PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, inalok ng mga Jalosjos na lumabas sa 'Eat Bulaga!'?

'E.A.T.' na-maintain ang pagiging No. 1 noontime show.
by PEP Troika
Published Jul 4, 2023
willie revillame hosting
Ayaw sagutin ng mga taga-'Eat Bulaga!' ang lumabas na kuwentong inimbita raw ng mga Jalosjos si Willie Revillame na mag-guest sa Kapuso noontime show nung July 1, pero tumanggi raw ito bilang respeto sa TVJ.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Bahagyang bumaba ang rating ng E.A.T., ang bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at legit Dabarkads nung Lunes, July 3, 2023.

Read: TV ratings: TVJ prove they are still the kings of noontime shows

Mula sa 8.4% rating nito noong Sabado, July 1, ay naka-6.3% ito kahapon, base sa Nielsen Philippines Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM).

Pero ito pa rin ang pinakamataas ang rating sa tatlong noontime shows.

Umakyat naman sa ikalawang puwesto ang Eat Bulaga! ng GMA-7. Mula sa 2.6% noong Sabado ay naka-3.3% ito ngayong Lunes.

Ang aggregated rating naman ng It's Showtime mula sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel ay 3%, na mas mababa sa nakuha nitong 4% noong Sabado.

Wala namang available data tungkol sa online views ng tatlong noontime shows.

Ayon sa Eat Bulaga! co-host na si Paolo Contis, expected na nilang tataasan sila ng programa nina Tito, Vic & Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Eat Bulaga! congratulates TVJ on its new noontime show, welcomes It's Showtime to its new home

"Expected naman namin yung ratings because of the hype. Pero naniniwala kami na magbabago pa yan sa mga dadating na araw o buwan.

"Kailangan lang namin talaga mas pagbutihin pa yung show. Buo naman ang support sa amin ng TAPE, ng buong team para mapaganda pa yung show," text ni Paolo sa PEP Troika.

Samantala, ayaw nang sagutin ng mga taga-Eat Bulaga! ang lumabas na kuwentong inimbita raw ng mga Jalosjos, may-ari ng TAPE, si Willie Revillame na mag-guest sa Eat Bulaga! nung July 1, pero tumanggi raw ito bilang respeto sa TVJ.

Read: Willie Revillame hits back at celebrity critics: "Binigyan ko kayo ng tulong dati... tinitira niyo pa ako!"

Iba naman ang nasagap naming kuwento: si Willie umano ang nag-alok sa Eat Bulaga! na bigyan ng isang oras ang Wowowin sa noontime show na umeere sa GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi rin daw ni Willie na inalok umano siya ng TV5 na mag-guest sa programa ng TVJ, pero tumanggi rin daw siya.

Hindi na natin alam kung ano talaga ang totoo. Ayaw na lang daw magsalita ng magkapatid na Jalosjos dahil dapat ay closed-door meeting iyun. Kaya ayaw na lang nilang ibahagi kung ano talaga ang napag-usapan.

Read: Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out

NOEL FERRER

Ang responsibilidad ng bawat grupo ay panatilihin ang interes ng mga tao sa kanilang content, at marahil ang magwo-work sa E.A.T. ay ang kanilang mala-"Bulagaan" sa "Tindahan/Bar Ni Aling TapsiLogan" (Ryzza Mae).

Nakakaaliw rin ang mga segment na "Vortas 5" at "Babala, Huwag Kayong Ganun."

Lubos na kumakain ng oras ng It’s Showtime ang "Tawag Ng Tanghalan."

At sa revamped Eat Bulaga! naman ay ang patuloy na pagbibigay ng pera.

Hindi dapat papatay-patay. Alisto ang pagkilos at pagpapaganda ng mga segment para lalong kapitan ng manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, we would really see improvements by the day, dahil consistency is key talaga!

At dahil napaka-volatile at aligaga ang nangyayari sa TV ngayon, baka magulat na lang tayo na isa sa mga araw na ito ay nasa TV5 na ulit si Willie Revillame occupying the timeslot na hindi tinanggap ng It’s Showtime sa nasabing Kapatid network.

Malay mo naman?!

JERRY OLEA

Ispageting pababa, pababa nang pababa… Ispageting pataas, pataas nang pataas…

Subaybayan natin ang ratings ng E.A.T., Eat Bulaga!, at It’s Showtime.

Ngayong Hulyo, andami pang kaganapan ang maglalaro sa ating diwa.

Bago matapos ang linggo ay baka ihayag na ang first four official entries ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) base sa screenplay.

More and more ang mga programa at payanig ng GMA-7, kaya andaming usapin ang madadalirot.

Sa Hulyo 15 ay pilot na ng Battle of the Judges, kung saan host si Alden Richards, at hurado sina Jose Manalo, Bea Alonzo, Boy Abunda, at Atty. Annette Gozon-Valdes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapuso pa rin si Jose kahit nasa Kapatid Network na ang E.A.T. — kagaya ni Bossing Vic Sotto na meron pa ring Open 24/7 sa GMA-7.

Ligwak na ba si Alden bilang isa sa Legit Dabarkads? Pag-uusapan kaya iyon kung magpe-presscon na ang Battle of the Judges?

Sa Hulyo 16 ang ikawalong anibersaryo ng "Kalyeserye" ng AlDub.

Sa Hulyo 22 ang GMA Gala, at isa sa frontliners doon si Alden Richards. Imbitado kaya roon ang hosts ng Eat Bulaga! at It’s Showtime? If ever, puwede bang magpalitrato silang magkakasama?

Sa Hulyo 24 ang SONA ni BBM. Magkasama kaya rito sina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde, na makalipas ang ilang araw ay ikakasal na sa Baguio City? Siyempre pa, inaasahan nating dadalo roon ang TVJ at Legit Dabarkads.

Andiyan din ang kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Si Willie Revillame, magpapasiklab muli sa TV…sa tamang panahon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw sagutin ng mga taga-'Eat Bulaga!' ang lumabas na kuwentong inimbita raw ng mga Jalosjos si Willie Revillame na mag-guest sa Kapuso noontime show nung July 1, pero tumanggi raw ito bilang respeto sa TVJ.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results