Pumukaw ng atensiyon sa social media ang rebelasyon ni Rica Peralejo na minsan siyang inalok na maging housemate ng Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother (PBB).
Isiniwalat niya ito sa isang post sa Threads noong November 15, 2026, matapos makita ang mga kontrobersiyang nangyayari sa PBB: Collab 3.0.
Hindi niya tinukoy kung aling partikular na video o isyu ang kanyang napanood sa Bahay ni Kuya.
Read: How Rica Peralejo teaches her sons to be money-smart
Gayunman, itinuturing niyang blessing in disguise ang hindi niya pagtanggap sa alok noon dahil alam niya na posibleng may mga masabi o magawa siya sa loob ng bahay na maaaring hindi magustuhan ng publiko at maging dahilan para makatanggap siya ng pambabatikos.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Sa lahat ng dumadaan sa feed ko about PBB ngayon, naisip ko talaga na thank God na humindi ako before (as in way before, dalaga pa ako nito) when I was asked to be part of the house.
"Siguro back then miski papano may onting wisdom ako na alam kong I would probably say or do things na macacancel ako."

Aminado rin ang dating aktres na may mga maiisip siyang hindi positibo, may mga masasabi siyang hindi maganda, at may mga katangian siyang hindi kailangang ilantad sa publiko para lamang masabing authentic siya.
"Kasi sa totoo lang, hindi naman ako [one hundred] good thoughts. Wala naman atang ganun.
"At hindi naman sa itinatago ko siya pero bakit ko naman ibo-broadcast din yung bad side ko," aniya.
Read: Rica Peralejo says allegation that she steals tithes is unfounded
Nilinaw din ni Rica na hindi naman niya kailangang magkaroon ng imahe bilang isang taong palaging mabuti o minamahal ng lahat.

Naniniwala raw siyang may hangganan din ang mga bagay na kailangang ibahagi ng isang tao sa publiko, lalo na kung ang pagiging totoo sa sarili ang pinag-uusapan.
Saad niya: "Hindi ko naman wish yung maging super loved ako at magka-image na super good ako kasi ayaw ko rin ng inauthentic.
"But yes, I think hindi naman din kailangan mag-publish ng sarili mong kasamaaan to be called authentic."
Rica discusses expectations placed on PBB housemates
Sa comments section ng post ni Rica, may ilang netizen na sumang-ayon sa kanyang pananaw tungkol sa pagpapakatotoo ng mga PBB housemates.
Sabi ng isang netizen (published as is): "Kaya yung mga pumapasok sa PBB, ang lalakas ng loob talaga knowing na possible ma-bash sila.
"They are risking their image for exposure, for the prize, iba ibang reasons. So, keri niyo na yan! haha ilaban nyo yaaan."
Read: Meet the PBB: Collab 3.0 housemates!
Sumang-ayon naman si Rica sa komento at sinabing bahagi ng pagpasok sa reality show ang pagiging handang makita ng publiko ang iba't ibang aspeto ng kanilang pagkatao.
Aniya: "Oo, siguro ganun na nga no? Pag pumasok ka, parang willing ka na makita nila ang lahat sayo.
"Kasi ako, I am admittedly ka-cancel-cancel at times; I will not willingly subject myself to it."
Read: TV Ratings: How did PBB Collab 3.0 fare in the ratings game?
May isa pang netizen na nagbigay ng komento tungkol sa hindi makatotohanang expectations ng ilang PBB viewers sa mga housemates.
Saad nito: "Exactly! No one is perfect, and people naturally have different personalities.
"However, toxic PBB fans seem to expect housemates to act a certain way, and the moment they don’t, they’re immediately under fire.
"What’s even more ironic is that some of these people, whose own attitudes and behaviour online could use some serious work, are so quick to police the actions of the housemates. The irony is just something else."
Read: Bianca explains how PBB prepares evictees for life outside
Bilang tugon, ipinaliwanag ni Rica na bahagi rin ng konsepto ng programa ang pagkakaroon ng expectations ng mga manonood sa mga housemates dahil layunin nitong magbigay-aliw at makakuha ng partisipasyon mula sa publiko.
Aniya: "Pero kasi ayan ang nature ng show.
"So I think kahit na kahit sabihin na natin we should not expect too much as viewers, I think the reality is that we will.
"Or at least majority will kasi it’s a show. It is really made to entertain and to involve the people kasi may voting aspect pa diba? So ayun haha."
MTRCB CITES "100 COMPLAINTS" VS PBB
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang kinakaharap na isyu ng programang PBB: Collab 3.0.
Noong November 12, naglabas ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na sinusuri nito ang ilang eksena sa programa.
Ito ay matapos makatanggap ito ng mahigit 100 reklamo mula sa mga manonood.
Bilang bahagi ng pagsusuri, makikipag-usap ang ahensiya sa production team ng programa upang talakayin ang mga hinaing at alalahanin ng mga viewers.
Read: MTRCB reviews PBB: Collab 3.0 after receiving over 100 complaints
Kinabukasan, November 13, sumagot ang ABS-CBN at sinabing wala pa itong natatanggap na formal notice mula sa MTRCB.
Pero siniguro ng kumpanya na handa itong makipag-ugnayan sa ahensiya sa oras na tawagin ito.
Sabi pa ng ABS-CBN, layunin ng PBB na i-promote ang "positive values" and "respect for others," kaya ginagabayan din daw ni Big Brother ang housemates na matuto sa mga karanasan ng mga ito.
PBB ISSUES
Bagamat hindi tinukoy ng ahensiya kung aling mga eksena ang inireklamo, may ilang netizens na nag-ispekula na maaaring may kaugnayan ito sa mga housemates na sina Anthony Constantino at Primo Alterado.
Isang video clip ang kumalat online kung saan makikitang naglalabas ng sama ng loob si Primo sa kapwa housemate na si Robbie Jaworski.
Sa kanilang pag-uusap, ikinuwento ni Primo na nadismaya siya sa pakikitungo sa kanya ng ilang kasamahan sa Bahay ni Kuya, partikular ang housemate na si Anthony.
Read: Shuvee reacts to other PBB Collab 3.0 housemates liking Anthony
Ayon kay Primo, sinabihan umano siya ni Anthony na, "You're a little dookie."
Sa simula, hindi niya alam ang ibig sabihin ng "dookie," hanggang sa pinagtawanan siya ng isa pang housemate na si Raheel Bhyria.
Ang salitang "dookie" ay isang slang term na tumutukoy sa poop o dumi.
Bukod sa insidenteng kinasasangkutan nina Primo at Anthony, naging usap-usapan din ang isang episode ng programa kung saan pinagsabihan ni Big Brother ang mga lalaking housemate dahil sa paggamit nila ng code name na "dinosaur" sa kanilang mga kuwentuhan.
Ayon sa paliwanag nina Raheel at Anthony, ginagamit ng mga nakatatandang male housemates ang salitang "dinosaur" upang tukuyin ang mga nakababatang housemate na sina Calix, Ethan, at Jeo Ong.
Ani Anthony: "We use the term dinosaur for the younger guys here inside the house. Essentially, we all have our own little brother under us."
Read: Calix Esguerra, Ethan Benares are first PBB Collab 3.0 evictees
Pero sa isang banda, nabahiran ng hindi magandang konteksto ang term nilang "dinosaur," lalo na nang gamitin itong tampulan ng asaran ng male housemates para sa mga "manok" nila na gustong makuha ang atensiyon ng girl housemate na si Gehlee Dangca.
Bagay na inihingi naman ng paumanhin ni Ethan kay Gehlee at sa pamilya ng dalaga nung nakapanayam siya sa Kalurks nitong November 15.
Read: Ethan Benares says sorry to Gehlee Dangca over "dinosaur" issue
Dahil sa mga ito, umani ng reaksiyon mula sa mga netizens ang mga naturang video clips.
May ilang nagpahayag ng pagkabahala sa umano'y hindi magandang pagtrato ng mga nakatatandang male housemates sa iba pa nilang kasamahan sa bahay.
Gayunman, hindi kinumpirma ng MTRCB kung may kaugnayan ang mga naturang insidente sa mga reklamong natanggap nito laban sa programa.
