JERRY OLEA
Sa Part 2 ng interbyu ni Boy Abunda kay Liza/Hope Soberano sa Fast Talk With Boy Abunda noong Marso 13, 2023, Lunes, sa GMA-7, inamin ni Liza/Hope na may tampo siya sa dati niyang nanager na si Ogie Diaz.
Labing-isang taong naging alaga ni Ogie si Liza/Hope, at katuwang katuwang ni Ogie sa pagpapasikat kay Liza/Hope ang ABS-CBN Star Magic.
Ang tiyahin ni Liza/Hope ang kanyang road manager, na nakatutok sa kanya araw-araw.
Sa panayam ni Kuya Boy, inihayag ni Liza/Hope ang mga saloobin niya sa kanyang journey upang marating ang kinalalagyan niya, ngayong nasa ilalim na siya ng Careless management ni James Reid.
Read: Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."
Nag-post naman si Ogie ng suggestions sa talent managers ngayong Marso 14, Martes, sa Facebook.
Mungkahi ng kaibigang Ogie, “Bago tumanggap o tanggapin ang napupusuang talent, dapat, ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata.
“Kasi nga, ang mga teenagers ngayon, as in bata pa lang, meron nang mga mental health issues. Para din alam ng talent manager kung paano ia-address properly at iha-handle ang behaviour or attitude problem ng talent.
“Tapos, isama na sa kontrata yung kada project na gagawin, kailangan, papirmahin ang bata at magulang (kung minor pa ang kanilang anak) na tinanggap nila nang buong puso at excited silang gawin ito.
“Na alam nilang makakatulong ang project na yon sa ikauunlad ng kanyang career na hindi nila alam kung paano patakbuhin, kaya kinuha ang expertise mo bilang manager.
“Tapos, ilagay na din sa kontrata na ‘in the absence of the manager, the road manager will be there for the talent. And if the talent doesn’t want the presence of his road manager, his own personal assistant shall be present from start to finish for the scheduled work or commitment.’
“Tapos lahat ng moves or desisyon ng bawat isa ay kailangan, hindi surprise para hindi nagkakabiglaan.
“Ipagpapaalam ng talent ang lahat ng moves niya na pwedeng makaapekto sa kanyang career para hindi nangyayari na mag-damage control ang manager sa kagagahan at kagaguhang ginawa ng talent.
“Kaya ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager, pero hindi alam ng mga nagmamarunong kung gaano kahirap maging manager.
“Para kang nag-iri ng sanggol, hanggang paglaki niyan, sa ‘yo yan aasa.
“Ikaw ang takbuhan niyan pag me problema silang personal kahit di na sakop ng trabaho mo yon bilang manager.
“Eto, sinabi ko din ito sa vlog ni Aiko Melendez — ang role ng manager ay tagaharang ng balang tatama sa talent.
“And worse — kasama na sa trabaho ng manager ang maging demonyo, manatili lang anghel sa mata ng publiko ang kanilang talent.
“Anyway, mas dumami po ang gustong magpa-manage sa akin ngayon. Hahaha!
“Ewan ko kumbakit, pero maraming salamat sa confidence nyo sa akin. Pero mellow muna po ako, dahil busy po sa ibang bagay na less sakit ng ulo…”
GORGY RULA
Sa isyu ng kumisyon, pinag-usapan na ito ni Ogie Diaz at ng mga kasamahan niya sa kanilang vlog na Showbiz Updates by Ogie Diaz.
Read: Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"
Ipinaliwanag niya yung sinabing dalawang taon siyang hindi na tumatanggap ng kumisyon mula kay Liza.
Ang sabi ni Ogie, “Ang totoo ay nakakakolekta pa rin tayo kahit tapos na yung kontrata. Kasi, kumbaga, nag-overlap yung expiration date ng aming kontrata dun sa amin a month or two before the contract expired ay nandun pa yung aking pirma.
“So, kumokolekta pa rin naman. Pero hindi na yung maraming project ipu-push ko kay Liza. Hindi, kasi sinabi naman ni Liza na siya ay magpapaalam na, e.
“So, yung mga inquiry pa sa akin ay ibinabato ko naman dun sa bagong management niya. Kung saan, meron kaming group chat.
“So, kung may dumarating sa akin na isang brand na endorsement ni Liza, ibinabato na ng RM namin doon sa kanila at sila na ang magtuos.
“Pero yung mga existing na bago mag-expire nakapirma ako, iyon yung tinatrabaho namin kay Liza kahit expired na. Pero sa ngayon, wala na.”
Sa totoo lang, hindi na dapat pinag-uusapan ang pera sa publiko.
Wala namang ganitong isyu noon sa mga hina-handle na talents nina Manay Lolit Solis at ang namayapang manager na si Tito Douglas Quijano. Ang lalaki pa rin ng mga artista nila hanggang ngayon, na tinitingala sa industriya.
Hindi ko lang maintindihan kung paano ang pamamalakad ng Careless na management team ni James Reid.
Nung umalis si James sa Viva pagkatapos na-expire ang kontrata niya, nag-put up ng sariling kumpanya, ang record label at management company na Careless.
Read: James Reid releases statement about leaving Viva Films after seven years
Sumunod sa kanya ang dating girlfriend na si Nadine Lustre at ipinamahala ang kanyang recording career. Umabot lang sa demandahan sa Viva.
Read: Viva Artists Agency files lawsuit vs Nadine Lustre for violating her contract
Pero ang ending, bumalik din si Nadine sa kanyang mother studio at bumongga muli ang career at naging box-office queen nung nakaraang Metro Manila Film Festival.
Read: Nadine Lustre gagawa ulit ng pelikula para sa Viva pagkatapos ng kanilang legal battle
Masasabing tama ang ginawa ni Nadine na bumalik sa Viva na siyang nagpalaki sa kanya.
Ngayon ay si Liza na ang hinawakan ng kumpanya ni James, pero bakit naging negatibo ang dating?
Na-handle kaya nila nang mabuti ang gusto nilang rebranding sa aktres?
May carelessness lang ba sa pag-handle ng gustong tatahaking career ni Liza?
NOEL FERRER
Bilang manager, naiintindihan ko ang concerns si Ogie.
Nauna ko nang ipinost ang tungkol sa tapang ni Liza sa pagre-rebrand. But we didn’t expect it to be this messy dahil parang ang dami nang salitang napakawalan.
Kung malinaw at suwabe ang komunikasyon, wala sanang ganitong miscommunication.
I felt there is still concern and goodwill sa dalawang panig. Hindi sila maaapektuhan ng ganito kung wala na silang pagmamahal sa isa’t isa.
Sana, dumating na lang ang panahong maghilom ang kanilang mga tampo at magkaayusan muli. Iyon na lang sana.
JERRY OLEA
Maraming showbiz netizens ang nag-comment sa FB post na iyon ni Ogie.
“Tama Sir Ogie dito,” sey ng talent nanager ding si Tyronne James Escalante.
Isang red heart emoji ang comment ng talent manager na si Mario Colmenares.
Sabi ni Red Sternberg, “So babalik na ako sa showbiz at ikaw manager ko ha!”
Second the motion ni Kerbie Zamora, “Mag apply po sana akong talent mama Ogie Diaz. pramis di sasakit ulo nyo po?”
Hirit ni Jennifer Geroche, “The Best manager!”
Sey ni RS Francisco, “Agree, my dear.”
Hanash ni Marissa Sanchez, “Mare iba ang naging kaso natin….umalis ako sayo sa kadahilanang twing ilalako moko, imbes na ako ang kunin nila, ang ending ikaw ang kinukuha. Dahil ikaw daw ang kailangan nila sa role!
“Ang siste, mas marami pang booking ang mgr ko kesa sakin? Naging karibal pa kita sa mga line up ng trbho. Lol!
“Pero we ended up as frnds right? Nag aaply ako sayo… sabi ko ako na lng manager mo, ayaw mo nman! kya kung nagkaron man ako ng galit sayo nun, it was professional jealousy.
“San ka nakakita? Mas in demand pa yung manager kesa sa alaga?! Ikaw ba yan tito Boy A.?”
