Hindi pa rin maproseso nang maayos ni Julie Anne San Jose, 32, ang nangyari sa malapit niyang kaibigan na si Vanessa Rangadhol, 30, na sumakabilang buhay dahil sa isang aksidente noong August 19, 2026.
Sina Julie Anne at Vanessa ay kapwa miyembro ng Sugarpop, ang grupo ng mga batang singer na binubuo ng mga finalist ng dating singing talent search show ng QTV11 na Pop Star Kids (2005).
Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julie Anne noong August 20, isang araw matapos pumanaw ni Vanessa, hindi napigilan ng Kapuso singer-actress na maging emosyunal nang pag-usapan at mabanggit ang pangalan ng kaibigan.

Ayon kay Julie Anne, hindi pa rin siya makapaniwala sa sinapit ng "DOTA o Ako" singer, lalo na't ilang buwan lamang ang nakalipas nang huli silang mag-usap bago ito pumanaw.
Saad ng TV host, singer, actress: "Hanggang ngayon, I'm still in shock. I'm still in shock. Gulat ako. Gulat kaming lahat kasi nagpaplano kami ng reunion.
"So ako, honestly, isa nga sa plano ko is to gather lahat para sa isang concert or like a segment, ganyan.
"Tapos, yun nga, nabalitaan namin. Tumawag sa amin yung mom ni Rita.
"Tapos, it all happened so fast. Parang hindi ko rin alam kung paano ko ipa-process yon."
Read: Shirley Kuan resigns as Bea Alonzo’s manager after six years
Ang "Rita" na binanggit ni Julie Anne ay ang kapwa niya Kapuso star na si Rita Daniela.
Si Rita ay kasamahan noon nina Julie Anne at Vanessa sa Sugarpop. Si Rita ang naging grand champion sa Popstar Kids.
Read: Miss Universe Thailand 2026 names Catriona Gray her inspiration
Ang iba pang mga kamiyembro nila sa Sugarpop ay sina Pocholo Bismonte at Renzo Almario.
JULIE ANNE DEVASTATED OVER VANESSA'S DEATH
Dahil halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kay Vanessa, naiisip daw ni Julie Anne na sana'y nananaginip lamang siya.
Sabi niya, "Nagulat talaga ako. Parang alam mo yung natulala ako na, like, 'Sana panaginip lang lahat ng ito.'
"Cause she was a very dear friend, and siya yung bunso sa amin."
Read: Julie Anne San Jose on first love: "Naaning talaga ako."
Sabi pa ni Julie Anne, malaking kakulangan sa kanilang grupo at pagkakaibigan ang pagpanaw ni Vanessa.
"Every time na magkasama kami, siya ang pinakabunso sa amin, pero parang siya yung pinakamaraming words of wisdom, siya yung pinaka-mature.
"Siya yung parang pinaka, alam mo yun, parang nagbabalanse ng mga opinions ng ganito, ganyan.
"And she's still so young. Grabe, ang dami pa niyang plano. Ang dami pa niyang plano with her friends, with her mom.
"And we're just in shock. We're just so very devastated. Sobrang sakit," emosyunal na lahad ni Julie Anne.
JULIE ANNE'S UNFORGETTABLE MEMORIES WITH VANESSA
Bilang bahagi ng kanyang pagdadalamhati, binalikan ni Julie Anne ang mga hindi niya makakalimutang sandali kasama si Vanessa noong nabubuhay pa ito.
Pahayag niya: "Ako, isa sa mga unforgettable moments ko with her, marami, e, like noong mga bata pa kami, kasi siya yung parang ano namin, alto.
"So, lagi siyang nagpapaturo ng ganitong tono. Lagi siyang parang may ina-assign na mga boses, mga harmony, sa amin individually.
"Tsaka siya laging nagpapa-ask ng help sa akin. So, itinuturo ko sa kanya na, 'I-record mo kasi, i-record mo, focus ka sa notes,' ganyan.
"Tapos, isa rin siya sa mga may malakas na tenga pagdating sa harmonies."
Read: Derek Ramsay quashes allegations about his Porsche purchase
Bukod sa pagiging mahusay na singer, masasabi rin daw ni Julie Anne na isang mabuting kaibigan si Vanessa.
Saad niya: "And then there was also this one time, like the last time we saw her, like, we had a guesting sa All Out Sundays.
"We did a segment, parang nagkaroon kami ng reunion. And then, like, she was taking a video, tapos parang niyakap niya ako.
"I could not forget that kasi parang ang tagal, ang tagal kong hindi niyakap nang ganoon ng isang kaibigan.
"It's one of the moments na hindi ko talaga makalimutan."

Dagdag pa niya, "So, yeah, we were really looking forward to the reunion, tapos nabalitaan namin na, yun nga. We're so sad."
Noong August 2023, naganap ang reunion ng Sugarpop nang mag-perform sila sa All Out Sundays.
Read: Pinay businesswoman helps track down Chanda Atienza in Malaysia
Bagamat hindi sila kumpleto, dahil wala si Renzo Almario, bakas kay Vanessa ang pagka-miss niya sa kanyang mga dating kagrupo nang i-post niya sa Facebook ang ilang litrato nila nina Julie Anne, Rita, at Pocholo bago at matapos ang kanilang performance.

VANESSA's CAUSE OF DEATH
Noong August 19, kinumpirma ng pamilya ni Vanessa ang dahilan ng kanyang pagpanaw.
Post sa Facebook ng pinsan niyang si Ivy Ann Salaum Jubelag: "With deep sorrow, we share that our beloved Vanessa Blanca Quillo Rangadhol passed away on August 19, 2026, following an accidental fall that caused a severe traumatic brain injury and internal brain hemorrhage.
"Despite efforts to get her immediate medical attention, she sadly passed away.
"We kindly ask everyone to respect the privacy of her family and keep them in your prayers."

Read: Dina Bonnevie recalls how she survived after split with Vic Sotto
