Bayani Agbayani hindi tatanggihan ang I Can See Your Voice kahit may 3 shows sa TV5

by PEP Troika
Oct 18, 2020
Bukod sa Lunch Out Loud, may dalawa pang TV5 shows na nakalinya para kay Bayani Agbayani, pero willing daw siyang bumalik sa I Can See Your Face ng ABS-CBN.
PHOTO/S: PR

GORGY RULA

Kung matutuloy itong ibang shows ni Bayani Agbayani sa TV5, tatlo ang magiging shows niya na pawang matitindi ang mga kasama.

Magsisimula na bukas ang Lunch Out Loud sa Kapatid network, kung saan kasama ni Bayani sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero, at Macoy Dubs.

Binubuo na rin ang sitcom kasama si Aga Muhlach at isa pang game show kung saan makakasama niya ang isang actor-politician.

Pero kahit mapupuno ang schedule ni Bayani sa mga programa niya sa TV5, hindi raw niya puwedeng tanggihan ang Kapamilya network sakaling ibabalik ang I Can See Your Voice ni Luis Manzano.

Hindi raw niya puwedeng tanggihan ang pakiusap ni Luis na sumama siya sa mga "sing-vestigador," tampok sina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray, Andrew E, at Angeline Quinto.

Kaya bago nagsimula si Bayani sa LOL, nagpaalam daw siya sa Brightlight Productions big boss na si Albee Benitez kung puwede pa siyang lumabas sa Kapamilya channel.

Continue reading below ↓

"Nagpaalam ako kay Cong. Albee at kay PatP [Daza] na kailangan ko pa ring suportahan ang ABS-CBN, 'Go, Yani, go,’ sabi nila.

“Nagpaalam din ako kay Tita Kitchie Benedicto doon sa Saturday and Sunday namin na show. Sabi nila, 'Sige, Yani, okay iyan.' Pinagbigyan nila kami.

“Kasi, sabi nga, hindi naman kami exclusive, e. Kasi, blocktimer naman, e. Hindi naman exclusive sa TV5,” pahayag ni Bayani nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang linggo.

Bago niya tinanggap itong shows niya sa TV5, nagpaalam daw siya sa mga boss ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes at Linggit Tan.

Pero ang talagang pinuri niya ay si Luis, na anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Bumati pa raw ito sa kanila nang nalamang bahagi sila sa Lunch Out Loud ng TV5.

“Nakakatuwa si Luis, pumasok siya sa thread namin sa Viber. Ginreet niya kami, kinongratulate niya kami. 'Tapos niya mag-congratulate, nag-leave na siya.

Continue reading below ↓

"Binati niya kami nina Alex, ‘Congrats, Kuya Yani. Congrats, Wacky,’ 'tapos nag-leave na siya.

“Alam ninyo, si Luis, napakabuting tao, nakuha niya ang kabutihan ng nanay niya, ng tatay niya. Napakabuti niyang artista. Wala kang masasabi,” kuwento ni Bayani.

So, sakaling ibabalik ang I Can See Your Voice, isasama pa rin kaya si Bayani pati sina Alex at Wacky Kiray na nasa TV5 na rin?

NOEL FERRER

Magandang abangan ang battle of the daily noontime shows bukas, Oktubre 19.

Diyan natin mapapanood si Bayani Agbayani na maasahan pagdating sa pagho-host at pagpapatawa.

Maganda ring may iba pang strong media players aside from ABS-CBN and GMA-7 because with TV5 shaping up, nacha-challenge ang mga networks to give their best, at hindi nakakampante ang mga tao.

Congratulations, Yani! You deserve all these blessings.

Basta, ingat lang sa health (lalo na ngayon na ipinagbabawal na ang mga segue-segue sa production), and I’m sure, iba-ibang sides ng talented Bayani ang maipapakita mo sa mga gagawin mo.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Tig-dalawa ng shows sa TV5 sina Pokwang, Billy Crawford, at Wacky Kiray.

Si Pokwang ay nasa morning show na Chika, BESH, kasama sina Pauleen Luna at Ria Atayde.

Co-hosts sila ni Jose Manalo sa game show na Fill in the Bank, na palabas tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng 7 p.m.

Maliban sa Lunch Out Loud, host si Billy sa Masked Singer Pilipinas na mag-uumpisa sa Oktubre 24, Sabado, ng 7 p.m.

Si Wacky Kiray, kasama rin sa Sunday Kada na nag-umpisa ngayong Oktubre 18, Linggo, 3 p.m.

Sina Bayani, Pokwang, Billy at Wacky Kiray ay bukod na pinagpala sa lipon ng mga Kapatid na Kapamilya!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa Lunch Out Loud, may dalawa pang TV5 shows na nakalinya para kay Bayani Agbayani, pero willing daw siyang bumalik sa I Can See Your Face ng ABS-CBN.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results