Ganap na ang pagiging centenarian ni former Senate President Juan Ponce Enrile sa Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2024, dahil ipagdiriwang nito ang kanyang ika-100 kaarawan.
Read: Juan Ponce Enrile 100th birthday memes, kaabang-abang sa Valentine's Day
Hindi lamang si Enrile ang kilalang personalidad sa Pilipinas na isinilang sa Araw ng mga Puso.
Ito rin ang kaarawan nina Kris Aquino, John Prats, at Heart Evangelista.
Ipinanganak si Kris noong Pebrero 14, 1971. Ibig sabihin, 53 years old na siya sa darating na Miyerkules.
Gugunitain ni Kris sa Amerika ang araw ng kanyang pagsilang dahil bumiyahe siya roon noong 2022 para magpagamot.
Read: Kris Aquino bids goodbye to her followers; flies to U.S. for medical treatment
Mga panalanging gumaling ang TV host-actress mula sa mga karamdaman nito ang pinakamagandang regalong matatanggap niya.
Pareho ng kaarawan sina John at Heart, na nagkaroon ng relasyon noong mga teenager sila.
Isang taon ang tanda ni John kay Heart dahil 1984 ang kanyang kapanganakan, samantalang 1985 nang isilang si Heart.
Tatlo na ang anak ni John at ng misis nitong si Isabel Oli, samantalang hindi pa nabibiyayaan ang pagsasama ni Heart at ng kanyang asawang si Senator Francis Escudero.
Naganap ang pag-iisang-dibdib nina Heart at Francis sa Balesin Island, Polillo, Quezon noong Pebrero 15, 2015, isang araw matapos ipagdiwang ng aktres ang ika-tatlumpong taong kaarawan niya.
Read: Chiz Escudero and Heart Evangelista get married in Balesin
Hindi lamang ang mga kaarawan nina Enrile, Kris, John, at Heart ang ginugunita tuwing Pebrero 14.
Ito rin ang petsa na naghatid ng kalungkutan sa mga tagahanga nina Helen Vela at Miguel Rodriguez.
Read: Shocking showbiz deaths: so sudden, so soon (Part 2)
Araw ng Puso nang bawian ng buhay si Helen Vela (October 31, 1946 – February 14, 1992) sa edad na 45 dahil sa lymphoma.
Namatay ang sikat na aktres at radio personality sa St. Mary’s Hospital, Mayo Clinic sa Rochester, Minnesota, USA.
Kahit alam ng mga Pilipino na may karamdaman si Helen, ikinagulat pa rin nila ang balita ng kanyang pagpanaw sa Amerika.
Namaalam naman si Miguel Rodriguez (November 23, 1962 – February 14, 1997) sa edad na 34.
Idineklarang pancreatitis ang sanhi ng kamatayan ni Miguel na natagpuan ng kasambahay na wala nang buhay sa tahanan niya sa BF Homes, Parañaque City.
"Christopher Reeve ng Pilipinas" ang bansag kay Miguel dahil sa pagkakahawig niya sa yumao na ring American actor na gumanap na Superman.
Read: Image model Sam Rodriguez may follow in footsteps of late dad Miguel Rodriguez in showbiz