GORGY RULA
Nagsimula nang mag-shoot ang buong team ng Mavx Productions sa Tasmania, na isang island state ng Australia.
Wala pa silang napagkasunduan na title sa film project na ito na pinagbibidahan nina Paolo Contis, Patrick Garcia, at Kaye Abad.
Read: Tabing Ilog stars Patrick Garcia, Kaye Abad, Paolo Contis reunion project, tuloy na
Nung Biyernes, July 14, 2023, ay nasa Melbourne na sila at lumipad pa-Tasmania.
Ipinost ni Paolo Contis na sinalubong pa sila ng mayor doon sa Penguin Island na bahagi ng Tasmania.
"Yorme" ang tawag niya sa mayor na sumalubong sa kanila.
Obvious na nami-miss ni Paolo ang mga kasamahan sa Eat Bulaga!, at papanoorin raw niya sa Facebook ang mga co-hosts na sina Isko "Yorme" Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Alexa Miro.
Read: Here's a full guide to the new hosts of revamped Eat Bulaga!
Samantala, sobrang lamig daw sa Penguin Island, kung saan marami silang eksenang kukunan doon.

Nag-post uli si Paolo sa kanyang social media account na picture na kasama niya si Jimmy Santos, na gumaganap bilang tatay ni Kaye sa pelikula.
Read: Former Dabarkads Jimmy Santos ventures into Canada's recycling business
Sabi ni Paolo sa caption nito, “Na miss kita Tito Jimmy! (heart emoji) since Oki Doki Doc, Oh Ha Ako pa, Eat All You Can! I always love working with you!! Abangan...!!!"
Nag-text ako kay Paolo na subukan niyang imbitahin si Jimmy na mag-guest sa Eat Bulaga!.
Tinanong ko kung pinag-usapan ba nila ang isyu ng Eat Bulaga!.
"Hahaha! Walang usapang EB! (laugh emoji)," ang sagot niya sa akin.
Parang nahihiya raw siyang pag-usapan nila ni Jimmy ang tungkol sa Eat Bulaga!, kung saan ilang taon ding naging Dabarkads doon ang komedyante.
Eleven days na magsu-shoot si Paolo sa Tasmania, at hindi raw niya alam kung kakayaning mag-remote siya roon para sa Eat Bulaga!.
Bukod pa riyan, marami silang mga mabibigat na eksenang kailangang kunan, kaya baka makaabala pa sa shooting kung pipiitin niyang mag-Eat Bulaga! kahit sandali lang.
Nakapag-tape siya ng isang episode, pero ipina-review muna ito sa MTRCB bago i-ere.
NOEL FERRER
Exciting itong project na ito na pinagbibidahan ng mga dating cast ng Tabing Ilog na sina Kaye Abad, Patrick Garcia, at Paolo Contis.
This is Patrick Garcia’s comeback project of sorts kasi hindi talaga siya lumabas sa kung saan noong panahon ng pandemic, and he concentrated on his family life, at naging licensed financial adviser din!
With this project na may working title pa lang na Roadtrip (hindi pa final title), sana unti-unti talaga nilang mabuo muli ang kanilang Tabing Ilog barkada na, aminin natin, has become the trademark of excellence during their generation.
Sana talaga, maganda ang kalabasan nito, dahil if it’s from MAVX, it must be mahal. Kasi, dinadala ka sa mga places na gusto mong puntahan, at may feel-good moments na may matinding kurot sa puso.
Aabangan natin itong project na ito!
Read:
- Paolo Contis posts photo with John Lloyd during Tabing Ilog days
- Jodi Sta. Maria takes sentimental journey to Tabing Ilog location
JERRY OLEA
Naulinigan natin na hindi keri ng sched ni Jodi Sta. Maria na mag-guest sa movie na ito, pero may ibang taga-Tabing Ilog na makakapunta roon. Abangan natin iyan.
Ngayong Hulyo 16, Linggo, ang ikawalong anibersaryo ng AlDub kalyeserye. Kaybilis ng panahon!
Nasa E.A.T. na rin si MJ Lastimosa na kasama sa "Sugod Bahay" segment.
Isa si MJ sa kinausap ng TAPE, Inc. na mag-host sa revamped na Eat Bulaga!, at um-oo na siya.
Pero, last minute, ay nagbago ang isip ni MJ at hindi na siya tumuloy. Mas pinili pa rin niyang maging Legit Dabarkads nina Tito, Vic, and Joey.
Kapuso pa rin si Vic Sotto na may Open 24/7 bilang kapalit ng Daddy’s Gurl sa GMA-7.
Pero kasama si Bossing Vic nina Tito Sotto at Joey de Leon na nag-file ng copyright infringement at unfair competition complaints sa TAPE at GMA-7.
Imbitado kaya si Vic sa GMA Thanksgiving Gala sa Hulyo 22, Sabado?
At kung imbitado siya, dadalo ba siya?
What about Jose Manalo, na isa sa apat na hurado ng Battle of the Judges na nag-pilot kagabi sa GMA-7?
Waley si Jose sa mediacon noong July 9, Sunday, dahil nasa Amerika siya.
Sa GMA Thanksgiving Gala sa Saturday, rarampa kaya si Jose with fellow judges Boy Abunda, Bea Alonzo, and Annette Gozon-Valdes?
Si Paolo Contis ay hindi makaka-attend sa GMA Thanksgiving Gala dahil may shooting pa siya sa Tasmania by that time.
Abang-abang tayo kung eeksena ang It’s Showtime! family at hosts ng revamped Eat Bulaga! sa star-studded event ng GMA-7?
