PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rene Baterbonia's mother not satisfied with Ateneo's explanation

Rovelyn: "Sinabi ko na aksidente yung nangyari dahil sa kakulangan niyo. "
by Khryzztine Joy Baylon
Published 3 hours ago
Rene Baterbonia's mom not satisfied with ADMU's explanation of son's death
Grieving mother Rovelyn Baterbonia (left) continues to question details surrounding the death of her son, Ateneo Blue Eagles player Rene Baterbonia.
PHOTO/S: GMA News/Coach Jess

Nakukulangan pa rin si Rovelyn Baterbonia, ina ng namayapang Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia, 19, sa paliwanag na ibinigay sa kanya ng Ateneo de Manila University hinggil sa pagkamatay ng kanyang anak.

Noong Miyerkules ng hapon, June 10, 2026, humarap sa media ang pamilya ni Rene,— sa pangunguna ng kanyang ina, ama, at nakatatandang kapatid, kasama ang dati niyang coach sa Ateneo de Davao na si Jess Evangelio—upang ibahagi ang mga impormasyong nakalap nila mula sa Ateneo kaugnay ng trahedyang ikinasawi ng batang atleta.

Ayon kay Rovelyn, bagamat nakausap na niya ang ilang kinatawan ng Ateneo, marami pa rin siyang tanong na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit umanong pagtiyak ng unibersidad na isang aksidente ang pagkakalunod ni Rene at ng kapwa niyang Ateneo Blue Eagles player na si Divine Adili.

Read: DLSU Green Archers mourn deaths of Ateneo Blue Eagles players

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Rovelyn, umaga ngayong June 10 nang personal na magtungo sa burol ng kanyang anak ang mga coach ng Ateneo Blue Eagles upang makipag-usap at ipaliwanag ang mga pangyayari bago ang trahedya.

Kasalukuyang nakaburol ang mga labi nina Rene at Divine sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City, bago dalhin sa kani-kanilang bayan sa mga susunod na araw.

Rene Baterbonia’s mother not yet ready to face Ateneo coach
Photo/s: Coach Jess on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng nagluluksang ina ni Rene: "Sinabi nila na aksidente lang daw, and then humihingi din sila ng sorry sa akin.

"Pero ayun, sabi ko, 'Hindi na maibabalik ng sorry [niyo] yung anak ko. Hindi na mabubuhay yung anak ko sa sorry niyo.

"'Bigyan niyo na lang ako ng clear explanation para matanggap ko sa sarili ko na aksidente lang talaga.'

"May kulang sa explanation nila, pero hinihintay ko na lang muna yung ibang coaches para ma-explain nila sa akin kung ano talaga ang nangyari."

Binalikan din ni Rovelyn ang paliwanag ng mga coach tungkol sa mga pangyayari bago naganap ang insidente.

Aniya, "Ang sabi nila, bandang hita yung tubig noon. Tumatakbo sila tapos noong nagsabing go na, bigla na lang daw pumunta yung alon doon sa kanila."

Read: Rene Baterbonia’s dream: "Maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan"

Dahil tila hirap na ipaliwanag ni Rovelyn ang ilang detalye sa Filipino, tinulungan siya ng dating coach ng anak na si Jess Evangelio, na katabi niya sa panayam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Coach Jess: "Actually, ang paliwanag kasi sa amin kanina ng mga coaches na nandoon, at first daw parang calm pa yung dagat.

"Tapos may malaking alon. At first, yung mga player parang nag-e-enjoy pa kasi may malaking alon.

"Then, yung second and third alon, doon na parang na-scatter sila.

"Sabi nung mga nakausap naming coaches, sobrang bilis daw ng pangyayari.

"Noong nasa shore na sila, hindi na raw nila makita si Rene at Adili."

Sa kabila ng mga paliwanag na natanggap, nananatiling may mga tanong si Rovelyn tungkol sa mga pangyayari.

Lahad ng ina ni Rene: "Ang sabi nila 2:40 [P.M.] daw yon nangyari, tapos [after] thirty minutes pa bago maahon yung anak ko.

"Binalitaan naman nila ako after one hour pa. 4:30 [P.M.] yung tumawag sila sa akin.

"Tapos nung tumawag, sa Messenger lang... Ang sabi lang sa akin, 'Yung anak niyo pong si Rene, naaksidente, nalunod.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mula noon, wala nang info sa akin. Hindi na nila ako binalitaan na, 'Ma'am, yung anak mo nasa ospital na.' Or, 'Yung anak niyo wala na talaga.'

"Ayan ang ilan sa tinanong ko sa kanila. Bakit hindi sila nakipag-communicate sa akin?"

Read: Vico Sotto hopes Discaya arrest leads to more imprisonments

Kinuwestiyon din ni Rovelyn ang kakulangan umano ng medical at rescue personnel sa lugar kung saan isinagawa ang aktibidad.

"Sinabi ko na, 'Aksidente yung nangyari dahil sa kakulangan niyo.'

"Kasi pumunta sila doon na walang rescuer, may medic daw sila pero first aid lang.

"Tapos twenty to thirty minutes pa [ang tinagal] papunta sa hospital."

Ayon sa Aurora Police, dinala sina Rene at Divine sa Aurora Memorial Hospital ngunit idineklara rin silang dead on arrival.

Does Rovelyn still believe that there was foul play?

Sa panayam ni Rovelyn kay Mariz Umali ng GMA News noong Martes, June 9, "talaga" ang isinagot nito nang tanungin kung naniniwala siyang may foul play sa pagkamatay ni Rene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, muli siyang tinanong kung naniniwala pa rin siyang may foul play sa kabila ng paliwanag ng ADMU.

Sagot ni Rovelyn, "Depende. Kasi hindi ko pa rin alam hanggang ngayon."

Iginiit din daw ng mga coach ng Ateneo Blue Eagles ang mga espekulasyong lumabas online na diumano'y may nakakabit na mabibigat na bagay kina Rene nang sila ay nasa dagat.

"Wala naman daw nilagay dito [sa kamay at paa] na weight. Wala, sabi nila.

"Aksidente lang daw talaga yung nangyari," ani Rovelyn.

Read: Brandon and Jether face backlash over "halfies" remark

Sa huli, nang tanungin kung magsasampa sila ng kaso laban sa Ateneo, sinabi ng ina ni Rene hindi pa niya ito iniisip sa ngayon.

Aniya, "Sa ngayon, hindi ko pa yan naisip.

"Ang iiniisip ko pa lang ay [madala] yung anak ko sa aming lugar, sa Agusan or Davao."

Medico-legal findings show Rene died from drowning

Samantala, kinumpirma ng Aurora Provincial Police sa pangunguna ni Police Colonel Percival R. Pineda na "asphyxia by drowning" o kakulangan ng oxygen dulot ng pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ni Rene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay ito sa resulta ng isinagawang post-mortem examination sa mga labi ng atleta.

Read: Police release initial findings in two Ateneo players' drowning

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Grieving mother Rovelyn Baterbonia (left) continues to question details surrounding the death of her son, Ateneo Blue Eagles player Rene Baterbonia.
PHOTO/S: GMA News/Coach Jess
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results