JERRY OLEA
Nag-live in ang dalawang mahusay na young actors na magkaedad, at nakapagbida na sa kani-kanyang proyekto.
Ang morenong actor ay straight. Ang mestizo actor ay mahinhin.
Ewan kung nagkasawaan sila o natakot mabunyag ang kanilang secret romance, pero minabuti nilang maghiwalay ng tirahan.
Nanatili naman silang magkaibigan.
Kamakailan ay nagtungo sa isang bansa sa Asya si mestizo actor.
Kasama sa entourage nila ang isang versatile singer-actor na malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad.
Isang gabing nagkainuman sa bar sina mestizo actor at versatile singer-actor ay mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Nasakyan agad nila ang gusto at trip ng isa’t isa.
Si mestizo actor na ang projection ay mahinhin, lumaya ang pinipigil na kalandian.
Na-video ang harutan nila ng versatile singer-actor sa bar, at humantong sila kapagkuwan sa iisang silid upang pahulagpusin ang init ng kanilang katawang lupa.
Kay tamis ng kanilang ngiti nang pauwi na sila sa lupang hinirang. Nakatisod sila ng bagong giliw sa isa’t isa.
Read:
Magaling na Aktor, tatanggalin sa teleserye dahil balik na naman sa bisyo?
Aktor, na-trauma sa popular personality na tanong nang tanong kung bakla siya
Maimpluwensiyang Personality at Fashion Personality, nagtalakan at nag-iskandalo sa birthday party
NOEL FERRER
Love wins, ika nga!!!
At least, napalaya nila ang kanilang naghuhulagpos na damdamin, na dito sa Pilipinas ay hindi nila maisakatuparan.
Premyadong young actor at masigasig na mang-aawit itong mga lalaki sa dilim na ito, ha!!!
At least this time, walang gurlaloo na maghihinagpis at magsisiwalat ng kanilang lihim.
Read:
Influential person, hiwalay na sa singer-actress; dinidiskartehan ulit ang sexy star?
Aktor, ayaw nang makatrabaho ang male co-star na walang respeto
Dalawang aktres, nagkalamat ang pagkakaibigan dahil sa selos
GORGY RULA
Yun na nga ang mundong ginagalawan ng mga magagaling na aktor na ito.
Napasama na rin sa kanila ang isa pang magaling na aktor na nanalo rin ng award kagaya ng isa sa aktor na nakipaglandian.
Inamin nitong award-winning actor na sinubukan niya, pero hindi raw siya masaya. May kulang!
Kaya balik siya sa tunay na girl, at nakikita naming masaya siya ngayon sa kanyang non-showbiz girlfriend. Hindi lang natin sure kung hindi na niya babalikan ang dating lifestyle.
Tiyak na tataas ang kilay ng ilang kabadingan, dahil naniniwala silang kapag may bahid ka ng kaberdehan, berde ka na talaga!
Pero iba naman sa alter world. Kaya baka sa girl pa rin talaga ang ending nila. Mabuti na ring nasubukan nila yun para hindi na nila hahanapin pa.
