PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach-Julia Barretto movie "to normalize all kinds of love"

Maipapakita rin nito ang galing sa pag-arte ng dalawa.
by Jojo Gabinete
Published Sep 9, 2023
Julia Barretto and Aga Muhlach headline Forgetting Canseco
Isasama ang Forgetting Canseco, ang movie nina Juia Barretto at Aga Muhlach, sa 49th Metro Manila Film Festival sa December 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

May plano ang Viva Films na isali sa 49th Metro Manila Film Festival sa December 2023 ang Forgetting Canseco, ang romantic drama love story movie na mula sa direksiyon ni Denise O’Hara.

Pagbibidahan ito nina Aga Muhlach at Julia Barretto.

Sigurado nang star-studded ang 49th Metro Manila Film Festival kapag naging official entry ang pelikula nina Aga at Julia dahil balak ding isali sa annual Philippine film festival ang Pieta ni Nora Aunor, When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon, at ang proyekto na pinangungunahan ni Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maricel Soriano unbothered by newbies who ignore veterans: "Hindi ko naman kayo kilala."

Samantala, opisyal nang kalahok ang A Mother and Son’s Story nina Sharon Cuneta at Alden Richards.

Read: Sharon Cuneta grateful to Alden Richards for constantly checking up on her

Ang Philippine adaptation ng Miracle in Cell No.7 na top-grosser sa 45th Metro Manila Film Festival ang huling pelikula ni Aga.

Isa nang seasoned actor si Aga pero nakaramdam pa rin siya ng kaba bago nagsimula ang shooting ng unang pelikulang pinagsamahan nila ni Julia.

"Ninerbiyos ako. Parang hindi ako handa. I mean handa ako at committed, [pero] paano ko ito gagawin? Paano ko uumpisahan?" ang sabi ni Aga sa story conference ng Forgetting Canseco noong July 4, 2023.

Pero hindi mababakas sa mga eksena niya ang nerbiyos na tinutukoy dahil subok na si Aga pagdating sa drama.

Natapos na ang shooting ng Forgetting Canseco sa Baguio City, buong-buo na ang pelikula na malaki ang tsansang manalo ng mga parangal kapag naging kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahusay ang pag-arte nina Aga at Julia.

Nagtagumpay din si O’Hara na ipakita sa Forgetting Canseco na normal ang pagmamahalan ng dalawang tao kahit malaki ang agwat ng kanilang mga edad.

Pahayag ng direktor, "We’re normalizing all kinds of love, and the more you pay attention ‘Ah ito May-December,’ the more hindi nagiging normal kasi normal relationships, we don’t have to label it like that. So isa sa vision namin is to normalize all kinds of love because it’s love.”

Tunay na boses ni Julia ang ginamit nito sa mga eksena na kinakanta niya ang mga komposisyon ng pumanaw na musician na si George Canseco—na siyang nasa likod ng OPM classic hits na "Hiram," "Kapantay Ay Langit," "Dito Ba," "Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan," "Ngayon At Kailan Man," at marami pang iba.

Pinaghandaan ni Julia ang karakter na kanyang ginampanan sa Forgetting Canseco dahil nagkaroon siya ng voice at singing lessons.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Higit sa lahat, nakipagsabayan siya kay Aga sa pag-arte.

At kung sakaling palarin na makasali sa 49th Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikula, tiyak na malakas ang magiging laban niya sa kategorya ng pinakamahusay na aktres.

Read Next
Read More Stories About
Aga Muhlach
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isasama ang Forgetting Canseco, ang movie nina Juia Barretto at Aga Muhlach, sa 49th Metro Manila Film Festival sa December 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results