Si Luis Manzano ang bisita ni Boy Abunda sa pilot telecast ng bagong monthly documentary talk show nito sa GMA-7, ang My Mother, My Story, na mapapanood sa Kapuso Network sa Mayo 12, 2024, ang Araw ng mga Ina.
Pinag-usapan nila ni Boy sa My Mother, My Story kung sino si Luis ngayon nang dahil sa kanyang ina na si Vilma Santos at ang malaking impluwensiya nito sa buhay niya.
Read: Vilma Santos reveals advice to first-time parents Luis Manzano and Jessy Mendiola
Ang panayam ni Boy kay Luis ang isang bihirang pagkakataon na mapapanood ang aktor, TV host, at ABS-CBN contract star sa programa ng GMA-7.
Nangyari ang pag-uusap ng dalawa sa The Farm, sa San Benito, Lipa City, Batangas, na malapit sa puso ni Luis dahil sa naturang lugar sila unang ikinasal noong Pebrero 21, 2021, ng kanyang asawang si Jessy Mendiola.
LUIS MANZANO ON MOM VILMA SANTOS
Espesyal sa puso ni Luis ang siyudad ng Lipa at ang lalawigan ng Batangas dahil dito matagal naglingkod bilang alkalde at gobernadora ang nanay niya—ang Star for All Seasons na si Vilma.
Read: Vilma Santos, "feeling heaven" sa pagkaabsuwelto ng anak na si Luis Manzano
Ang akala ng marami, alam na nila ang lahat ng mga pangyayari sa personal na buhay ni Luis.
Pero marami pa siyang ibinahaging mga rebelasyon sa panayam ni Boy tungkol sa pagkakaroon niya ng sikat na sikat na ina.
Kaabang-abang ang mga isiniwalat ni Luis na ngayon pa lamang mapapanood at maririnig ng mga tao.
May espesyal na partisipasyon sa My Mother, My Son si Vilma at ang kapatid ni Luis na si Ryan Christian Recto.
Hindi rin naging maramot si Ryan sa pagkukuwento tungkol sa pagkakaroon niya ng popular, legendary, at iconic na ina.
May mga rebelasyon din si Vilma tungkol sa kanyang mga anak na magpapatunay na tulad ng mga ordinaryong tao, dumaraan din sila sa mga pagsubok at problema, pero nalalampasan nila dahil sa kanilang malakas na pananalig sa Panginoong Diyos at pagmamahal sa isa’t isa.
Read: Vilma Santos, proud sa hidden talent ng anak na si Ryan Christian Recto