PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sabrina M. denies Rico Yan relationship claim

Claudine Barretto's lawyer is giving Sabrina three days to issue a public apology.
by Jojo Gabinete
Published Jul 16, 2023
Sabrina M.
Sabrina M. refuses to budge despite a three-day deadline from Claudine's lawyer to issue a public apology before legal action is taken against her. Sabrina says she stands by what she said about her and the late actor Rico Yan.
PHOTO/S: @therealsabrina_m on Instagram

“Wala pong public apology na magaganap.”

Iyan ang mensaheng ipinadala ni Sabrina M. sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Sabado, July 15, 2023.

May kinalaman ang reaksiyon ni Sabrina sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio na magsasampa ito ng reklamo kapag hindi siya humingi ng public apology dahil sa sinabi niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Rico Yan noong nabubuhay pa ito.

Read: Sabrina M. reveals secret relationship with Rico Yan: "After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

Si Topacio ang kaibigan at legal counsel ni Claudine Barretto, ang ex-girlfriend ni Rico.

READ: Claudine Barretto mulls filing complaint against Sabrina M. over Rico Yan relationship claims

Isiniwalat ni Topacio ang kanilang plano sa panayam ni Cristy Fermin sa programa nito sa Radyo 5 noong Huwebes, July 13.

Aniya, binibigyan nila si Sabrina ng tatlong araw para humingi ng public apology kay Claudine at sa naulilang pamilya ni Rico, at kapag hindi ito ginawa ng dating sexy star, mapipilitan silang magsampa ng demanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Imposible po yung sinasabi ni Sabrina M. na sila ay taon [bilang na magkarelasyon sila ni Rico] sapagkat, although officially nag-break up si Claudine at si Rico ng December 2001, noong March 2002, they were still trying to salvage the relationship.

"And, in fact, they were still living under the same roof at the time, nung namatay si Rico Yan.

“And, in fact, dapat kasama dun sa Holy Week na retreat si Claudine, kaya lang dahil medyo may konting hidwaan sila noon, hindi siya sumama.

“So, imposible yung sinasabi ni Sabrina M. Ano yung pinagsasabi niyang taon? E, sinungaling siya, malinaw na malinaw po iyan."

Pagdidiin ng abugado, “Para gamitin mo yung pangalan, lalo na yung alaala ng isang pumanaw para magkaroon ng noise para sa iyong movie, e nakakarimarim po yun. Karumal-dumal na gawain yun.

“Libelous yun kasi parang pinalalabas niya na si Rico Yan ay two-timer, at si Claudine naman, kung alam daw ni Claudine yun, parang napakababa naman ng moralidad ni Claudine na pumapayag siya na dalawa sila sa buhay ni Rico Yan,” ang reaksiyon ni Topacio na nagbigay ng taning kay Sabrina para maglabas ng public apology."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit pa ni Atty. Topacio na may mensahe para kay Sabrina, “Tayo naman ay mga Kristiyano, baka naman puwedeng mag-public apology para hindi na lumala ang usapang ito.

“Mag-sorry siya in public kasi kasiraan yung sinabi niya.

“Since ito ay naging online, cyberlibel iyan, pero ayaw naman natin iyan.

"Tayo ay Kristiyano, kung nare-realize naman ni Sabrina M. na pawang kasinungalingan yung sinasabi niya, kasi hindi po maaari yung timeline na sinabi niya, napaka-imposible po.”

Dagdag ng kontrobersiyal na abugado, “We are giving you three days from today, so meaning Thursday, Friday, Saturday hanggang Linggo. Marami naman talk shows diyan umpisa ngayon hanggang Linggo.

“Please, mag-sorry ka na kay Claudine, mag-sorry ka sa pamilya ni Rico Yan, mag-sorry ka sa alaala ni Rico Yan, at tapusin na natin ito, otherwise much to our regret ay kailangan po kaming kumilos sa paraang legal.”

Sinagot naman ni Sabrina ang mga pahayag ni Topacio sa pamamagitan ng mensahe na kanyang ipinadala sa PEP.ph.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabrina M with her lawyers from Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers for Free Legal Assistance. (L-R) Atty. Juman B. Paa, Atty. Ananias Birad Jr., and Atty. Patrio J. Seneres Jr.

Ani Sabrina: “Wala pong public apology na magaganap.

"Kung anuman ang panakot na ikakaso nila, karapatan nila iyon at haharapin na lang namin ng mga abogado ko ang isasampa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabihan na rin po ako ng abogado ko na huwag nang mag-comment pa.

"Nag-review na rin kami ng videos sa YouTube para alamin din [kung] sino ang puwede naming kasuhan.”

READ: Netizens, pinatotohanan ang claim ni Sabrina M. tungkol sa relasyon nito kay Rico Yan

READ: Katrina Paula dispels Sabrina M.'s claim about past relationship with Rico Yan

READ: Sabrina M. shrugs off negative comments after revealing secret relationship with late Rico Yan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabrina M. refuses to budge despite a three-day deadline from Claudine's lawyer to issue a public apology before legal action is taken against her. Sabrina says she stands by what she said about her and the late actor Rico Yan.
PHOTO/S: @therealsabrina_m on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results