Walang problema sa Kapuso actress na si Shuvee Etrata kung sakaling may ibang magkagusto sa manliligaw niyang si Anthony Constantino habang nasa loob ito ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab 3.0.
Isa si Anthony sa 16 housemates na pumasok sa bagong edisyon ng nasabing reality show.
Read: Meet the PBB: Collab 3.0 housemates!
Ayon kay Shuvee, bago pa man pumasok sa PBB si Anthony, batid na niya ang posibilidad na may ibang housemate na magkagusto rito.
Gayunman, wala raw sa posisyon ang aktres para pigilan ito, lalo't hindi pa naman daw niya opisyal na nobyo ang kapwa Sparkle artist.
Pahayag niya: "Ang sa akin naman, na kay Anthony na yan kung may magkagusto sa kanya.
"Talagang kagusto-gusto naman ho talaga si Anthony. Kaya naman the best, highly recommended."
May pabirong babala naman si Shuvee sakaling si Anthony mismo ang gumawa ng ikagagalit at ikaseselos niya.
"Pero kung siya na mismo yung gagawa ng mga bagay-bagay, baka mag-akyat-bahay ako [sa PBB house para sabihing], 'Hoy, anong ginagawa mo diyan?'
"Baka lumabas yung pagka-Bisaya ko," aniya.
Read: Shuvee Etrata hopes Anthony Constantino is seen beyond being her suitor
Sundot na tanong kay Shuvee, "Hindi mo naman siya igi-give up nang ganun-ganon lang, 'no?"
Nakangiting sagot ng aktres, "Malalaman po natin pagkatapos po ng lahat."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Shuvee sa premiere night ng The Red Crown noong October 26, 2026.
Shuvee says Anthony is more than just his looks
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na naging housemate din sa PBB si Shuvee.
Isa siya sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong 2025.
Read: Shuvee Etrata recalls how a brand opened doors for her in showbiz
Dahil nauna na siyang sumabak sa reality show, nausisa si Shuvee kung mayroon siyang ibinahaging payo sa Fil-Am model na si Anthony bago ito pumasok sa Bahay ni Kuya.
Sagot ni Shuvee, wala siyang ibinigay na partikular na tagubilin sa manliligaw dahil ayaw niyang diktahan ang mga dapat nitong gawin sa loob ng bahay.
"Ako naman, wala akong kakaibang sinabi. Ang pangit din kasi na ituro ko na, 'Hoy, dapat ganito ang gawin mo, ha.'
"Parang ang sinabi ko lang sa kanya ay magpakatotoo ka lang.
"As cliché as it sounds, gusto ko lang makita siya ng buong mundo as who he is, yung personality niya na nakita ko."

Ani Shuvee, nais niyang makilala ng publiko ang tunay na pagkatao ni Anthony na hindi nakabase sa pisikal nitong kaanyuan.
"Kasi, di ba, kapag nakita siya ng iba, puro lang, 'E, pogi!'
"Ganun lang, pero yung sa loob-loob noon, matalino siya, may substance siyang kausap.
"And nakikita yan ng mga housemates, so sana ay mailabas niya yun agad-agad," sabi niya.
Muling pag-uusisa ng PEP kay Shuvee, "May pinag-usapan ba kayo bago siya pumasok sa bahay at ano iyon?"
Sagot niya, "Oo, na siguro mag-enjoy lang siya.
"He's free, so whatever he does, I'm gonna support him."
Read: Anthony Constantino wants to prove he’s more than just good looks
Shuvee maintains she and Anthony are still in the courtship stage
Samantala, kahit hindi pa sila pormal na umaamin sa pagkakaroon ng relasyon, may mga nagsasabing magkasintahan na sina Shuvee at Anthony batay sa ulat na lumabas sa Cabinet Files ng PEP noong November 1, 2025.
Read: Anthony Constantino, pinaramdam ang suporta kay Shuvee Etrata
Pero makailang beses nanindigan si Shuvee na nasa ligawan stage pa lamang sila.
Noong April 2026, muli siyang makapanayam ng PEP, at dito sinabi ni Shuvee na matagal-tagal pang maghihintay si Anthony bago niya makuha ang matamis niyang "oo" sa panliligaw nito.
“Hindi pa po kami. Pero nag-meet po kami noong January 24 last year. Nagliligawan, nagliligawan po talaga."
Dagdag pa niyang biro kung kailan niya sasagutin si Anthony, "Para sa akin, ten years more.
"Ang mga lalaki kasi, kapag sinasagot mo, dun pa siya maaaning. May mga ganun.”
Read: Shuvee Etrata and Anthony Constantino still in courtship stage
