know, I should be prioritizing this more than anything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Arci shares how nieces, nephews sparked stronger desire for motherhood

Malaki raw ang naging epekto kay Arci ng pagkakaroon niya ng mga pamangkin at batang pinsan sa pagnanais niyang magkaroon ng sariling anak.

Read: Arci Munoz, ilang beses iniligtas ng K-pop group na BTS

Sa tuwing nakakasama raw kasi niya ang mga ito ay hindi matatawaran ang sayang kanyang nararamdaman.

Sabi niya, “I want to have kids because seeing my niece and my nephews at home, they’re my happiness.

"That’s why right now I spend more time at home because they’re there, all my siblings always spend time together on weekends."

Read: Netizens are loving Arci Muñoz's “final look”

Kung tutuusin, hindi lamang si Arci ang may kagustuhang magkaroon siya ng makakasama sa buhay.

Maging ang kanyang inang si Yolanda ay hiling ding makahanap siya ng lalaking iibigin at makakasama sa pagbuo ng pamilya.

Arci Munoz and her mom Yolanda Tabjan Datuin
Arci Muñoz (right) and her mom Yolanda Tabjan Datuin (left).
Photo/s: @ramonathornes on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbabahagi ni Arci: "My mom prays all the time.

"I wish for world peace. My mom, ‘I hope Mona can find a true partner that will love her and have grandkids with her.'

“I guess, I just really did let go and let God."

Ramona Cecilia Datuin Muñoz ang tunay na pangalan ni Arci.

“Mona” naman ang tawag sa kanya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Arci entrusts her love life to fate

Sa ngayon ay nananatiling single si Arci habang abala sa kanyang career at mga negosyo.

Matagal-tagal na rin daw siyang hindi nakikipag-date kaya ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang maaaring kahinatnan ng kanyang love life.

Read: Arci Munoz admits setting a "high standard" for future husband

“I don’t actually pray for that anymore. I just pray, ‘Lord if hindi talaga ako meant to have someone, like a partner in my life, that’s fine.’

“I’m not closing my doors because, of course, it’s really nice to have someone by your side as you grow old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero kung wala talaga, ayokong i-force. I don’t chase. I attract," lahad niya.

Ang pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora ang huling na-link kay Arci matapos silang maispatang magkasama.

Gayunman, noong March 2023 ay itinanggi ni Arci sa isang panayam na may espesyal silang relasyon ni Seth.

Read: Arci Muñoz clarifies real score with Seth Jamora

Giit ng aktres, magkaibigan lamang sila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz on being single: “I’m not closing my doors because, of course, it’s really nice to have someone by your side as you grow old. Pero kung wala talaga, ayokong i-force. I don’t chase. I attract."
PHOTO/S: Arci Muñoz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results