Hindi pinalampas ni Joey de Leon, 76, ang ilang kritiko nila nina Tito Sotto, 74, at Vic Sotto, 69—o TVJ—na nananawagang magretiro na sila dahil daw sa kanilang edad.
Read: MVP on choosing between It’s Showtime and TVJ: “It was just a purely business decision.”
Sa isang Facebook live noong June 24, 2023, sa Facebook page ng TVJ, diniretso ni Joey ang bashers na nais na silang pagpahingahin.
Litanya ni Joey, “Kaya yung mga nagsasalita na mga... buwisit.
“Didiretsuhin ko na, may ilan lang yan, e. Yung, ‘Uy, ang tatanda niyo na, pagbigyan niyo na yung mga bata.'
"Well, ito para sa yo to... A, ikaw puwede ka na palang ilibing. Yung ganun.
“Tumahimik ka na. Kasi, ito may galit na ako, e, kasi pakialamera o inggitera kayo, inggitero kayo o pakialamero.”
Read: Salpukan ng noontime shows sa Sabado, July 1, kaabang-abang
Ayon kay Joey, kahit na anong edad, basta nais pa ng taong magtrabaho, hindi dapat pakialaman.
“Ang tao, hanggang gustong gumalaw, pabayaan mong gumalaw. Kung gustong magtrabaho, pabayaan mong magtrabaho.
“Pag nagkakaedad kayo, malalaman niyo yan, pag tanda niyo, kung umabot pa kayo.”
Ang mga taong may edad na nais magtrabaho ay hindi na raw sarili ang iniisip kundi ang kanilang pamilya.
Saad ng beteranong TV host-comedian, "Kaya ka nagtatrabaho, pag tanda mo, hindi na para sa sarili mo, para na yan sa pamilya mo.
“Ito, lecture na to, para na yan sa ibang tao. Para na yan sa pamilya mo, sa mag-anak mo.
"Kaya yung mga basher na, ‘Uy pagbigyan niyo naman yung iba,' ‘Ul*l! Yan ang pwede kong sabihin sa yo.
"Alam mo kung naranasan mo yung naranasan namin na 44 years, ha, nag-e-enjoy kami.
"Huwag mong pakialamanan ang tao pag gustong magtrabaho."
Read: Sharon Cuneta, lalabas sa pilot episode ng TVJ noontime show sa TV5
Sabi pa ni Joey, wala siyang sinasabing masama sa bagong hosts ng revamped Eat Bulaga! dahil nagtatrabaho lamang ang mga ito.
Aniya, “Kaya hindi ko masisi yung mga pumalit sa amin, trabaho yan, e, pabayaan mo sila.”
Mapapanood na ang bagong noontime show ng TVJ, kasama ang “legit Dabarkads,” simula July 1, 2023, sa TV5.
