PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tuesday Vargas gets apology from love team's road manager

Tuesday Vargas, may paalala sa mga tagasuporta ng love team.
by PEP Troika
Published Dec 5, 2022
tuesday vargas fall
Tuesday Vargas to fans of love team who snubbed her in an event: "If mahal nyo ang mga idol nyo, kung sila man yun kasi di naman sila pinangalanan sa mga post, ay wag nyong i feed ang ego at i tolerate ang mga ugali na pwedeng itama. Para sa kanila yun at sa ikaka galing nila. Sabihin nyo na lahat about me, pero never discount what happened."
PHOTO/S: @tuesday_v on Instagram

JERRY OLEA

Nag-tweet si Tuesday Vargas ngayong Disyembre 5, 2022, Lunes ng 11:39 a.m., kaugnay sa isyu ng mga baguhang artista na nang-isnab sa kanya sa isang corporate event.

Read: Tuesday Vargas snubbed by newbies: "...hinarangan ako kala magpapa-picture ako."

Sunud-sunod na tweet ni Tuesday: “Ok so now ako mag po post kasi kahapon nagpapahinga lang ako at may sakit ako dahil dire diretso din ang trabaho. Ang RM ng mga bagets ay tumawag sa akin para umamin at mag sorry ng kamalian nila.

“Una ay dine deny pa na merong isnaban na naganap, then when I relayed what happened … she said ‘ay opo pasensya na po kayo kasi nagmamadali po talaga kami.’

“Guys we are all missing the point here. I am not petty and its really ok if hindi nila ako nakita at hindi reciprocated ang pag bati. Madaming iba pang naganap that day at hindi ko na iisa isahin pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero I have been through a lot as well in my 20 years in showbiz kaya ako nagpapangaral sa mga bata. Ako mismo received a lot of criticism on my behavior in the past and when people keep me in check, it is an opportunity to become better. Focus tayo sa bagay na makaka buti.”

Usap-usapan sa social media ang magka-love team na nagmamadali kaya isiningit sa program flow.

Sandamukal ang nagtatanggol sa mga baguhang artista, at nang-ookray kay Tuesday dahil sa kanyang ibinunyag.

Tweet pa ni Tuesday para sa fans ng nasabing newbies: “If mahal nyo ang mga idol nyo, kung sila man yun kasi di naman sila pinangalanan sa mga post, ay wag nyong i feed ang ego at i tolerate ang mga ugali na pwedeng itama. Para sa kanila yun at sa ikaka galing nila. Sabihin nyo na lahat about me, pero never discount what happened.

“Huwag na kayong mag away away at mag butangan sa soc med kung sino ang tama at mali at wala naman kayo doon nung nangyari yun. Ang mahalaga we are shedding light on this issue. Kami lahat di kami perpektong mga tao at bilang Ate nila ay nagsalita ako upang maayos na sa susunod…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung maninira kayo saka mag aastang super galing, OK blocked na yan agad. Pero if you want to engage in an adult conversation na makaka arrive tayo sa maayos na resolve, I will engage. Kakausapin ko kayo nang maayos kung maayos din kayong kausap,” sabi pa ni Tuesday, na nagwaging best supporting actress sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino para sa pelikulang Last Song Syndrome (LSS).

Nagre-reply si Tuesday sa ilang comments sa kanyang tweets.

Halimbawa, may nagsabing may mas mabuting paraan para maresolba ang pag-a-“attitude” ng mga baguhang artista kesa sa idaan sa social media.

Pagmamatuwid ni Tuesday, “Thank you for schooling me on the correct approach on posting on MY wall. The larger your presence, the more likely you are exposing yourself to feedback – both positive and negative. You run the risk of being exposed to one of social media’s dark sides: the personal attack.”

Sa nagsabing good peeps ang pinag-uusapang mga baguhang artista, ang tugon ni Tuesday: “Im glad you had great experiences with them and I am also disappointed by how things transpired that day. Don’t worry, kapag nakapag usap kami mismo ipo post ko yan dito so may resolution tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Stories:

GORGY RULA

Tanggapin na natin na iba na talaga ang mga kabataang artista ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwing may nakakapanayam kaming veteran stars, napag-uusapan ang pakikitungo nila sa entertainment press. Ibang-iba sa karamihang mga artista sa ngayon.

Hindi na nila kailangan ang entertainment reporters para sa kanilang career. Kaya na nilang i-promote ang kanilang projects at ipagtanggol ang sarili sa kanilang social media accounts.

Andiyan ang mga hukbo ng kanilang fans na kinukuyog sa social media ang sa tingin nila ay naninira sa kanila. Hindi kagaya ng mga dating artista na maayos pa rin ang pakikitungo sa ating mga taga-press at co-actors. Marurunong makisama sa mga taga-industriya, ika nga.

Pero sana, turuan ang mga kabataang artista ng kanilang management team kung paano makitungo sa mga nakakatrabaho.

NOEL FERRER

OK sa akin na turuan ang mga batang artista ng magandang asal pati na ang pagkilala at paggalang sa matatanda. Basic principle iyan sa pakikipagkapwa.

Pero ang tanong ko: kailangan bang idaan sa social media at sa publiko ang pagtuturong ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuesday Vargas to fans of love team who snubbed her in an event: "If mahal nyo ang mga idol nyo, kung sila man yun kasi di naman sila pinangalanan sa mga post, ay wag nyong i feed ang ego at i tolerate ang mga ugali na pwedeng itama. Para sa kanila yun at sa ikaka galing nila. Sabihin nyo na lahat about me, pero never discount what happened."
PHOTO/S: @tuesday_v on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results