PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sugarpop reunites at Vanessa Rangadhol's wake

Sugarpop members Julie Anne, Rita, Enzo, and Pocholo gather to honor Vanessa.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 19 hours ago
Sugarpop members Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Enzo Almario, and Pocholo Bismonte reunite at Vanessa Rangadhol’s wake.
Pocholo Bismonte, Julie Anne San Jose, Rita Daniela, and Renzo Almario (left to right) reunite as they pay their last respects to Sugarpop member and late friend Vanessa Rangadhol.
PHOTO/S: Pocholo Bismonte on Instagram

Hindi sa entablado, kundi sa burol ni Vanessa Rangadhol naganap ang matagal nang hinihintay na muling pagsasama-sama ng Sugarpop members na sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Enzo Almario, at Pocholo Bismonte.

Ang Sugarpop ay grupo ng mga batang singer na binubuo ng mga finalist ng dating singing talent search show ng QTV11 na Pop Star Kids (2005).

Read: Dating Sugarpop member, umaming gay; sumali sa Tawag ng Tanghalan

Nitong Lunes, August 31, 2026, ibinahagi sa Facebook ng pinsan ni Vanessa na si Ivy Ann Salaum Jubelag ang mga litrato at video nina Julie Anne, Rita, Enzo, at Pocholo na magkakasamang nagtungo sa burol ng namayapang singer.

Makikita sa mga larawan ang apat na magkakasama sa harapan ng kabaong ni Vanessa, habang hawak ang malaking larawan ng kanilang kaibigan.

Sugarpop members Julie Anne, Rita, Enzo, and Pocholo gather to honor Vanessa.
Pocholo Bismonte, Julie Anne San Jose, Rita Daniela, and Enzo Almario (left to right).
Photo/s: Pocholo Bismonte on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga video ring kuha sina Julie Anne, Rita, Enzo, at Pocholo na buong-pusong kumakanta ng kanilang awiting “Mahal Kita," alay nila sa namayapa nilang kaibigan at dating kasamahan.

Bukod sa apat na malalapit na kaibigan ni Vanessa, inalala rin siya ng dalawa pang dating contestant sa Pop Star Kids—ang mga singer na sina Gigi de Lana at Jalynna Magadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gigi de Lana reveals being diagnosed with pericarditis

Sa Instagram Stories ni Pocholo, ini-upload niya ang larawan nilang magkakasama sa harapan din ng kabaong ni Vanessa.

Sugarpop members Julie Anne, Rita, Renzo, and Pocholo gather to honor Vanessa.

Mababasang caption niya, "This is where it all started. Thank you for the love, friendship, and beautiful memories, Wani!"

VANESSA'S DEATH

Noong August 19, kinumpirma ng pamilya ni Vanessa ang kanyang pagpanaw matapos ang isang aksidente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinagulat ito ng marami niyang tagahanga, lalo na ng kanyang mga kasamahan sa Sugarpop.

Magkakasunod na nag-post sa social media ang kanyang mga kaibigan at dating kasamahan sa grupo upang ipagluksa ang pagkawala ni Vanessa.

Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident

Isang araw matapos pumanaw ni Vanessa, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne noong August 20.

Sa nasabing panayam ay hindi napigilan ng Kapuso singer-actress na maging emosyunal nang pag-usapan at mabanggit ang pangalan ng malapit na kaibigan.

Ayon kay Julie Anne, hindi pa rin siya makapaniwala sa sinapit ng "DOTA o Ako" singer, lalo na't ilang buwan lamang ang nakalipas nang huli silang mag-usap bago ito pumanaw.

Saad ng TV host, singer, actress: "Hanggang ngayon, I'm still in shock. I'm still in shock. Gulat ako. Gulat kaming lahat kasi nagpaplano kami ng reunion.

"So ako, honestly, isa nga sa plano ko is to gather lahat para sa isang concert or like a segment, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, yun nga, nabalitaan namin. Tumawag sa amin yung mom ni Rita.

"Tapos, it all happened so fast. Parang hindi ko rin alam kung paano ko ipa-process yon."

Dahil halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kay Vanessa, naiisip daw ni Julie Anne na sana'y nananaginip lamang siya.

Sabi niya, "Nagulat talaga ako. Parang alam mo yung natulala ako na, like, 'Sana panaginip lang lahat ng ito.'

"Cause she was a very dear friend, and siya yung bunso sa amin."

Sabi pa ni Julie Anne, malaking kakulangan sa kanilang grupo at pagkakaibigan ang pagpanaw ni Vanessa.

"Every time na magkasama kami, siya ang pinakabunso sa amin, pero parang siya yung pinakamaraming words of wisdom, siya yung pinaka-mature.

"Siya yung parang pinaka, alam mo yun, parang nagbabalanse ng mga opinions ng ganito, ganyan.

"And she's still so young. Grabe, ang dami pa niyang plano. Ang dami pa niyang plano with her friends, with her mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And we're just in shock. We're just so very devastated. Sobrang sakit," emosyunal na lahad ni Julie Anne.

Read: Julie Anne San Jose on Vanessa Rangadhol’s death: “Sana panaginip lang lahat ng ito.”

FOND MEMORIES OF VANESSA RANGADHOL

Bilang bahagi ng kanyang pagdadalamhati, binalikan ni Julie Anne ang mga hindi niya makakalimutang sandali kasama si Vanessa noong nabubuhay pa ito.

Pahayag niya: "Ako, isa sa mga unforgettable moments ko with her, marami, e, like noong mga bata pa kami, kasi siya yung parang ano namin, alto.

"So, lagi siyang nagpapaturo ng ganitong tono. Lagi siyang parang may ina-assign na mga boses, mga harmony, sa amin individually.

"Tsaka siya laging nagpapa-ask ng help sa akin. So, itinuturo ko sa kanya na, 'I-record mo kasi, i-record mo, focus ka sa notes,' ganyan.

"Tapos, isa rin siya sa mga may malakas na tenga pagdating sa harmonies."

Read: Joy Barcoma steps back from Dogshow Divas amid guesting issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging mahusay na singer, masasabi rin daw ni Julie Anne na isang mabuting kaibigan si Vanessa.

Julie Anne San Jose on Vanessa Rangadhol’s death
Julie Anne San Jose (left) remembers her late Sugarpop co-member Vanessa Rangadhol (right).
Photo/s: Vanessa Rangadhol on Facebook

Saad niya: "And then there was also this one time, like the last time we saw her, like, we had a guesting sa All Out Sundays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We did a segment, parang nagkaroon kami ng reunion. And then, like, she was taking a video, tapos parang niyakap niya ako.

"I could not forget that kasi parang ang tagal, ang tagal kong hindi niyakap nang ganoon ng isang kaibigan.

"It's one of the moments na hindi ko talaga makalimutan."

Dagdag pa niya, "So, yeah, we were really looking forward to the reunion, tapos nabalitaan namin na, yun nga. We're so sad."

Noong August 2023, naganap ang reunion ng Sugarpop nang mag-perform sila sa All Out Sundays.

Read: Haze from Indonesia forest fires reaches the Philippines; affects air quality

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pocholo Bismonte, Julie Anne San Jose, Rita Daniela, and Renzo Almario (left to right) reunite as they pay their last respects to Sugarpop member and late friend Vanessa Rangadhol.
PHOTO/S: Pocholo Bismonte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results