PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi condemns violence after Tacloban school shooting

Yasmien Kurdi: "Schools should be safe places for learning..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 5 hours ago
Yasmien Kurdi reveals her reasons in pursuing law degree after college graduation
Yasmien Kurdi calls for stronger action against bullying after the Tacloban school shooting: "Sa mga kapwa kong magulang: kapag may 'sungay,' disiplinahin habang bata pa. Schools should be safe places for learning, not environments where abuse is tolerated."
PHOTO/S: Arniel Serato

Nakikiramay si Yasmien Kurdi sa mga naulilang pamilya ng tatlong estudyanteng nasawi sa shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, noong June 22, 2026.

Ang dalawang suspek ay kapwa estudyante rin ng nasabing paaralan at menor de edad—sina Alyas Rod, 15, at Alyas Nash, 14.

Tacloban school shooting suspects
Alyas Rod (right) and Alyas Nash (left).
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa insidente, tatlo ang nasawi habang tinatayang 11 iba pa ang nasugatan.

Read: Tacloban shooting: two minor suspects face separate legal outcomes

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na posibleng matagal nang nakararanas ng pambu-bully ang dalawang menor de edad na suspek.

Dagdag pa ni Remulla, kabilang din sa mga tinitingnang posibleng salik o factor sa insidente ang impluwensiya ng video games, kaya naisakatuparan ng dalawang suspek ang walang habas nilang pamamaril sa kanilang mga kaeskuwela.

Yasmien Cites K-Drama Lessons Amid Tacloban School Tragedy

Kasunod ng insidente, ibinahagi ng aktres na si Yasmien Kurdi ang mga aral na nakuha niya mula sa Korean drama series na Teach You A Lesson.

Ang Teach You A Lesson ay Korean drama sa Netflix na tumatalakay sa bullying at iba pang anyo ng karahasan sa loob ng paaralan.

Tampok dito ang Educational Rights Protection Bureau (ERPB), isang espesyal na grupo na binubuo nina Na Hwa Jin (Kim Mu Yeol), Im Han Rim (Jin Ki Joo), Bong Geun Dae (Pyo Ji Hoon), at Choi Gang Seok (Lee Sung Min).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila ang itinalaga ng Education Minister upang protektahan ang mga biktima at panagutin ang mga bully, habang sinusubok ang hangganan ng hustisya at disiplina sa loob ng mga paaralan.

Read: Rob Sy stands by son, denies bullying claims

Aminado si Yasmien na noong una ay nag-alinlangan siyang panoorin ang serye dahil "triggering" ito para sa kanya bunsod ng personal nilang karanasan nang minsan umanong mabiktima ng bullying ang anak niyang si Ayesha.

Si Ayesha raw mismo ang humikayat sa kanyang panoorin ito.

Read: Yasmien Kurdi's daughter Ayesha "slowly healing" from bullying

Nang masimulan niya ang serye, unti-unti raw siyang nakumbinsi sa mahahalagang aral na nais nitong ipinaparating.

Mababasang post ni Yasmien (published as is): "Have you watched Netflix’s latest Korean drama, Teach You a Lesson?

"Ang tagal na niyang #1 sa Netflix. I first heard about it from my daughter, Ayesha Zara.

"At first, ayoko talaga siyang panoorin dahil triggering at nakaka-palpitate siya for me.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero sabi niya, 'Hintayin mo lang, Mama. May sasagip din sa mga nabubully.'

"For once, the victims were protected and someone finally stood up for them. Kahit sa palabas lang, may hustisya.

"The first episode tells the story of a student who took his own life after relentless bullying while the school failed to act.

"Kapag hindi naaaksyunan ang bullying, hindi natatapos ang cycle dahil maghahanap lang ulit ng bagong target ang mga bully."

Read: Yasmien Kurdi pursues law degree to protect and defend her family

Obserbasyon pa ng Kapuso actress, bahagi ng serye na nagpapakita kung paano nagiging mapanganib ang "toxic parenting" kapag tumatanggi ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak.

"May episode din showing how toxic parenting becomes when adults refuse to discipline children at eto, may personal experience kami sa ganitong scenario.

"One line from Episode 1 really stayed with me: 'Doctors should not be afraid of their patients. Lawyers should not be afraid of their clients. Teachers should not be afraid of their students.' — Na Hwa-jin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yasmien grateful to husband for guiding daughter through ordeal

Bagamat kathang-isip lang ang kuwento sa serye, nagbukas daw ito ng maraming mahahalagang tanong tungkol sa bullying.

Nanawagan din siya sa kapwa niya mga magulang na simulan ang pagdidisiplina sa loob mismo ng kanilang mga tahanan.

Saad niya: "Though fictional, the series raises real questions: Sino ang nagpo-protect sa victims? What responsibility do schools have when problems escalate?

"How do we protect teachers while still guiding students properly? Should there be stronger online protections and filters for children?

"Sa mga kapwa kong magulang: kapag may 'sungay,' disiplinahin habang bata pa.

"Schools should be safe places for learning, not environments where abuse is tolerated."

Dagdag pa niya, "After Teach You a Lesson, I watched Juvenile Justice, and one line also stayed with me: 'It takes a village to raise a child.'"

Bagamat fictional ang kuwento ng Teach You A Lesson, ang ilang paksang tinalakay rito ay base sa mga tunay na pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Juvenile Justice ay K-drama series na tumatalakay rin sa mga menor de edad na gumagawa ng krimen.

Read: Ateneo Blue Eagles player Rene Baterbonia finally laid to rest

Binigyang-diin pa ni Yasmien na magkatuwang ang mga magulang, paaralan, komunidad, at pamahalaan sa paggabay at pagpapalaki ng mga kabataang may mabuting asal.

Pinaalalahanan din niya ang mga kabataan na bagamat menor de edad sila, may pananagutan pa rin sila sa kanilang mga ginagawa, kung hindi man sa batas ay sa Diyos.

Sabi niya, "FYI, kids: kahit minors kayo at exempted from criminal liability for 15 years old and below, may civil liability pa rin kayo, at mga magulang ninyo ang magdadala ng burden.

"At higit sa lahat, mananagot kayo sa Diyos.

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT OR R.A. 9344

Sa ilalim ng R.A. 9344, hindi puwedeng kasuhan ang edad 15-anyos pababa na sangkot sa krimen, pero isasailalim sila sa intervention program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang social worker ang hahawak sa Child in Conflict with the Law (CICL) at tutukuyin kung mayroon itong discernment o kakayahang intindihin ang ginawang krimen ng 15-17 years old.

Kung wala itong discernment, isasailalim ang suspek sa intervention program.

Read: Tacloban shooting: two minor suspects face separate legal outcomes

Kung merong discernment ang edad 15-17, isasailalim siya sa diversion program o kaya ay ihaharap sa korte.

Ang edad 12-15 years old naman na nakagawa ng krimen ay ipapasok sa Bahay Pag-Asa o sa youth-care faculty na kung tawagin ay Intensive Juvenile Intervention and Support Center.

Kapag ang krimen naman ay karumal-dumal, tulad ng murder, rape, arson, at iba pa, pagbabayarin ng danyos ang mga magulang, maliban kung mapatunayang naging sapat ang paggabay nila sa batang nakagawa ng krimen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi calls for stronger action against bullying after the Tacloban school shooting: "Sa mga kapwa kong magulang: kapag may 'sungay,' disiplinahin habang bata pa. Schools should be safe places for learning, not environments where abuse is tolerated."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results