AMBS President Maribeth Tolentino, nilinaw ang papel ni Willie Revillame sa ALLTV

by PEP Troika
Sep 16, 2022
maribeth tolentino willie revillame solo pics
AMBS President Maribeth Tolentino on Willie Revillame: “Consultant namin siya. How to go about this venture, siya ang unang nag-a-advise sa amin. So, di ba, lahat ng negosyo, may consultant? So, saan ba siya magko-consult para sa negosyong ito? Sa programa, sa artista. Yun ang role sa amin ni Willie.”
PHOTO/S: ALLTV

GORGY RULA

Kino-convert ang malalaking sinehan ng Starmall EDSA sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, upang magsilbing studio ng ALLTV, ang bagong TV network na pag-aari ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ng pamilya Villar.

Read: Tatlong sinehan ng Starmall, gagawing studios ng AMBS

“E, hindi na kasi uso ang malalaking cinema. Dapat maliliit na lang. So, ginawa na lang namin siyang studio,” sabi ni AMBS President Ms. Maribeth Tolentino sa virtual mediacon nitong Setyembre 14, 2022, Miyerkules ng gabi.

By first quarter next year ay ready na ang nasabing studio.

“Hopefully by that time, open na din ang ating bansa para sa face-to-face audience, di ba?” pakli ni Ms. Maribeth.

“Ang hirap kasi ngayon, wala pang face-to-face kaya yung Wowowin ni Willie [Revillame], puro ano lang sa kanyang studio. Dun muna siya, kasi walang audience.”

Identified ang ALLTV kay Willie Revillame.

Gaano ba kalaki ang papel ni Willie sa pagkuha ng mga artista at pagbuo ng mga konsepto ng kanilang mga programa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Willie Revillame, inaming siya ang nakikipag-usap sa mga artistang lumilipat sa ALLTV

“Well, si Willie kasi, sa lahat ng nakuha naming talents… isa siya sa talents na pinakamagaling, di ba?” saad ni Ms. Maribeth.

“So, dahil partner din namin siya sa Wil Tower, magkakilala na kami noon pa.

"So, alam na alam namin na ang galing-galing ni Willie sa mga variety shows.

“Kilala niya yung mga artista. So, siya yung logical na pakinggan namin regarding dito sa programming.

“So, sino ang magaling na artista? Kasi hindi naman kami showbiz, di ba? Di namin kilala 'yang mga sino ang magaling sa artista.

“Kaya napakalaking tulong sa amin ni Willie pagdating sa bagay na yun."

Patuloy ng AMBS President, "O eto, wala, no doubt — napakagaling niya sa sektor na ito, yung kanyang show.

“Kahit naman saan siya pumunta, nagre-rate ang show niya, kaya papakinggan namin siya regarding the program.

“So, sabi ko nga, siya rin ang may kakilala sa mga stars. So, pag sinabi niya na, 'Ganito 'yan, ito si ganito…' parang nade-describe niya sa amin. At least, nakakatulong din yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talent at partner si Willie ng ALLTV — nagpapayo, nagrerekomenda, at kumukuha ng mga artista.

Ano ang posisyon ni Willie sa structure ng kanilang kumpanya? Ano ang puwesto, papel o sakop niya?

“Consultant namin siya. How to go about this venture, siya ang unang nag-a-advise sa amin,” tugon ni Ms. Maribeth.

“So, di ba, lahat ng negosyo, may consultant? So, saan ba siya magko-consult para sa negosyong ito? Sa programa, sa artista. Yun ang role sa amin ni Willie.”

JERRY OLEA

May mga pintas sa soft launch ng ALLTV noong Setyembre 13, Martes. Halata raw minadali. May naririnig na background noise.

“Lahat kami, kinakabahan kahapon, e, dahil first day naming maglo-launch, di ba?” sambit ni Ms. Maribeth.

“Even our technical. So it happens, e. Hindi natin maiiwasan yun.

"So, good thing meron kaming nare-receive na ganung feedbacks. So, mai-improve namin, technical side.

"So, kabang-kaba kaming lahat. Parang… naku, maeere kaya? Parang ganun, 'no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, lahat kami, kinakabahan. Technical, dancers, talents — lahat kami. I think natural yun sa first day mo sa business, lalo na yung makikita ka ng public, di ba? Ng buong bansa, makikita ka.

“Kabado kami lahat. So, thank you dun sa mga nag-comment na yun. At least, mai-improve namin.”

Ano ang naramdaman ng kanilang team matapos ang unang araw ng pag-broadcast ng ALLTV?

Napangiti si Ms. Maribeth, “Oh my God! Para kaming nanganak! Na lumabas yung bata, 'no?!

“Lumabas yung bata, nasa recovery room kami lahat. Parang gusto naming matulog lang.

“Kasi, after so many days, weeks, months kaming nag-uusap… 'Ano yung show? Paano natin gagawin? So, ano pa ang kulang?'

“So, nakahinga kami kagabi. Actually, kung talagang makikita mo kami kahapon, ayaw naming umalis sa harapan ng TV, e.

“Gusto naming mapanood lahat hanggang sa mag-sign off.”

Kumusta na ang nabuo nilang programming? Marami bang mapapanood na original production o bagong contents? Paano nila pupunuin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, hindi pa siya puno. Ni-launch lang namin kahapon, nag-soft launch kami, starting yung kay Toni [Gonzaga], from 5:00 p.m. hanggang 11:00 p.m.,” sabi ni Ms. Maribeth.

“Meron din kaming nabili na mga canned materials from other networks. So, puwede naming ipalabas yun. Kanina, ipinalabas na namin ng alas tres.

“Unti-unti, binubuo namin, e. Para maka-offer kami ng complete program grid, ‘no? So, we’re hoping na by the time na mag-launch kami, complete na yung program grid namin.”

NOEL FERRER

Ginagawa na nga ba ng pool of writers ang script para sa isang season ng isang ALLTV drama series na ididirek ng isang multi-awarded director?

“Actually, maraming nagpi-pitch. Marami na silang nagpi-pitch para sa teleserye. Kasi, by next year, baka makasimula na kami ng teleserye,” pag-amin ni Ms. Maribeth.

“Pero wala pa yung confirmed na talagang na-award na kay group na ganito, o sa isa. Marami, gustung-gusto nilang mag-pitch sa amin para sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero wala pa kaming napipili na talagang yun ang aming kukuhanin.”

Magpo-produce din ba sila ng pelikula eventually? Magtatayo ng talent agency para may sariling stars na pasisikatin?

“Hindi malayong mangyari 'yan basta nandito ka na sa negosyong ito, e. Lahat ng dapat gawin para makapag-provide tayo ng magandang teleserye, movie,” sambit ni Ms. Maribeth.

“So, magkakaroon din tayo ng talent center para eventually meron kang fresh talents, and sarili mo na anytime pag kailangan mo, magagamit mo.

“So, eventually, lahat ng pumapasok sa negosyong ito, iko-complete 'yan. Gagawin din namin 'yan.”

Sa huli’t huli, gusto nating magtagumpay ang mga networks — old and new para makatulong na mag-create ng maraming trabaho at mas maraming choices ang mga manonood na Filipino.

Sana lang, collab o healthy competition ang mangyari. Wala nang siraan at tsugian ng shows.

Sana, wala nang ipitan ng artista. Sana, lahat merong pagkakataong makatrabaho ang mga gustong katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More on collab talaga imbes na kumpetisyon! Iyan ang tawag ng media sa bagong panahon!

Related Stories:

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AMBS President Maribeth Tolentino on Willie Revillame: “Consultant namin siya. How to go about this venture, siya ang unang nag-a-advise sa amin. So, di ba, lahat ng negosyo, may consultant? So, saan ba siya magko-consult para sa negosyong ito? Sa programa, sa artista. Yun ang role sa amin ni Willie.”
PHOTO/S: ALLTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results