AMBS President Maribeth Tolentino, tikom ang bibig sa balitang mahigit P500M ang TF ni Toni Gonzaga

by PEP Troika
Sep 15, 2022
toni maribeth contract signing
AMBS President Maribeth Tolentino (right) on Toni Gonzaga (left): "Ang galing niyang host, ang galing niyang aktres. E, yun lang naman ang kailangan natin para rito sa produkto na ‘to. Ang produkto natin, star, e. Hindi ka naman puwedeng mag-offer sa ating viewers ng hindi magaling. So, yung mga basher, hindi namin iniinda yun."
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram

JERRY OLEA

Napabalitang Oktubre mag-uumpisa ang broadcast ng ALLTV, pero pagsapit ng BER month, ini-announce ni Willie Revillame na Setyembre 13, 2022, Martes, na ang soft launch nito.

Read: Willie Revillame at Toni Gonzaga, pinangunahan ang soft launch ng ALLTV

“September 13 talaga yung gusto naming date,” pahayag ni Ms. Maribeth Tolentino, presidente ng AMBS o Advanced Media Broadcasting System na may-ari ng ALLTV, sa virtual mediacon nitong Setyembre 14, Miyerkules ng gabi.

“Kasi, yun ang anniversary ng aming principal, si Senator [Manny] Villar and Senator Cynthia.

“Gusto namin, may milestone kami lagi sa aming company para madaling tandaan. So, ni-launch namin ang network sa anniversary nila.”

Frontliners ng ALLTV sina Willie Revillame at Toni Gonzaga sa kani-kanyang programa na Wowowin (7:00 p.m.) at Toni Talks (5:00 p.m.), respectively.

willie toni hosting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi-sabi, napakalaki ng talent fee ni Toni sa talk show niya. Mahigit P500M daw?

“Ay, naku! Alam mo, baka maipit naman si Toni diyan sa balitang 'yan, di ba?” natatawang sagot ni Ms. Maribeth.

“Baka siya lang ang dapat mag-confirm nun, hindi ako. Kasi, very confidential. Especially earnings niya yun, e. Marami siyang earnings pa, galing sa iba.

“Puwedeng meron sa advertiser, di ba? Yung kanyang mga pino-promote. Isang part lang kami ng kita ni Toni.

“Hindi ko 'yan sasagutin, kasi very confidential 'yan… Hindi naman ganun kalaki yun. Sino ba ang nagbalita niyan? Nakita ba niya ang kontrata, di ba?”

Kontrobersiyal si Toni at paborito ng bashers. Anu-anong qualities ang nakita nila kay Toni kaya kinuha nila ito?

“Well, si Toni, napaka-talented, ha? Ang galing niyang host, ang galing niyang aktres,” papuri ni Ms. Maribeth.

“E, yun lang naman ang kailangan natin para rito sa produkto na ‘to. Ang produkto natin, star, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ka naman puwedeng mag-offer sa ating viewers ng hindi magaling. So, yung mga basher, hindi namin iniinda yun.

“Kasi, kailangan lang naman natin, yung talent, magaling, e. Di ba?”

So, hindi nila alintana na baka makaapekto sa ratings ng ALLTV ang pagputakti ng bashers kay Toni?

“Hindi naman. Kung siguro, hindi magaling si Toni, e, yun ang problema namin. Kaso, ang galing naman ni Toni, di ba?!” bulalas ni Ms. Maribeth.

“So, kaya nga siguro siya bina-bash dahil magaling siya!”

maribeth tolentino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Sa Enero o Pebrero 2023 pa raw magpu-full blast ang ALLTV. Ano ang assessment nila matapos ang kanilang paglulunsad nitong Martes?

“Assessment namin internally, marami pa kaming dapat i-improve, ‘no, technically,” lahad ni Ms. Maribeth.

“Hindi pala ganun kadali yung mag-launch ng network. So, unti-unti, nakikita namin how to improve yung aming system, yung aming organization.

“So internally yun ang assessment namin, so marami pa rin kaming kailangang idagdag na content.”

Kumusta ang pagtanggap ng televiewers sa kanilang unang araw?

“Well, so far kasi, yung shows namin kahapon, kilalang-kilala na nila si Willie!” masayang bulalas ni Ms. Maribeth.

“May audience na 'yan, di ba? Kahit saan siya pumunta, nandiyan yung audience niya. So, maganda din ang reception sa kanya.

“Even si Toni, kilalang-kilala na sa dating station niya. Paglipat niya dito, inaabangan siya. So, hindi rin kami nahirapan kay Toni.

“So far, yung iba naman naming shows, canned yun. Yung Korean drama. E, lahat yata ng tao ngayon, gustong manood ng Korean drama, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kaya hindi rin kami nahirapan. So CNN, dahil kilala na rin sila, hindi rin kami nahirapan. So it’s more on… nagsisimula lang kami.

“Ang kailangan namin, ipaalam sa buong Pilipinas na open na ang ALLTV. So, puwede na silang manood.”

Nasilayan sina Julia Barretto at Ruffa Gutierrez sa soft launch. May chance ba na maging contract stars sila ng ALLTV?

Read: Ruffa Gutierrez at Julia Barretto, lilipat na rin sa ALLTV?

“Yeah, everybody has a chance, ‘no. Kasi, marami pa kaming kailangang stars, e,” sambit ni Ms. Maribeth.

“Yung mga artista, naghihintay lang naman din sa amin. Kami naman, naghihintay kami ng magandang program grid or concepts para sa mga artista, saka kami lalapit dun sa mga gustong mag-join sa amin.

“Mahirap kasi yung wala pa kaming maibigay na programa sa kanila.”

alltv stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(L-R) Randy Santiago, Toni Gonzaga, Ruffa Gutierrez, Willie Revillame, Mariel Rodriguez, Ciara Sotto, and Anthony Taberna

Makukumpirma na ba nila na lilipat sa ALLTV si Kabayan Noli de Castro?

“Iko-confirm ko pag nag-sign na kami ng contract. Hindi pa kami nagsa-sign, e. So, mga usap-usapan pa lang.”

Si Korina Sanchez ba, pumirma na ng kontrata sa kanila?

“Hindi pa. Hindi pa nakakapirma si Korina. May mga talks na, oo,” sabi ni Ms. Maribeth.

Kinukuha nga ba ng ALLTV sina Luis Manzano at Karla Estrada? If so, bakit hindi pa sila pinapapirma ng kontrata?

“Well alam mo, ang pag-sign ng contract, may mga lawyer review pa, di ba?” paliwanag ni Ms. Maribeth.

“So, yung mga managers nila, rerebyuhin, ipapa-review sa lawyer. Siguro, yung prosesong yun, nakaka-delay din.

“Tapos yung kontrata nila sa kabila, kailangan nilang siguraduhin para pare-pareho kaming hindi magkaproblema, di ba? Yun lang naman yun.

“Si Karla, nag-usap na kami. Si Luis naman, nakausap 'yan ni Willie. Kasi, silang dalawa ay magkaibigan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi sila ay matagal nang magkasama sa industriya, di ba? Nag-uusap na, nagtitingin na lang kami ng magagandang programa, or kung ano ang bagay kay Luis.”

Nahirapan ba sila sa pagkuha ng talents?

“Sa simula, hindi. Kasi, yung mga una naming kinuha, mga gusto sa amin, gusto namin,” pagsisiwalat ni Ms. Maribeth.

“Parang both parties, e, gusto namin kaya hindi naman mahirap. Mahirap talaga kung yung pinipilit mong mag-join, di ba?

“So sila, hindi. Willingly, gusto nilang mag-join. So kaya hindi mahirap.”

NOEL FERRER

Medyo nga naging premature somehow ang launch ng ALLTV pero style nila iyan at walang basagan ng trip, di ba?

Ang sabi ni Willie sa show niya, gusto nila, aside from itaon sa anniv nina Manny at Cynthia Villar, ay habulin ang pagbibigay ng saya ngayong Kapaskuhan.

Napanood ko ang episode ng Wowowin nitong Setyembre 14, Miyerkules, at oo, may mga technical na sabit, at meron ding sabit sa produksiyon katulad ng pagkakabunot ng koneksiyon ng pagtawag ng mga winning viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nawala ang “pagsabon” ni Willie sa staff na nakalimutang iakyat sa live airing venue ang mga premyong TV.

Sabi ni Willie, “Ayan, naiintindihan niyo kung bakit hindi ko mapigilang magalit dahil sa pag-a-advance, nangunguna kayong mga staff ko, pero kapag show na, naka-relax lang kayo diyan. Huwag namang ganyan!” sabi ni Willie.

I hope this new network, ALLTV, only gets better in time.

Related Stories:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AMBS President Maribeth Tolentino (right) on Toni Gonzaga (left): "Ang galing niyang host, ang galing niyang aktres. E, yun lang naman ang kailangan natin para rito sa produkto na ‘to. Ang produkto natin, star, e. Hindi ka naman puwedeng mag-offer sa ating viewers ng hindi magaling. So, yung mga basher, hindi namin iniinda yun."
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results