Lolong ni Ruru Madrid, sa January 2022 na magre-resume ng lock-in taping

by PEP Troika
Nov 15, 2021
lolong cast
GMA-7's upcoming primetime series Lolong stars Ruru Madrid, Shaira Diaz, Christopher de Leon, and Mikoy Morales.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Sanya Lopez 's luck has continued since she was removed from the cast of Lolong in October 2020 to replace Marian Rivera in First Yaya .

Rumatsada sa ratings ang First Yaya nila ni Gabby Concepcion, maging ang Agimat ng Agila kung saan leading lady siya ni Senator Bong Revilla.

Waging-wagi sa puso ng televiewers at advertisers. Kaya itinuring natin si Sanya na "Pandemic Breakthrough Star" sa telebisyon.

By popular demand, may ikalawang yugto na ang First Yaya… First Lady. Ganoon din ang Agimat ng Agila.

Ang Lolong… naka-lolong-kot. Last year pa napabalita ang pagsasanay nina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa maaaksyong eksena.

Noong Pebrero, naulinigan nating kailangan ng mabangis na paghahanda sa CGI (computer-generated imagery) ang dambuhalang action-adventure series. Katapusan ng Mayo, namangha tayo sa animatronics crocodile na si Dakila.

Umaapaw ang kasiyahan ni Ruru at sa kanya ipinagkatiwala ang proyektong ito.

“I feel so blessed,” pahayag ni Ruru, at nangakong ibubuhos niya ang lahat para sa Lolong.

Continue reading below ↓

Noong Hulyo 7, naibalita natin sa PEP Troika na naka-quarantine na ang cast ng Lolong para mag-umpisa ng lock-in taping.

At the time ay mag-uumpisa na rin ang lock-in taping ng I Left My Heart In Sorsogon nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Magpapakilig na ang I Left My Heart In Sorsogon umpisa ngayong Nobyembre 15, Lunes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Ang cast at crew ng Lolong, handa na sana sa kasunod ng cycle ng lock-in taping. Ayon sa source ng PEP Troika, pack up na muna sila. Next year na raw itutuloy ang taping ng Lolong.

Maliban kina Ruru at Shaira, nasa cast din ng Lolong sina Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Maui Taylor, Abby Viduya, Leandro Baldemor, Paul Salas, Bembol Roco, Ian de Leon, Marco Alcaraz, Malou de Guzman, DJ Durano, at Mikoy Morales.

GORGY RULA

Nakatsikahan namin si Mikoy Morales noong nakaraang Biyernes, November 12, sa kanyang virtual mediacon kaugnay sa pag-renew ng kontrata niya sa GMA Artist Center.

Continue reading below ↓

Naka-quarantine daw siya sa isang hotel, at dapat ngayong linggo ay isasalang na sila sa second cycle ng lock-in taping nila sa Lolong. Pero pinauwi pala sila?

Nabalitaan ko kasi sa secretary ni Christopher de Leon na pinauwi raw sila. Maaaring may problema roon sa set kaya hindi na muna itinuloy ang taping.

Kahit medyo lumuwag na sa atin dahil sa pagbaba ng COVID cases, pero kailangan pa rin talaga ng ibayong pag-iingat dahil hindi tayo nakasisiguro.

Nakakaawa ang mga taga-Lolong, lalo na ang production staff, dahil halos dalawang taon na yata ang paghahanda nito. Ang daming inabot na problema ang first lock-in taping nito dahil napasabay sa bagyo, pero nagawan daw ng paraan.

Bahagi ng mahabang kuwento ni Mikoy, “Kasi, di ba, pag-lock in, nakalatag na ang buong breakdown, di ba? Lahat kukunan na ang mga eksena for the next 20 days.

“Ang nangyari, na-reshuffle lahat yun dahil yung ECQ naman, hindi naman siya masyadong naging isyu dahil malapit lang yung hotel namin dun sa mismong set na pinagsusyutingan.

Continue reading below ↓

“In coordination naman ang production namin with local government at that time.

“Naging problema namin nun ang bagyo, kasi lahat kami outdoor, e. Gubat at saka ano yung location namin.

"So, ang daming na-move at nag-snowball na mga problema na pumihit kami ng eksena na inuna muna ang lahat na interior, lahat ng mga nasa loob ng bahay.

“Majority ng mga eksena namin sa labas, e, dahil dun talaga ang setting ng show.

“Lahat kami, nahirapan. Pero nagawan naman ng paraan, naihabol yun at mabuti nalipasan kami ng bagyo nung time na yun. And ngayon, nasa quarantine ako para sa second leg namin ng Lolong.

“Sana, magtuluy-tuloy na kami at mas gamay na namin ang isa’t isa, e.”

Pero hindi na natuloy ngayon. Kaya tengga na naman sila.

Mabuti na lang at magiging abala naman si Mikoy sa promo ng pelikulang Mang Jose ng Viva, at may regular taping din siya sa Bubble Gang.

Continue reading below ↓

Paano ang iba, lalo na ang mga staff na ito lang talaga ang pinagkakakitaan nila? Magpa-Pasko pa naman…

Pero wala tayong magagawa dahil mas mahalaga ang kaligtasan ng lahat, kaya napilitan silang mag-pack up.

Sana huwag ito mangyari sa mga magsisimulang taping ng ilang drama series ng GMA-7. Kasisimula lang ng Artikulo 247.

Bukas, November 16, magsisimula namang nang ma-quarantine ang buong cast at production staff ng bagong drama series na False Positive. Ito muna ang gagawin ni Xian Lim kasama si Glaiza de Castro.

Sana, hindi sila magkakaproblema kagaya ng nangyari sa Lolong.

NOEL FERRER

Naka-text ko ang lead star ng Lolong at kaibigan nating si Ruru Madrid.

Ang sabi niya, “Nakakalungkot nga po yung balita, pero kailangan pa rin po maging matatag.

“I know that malaking challenge lang po ito for us and I’m really hoping na lahat po ng nangyayaring ito will be worth it. Naawa lang din po ako sa mga staff at crew na malapit na po mag-Christmas pero wala po silang kikitain.

Continue reading below ↓

“Pero let's pray na lang po na lahat ay maging okay na. Salamat po ulit Sir sa concern and Godbless.”

Nakatakda na sana silang mag-pull-out ngayon, pero ayun, pinauwi na muna sila at sa January na lang ang resumption.

Hayyyyy, ingat-ingat pa rin ang lahat… at para kay Ruru, sinabi ko, turn this to an opportunity na gumawa ng maraming masaya at makabuluhang vlogs tulad ng sinimulan niya last week.

So long, Lolong!!!

ALSO READ
, "widget": "Hot Stories"}]

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7's upcoming primetime series Lolong stars Ruru Madrid, Shaira Diaz, Christopher de Leon, and Mikoy Morales.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results