PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo happy to be part of Mark Alcala's family

Kathryn gets fans kilig after calling Mark's family her "prayer warriors."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 15 hours ago
Kathryn Bernardo says she's happy to be part of Mark Alcala's family.
Kathryn Bernardo on being part of Mark Alcala's family: "Masaya po maging part ng pamilya na to, ang mga prayer warriors ko."
PHOTO/S: Screengrab @chuubbzz_1903 on TikTok

Maraming netizens ang natuwa sa nakikitang kasiyahang mayroon ngayon ang Kapamilya A-lister na si Kathryn Bernardo sa piling ni Lucena City Mayor Mark Alcala.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal nang nali-link sa isa't isa ang dalawa dahil sa mga sighting nilang magkasama sa mga private event.

Read:

Bagamat wala pang direktang pagkumpirma ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, kapansin-pansin ang pagle-level up ng kanilang samahan, kung saan maging si Kathryn ay kasama na ni Mark sa ilan sa kanyang family gatherings.

Ito ang mainit na pinag-usapan sa social media nitong Linggo, November 22, 2026, matapos maispatan ang aktres sa debut ng babaeng pinsan ni Mark na si Francine Benitez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mark Alcala shares photo featuring Kathryn Bernardo’s dog

Sa kumakalat na video ngayon online, makikita sina Kathryn at Mark na magkatabi sa kanilang mga upuan sa venue kung saan idinadaos ang debut ni Francine.

Kitang-kita rin ang pagiging komportable ng dalawa sa isa't isa dahil may pagkakataong may ipinapakita si Kathryn kay Mark na nasa kanyang kamay, dahilan para mas lapitan at hawakan ng alkalde ang kanyang kamay.

Kathryn Bernardo says she's happy to be part of Mark Alcala's family.
Photo/s: Screengrab on @chuubbzz_1903 on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin din ang pagiging maalaga ng binata nang alalayan niya si Kathryn at iusog ang upuan nito sa tabi niya.

Kathryn Bernardo says she's happy to be part of Mark Alcala's family.
Photo/s: Screengrab on @chuubbzz_1903 on TikTok

KATHRYN: "Masaya po maging part ng pamilya na to."

Ngunit ang mas kinakiligan ng fans ay ang video ni Kathryn habang nagbibigay ng mensahe sa debutante na si Francine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng kanyang birthday message ang pasasalamat sa pamilya nina Francine dahil sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Tinawag din niyang “prayer warriors” ang pamilya at ibinahagi ang paniniwalang may dahilan ang Diyos kung bakit sila nagtagpo.

Pahayag ni Kathryn sa viral niyang video: "I just have like a soft spot for you ever since I met you.

"So, thank you for allowing me to be part of this beautiful and very intimate celebration.

"Thank you also for welcoming us sa pamilya niyo.

"Masaya po maging part ng pamilya na to, ang mga prayer warriors ko."

Makikita sa isang anggulo ang matamis na ngiti ni Mark habang kinukunan ng video ang mensahe ng aktres.

Kathryn Bernardo says she's happy to be part of Mark Alcala's family.
Photo/s: Screengrab on @chuubbzz_1903 on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang bahagi ng video, makikita ang isang katabi ni Mark na itinataas ang kamay ng alkalde habang nagpapalakpakan at nagsisigawan ang mga bisita matapos ang sinabi ni Kathryn.

"Siguro may talagang reason naman si God kung bakit kayo dinala sa buhay ko," dagdag pa ng aktres.

REAL SCORE BETWEEN KATHRYN AND MARK

Hindi malinaw kung kailan eksaktong nagsimulang nagkamabutihan sina Kathryn at Mark.

Pero noong July 2024, ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang nag-ulat tungkol sa panliligaw ng Lucena mayor sa Kapamilya actress na noo'y nagsu-shooting pa lang ng pelikula nila ni Alden Richards.

Read: Kathryn, Alden develop deeper friendship in Hello, Love, Again

Matagal nang single si Kathryn, na ang huling naging karelasyon ay si Daniel Padilla.

Read: KathNiel: Box-Office Love Team Timeline

November 30, 2023 nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel na hiwalay na sila matapos ang 11 taon nilang relasyon.

Sa ngayon, may nobya na rin si Daniel, ang aktres na si Kaila Estrada.

Read: Daniel Padilla on girlfriend Kaila Estrada: "We just are."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo on being part of Mark Alcala's family: "Masaya po maging part ng pamilya na to, ang mga prayer warriors ko."
PHOTO/S: Screengrab @chuubbzz_1903 on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results