GORGY RULA
Wagi sa ratings ang guesting nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa Eat Bulaga! noong Biyernes, November 10, 2023, para sa promo ng Metro Manila Film Festival 2023 entry nilang When I Met You In Tokyo.
Naglaro ng "Word of the Rings" sina Ate Vi at Boyet na sobra nilang in-enjoy.
Naka-4.1% ang Eat Bulaga!, at naka-3.8% ang E.A.T. sa TV5. Ang It's Showtime naman ay 3.2%.
Noong Biyernes ang finale ng Magandang Dilag at naka-12% ito. Ang katapat na Nag-aapoy na Damdamin ay 1.6%.
Pero hindi nagpatalo ang Abot-Kamay na Pangarap, kung saan ikinasal sa episode na yun sina Carlos (Allen Dizon) at Lyneth (Carmina Villaroel). Nakapagtala ng 12.7% ang naturang serye, at ang Pira-Pirasong Paraiso ay 2.1%.
Mukhang mataas ang viewership ng araw na yun dahil na-maintain din ang rating ng The Missing Husband na 7%. Sumunod ang Fast Talk with Boy Abunda na 4.7%. Ang Deadly Affair ay 2.7%, at ang Family Feud ay 10.4%.
Watch: Watch: 'E.A.T.' goes head to head with 'Eat Bulaga!,' 'It's Showtime'; who delivered the best episode?
Read: 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows
NOEL FERRER
Noong Sabado, November 11 ,ay nakabawi uli ang E.A.T. dahil inabangan siguro ang pagpunta sa studio ng karakter na binuo nila sa Gimme 5 na si Ellen. Naka-4.4% ito.
Ang Eat Bulaga! ay 3.8%, at ang It's Showtime na itinampok ang finals ng "Magpasikat" ay 3.6%.
Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 11.6%, at ang Pira-Pirasong Paraiso ay 2.2%.
Sumunod ang Tadhana na 9%. Ang Wish Ko Lang ay 7.2%, at ang Pinoy Crime ay 7%.
Pagdating ng prime time, 9.4% ang 24 Oras Weekend, 1.5% ang TV Patrol, at 1.9% ang Frontline sa TV5.
Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na 9.9%, at ang katapat na Rated Korina ay 4.1%.
Medyo tumaas naman ang Pepito Manaloto na naka-11.5%, at ang Everybody Sing ay 6.1%.
Watch: PEP TEAM ON MTRCB-IT'S SHOWTIME-E.A.T. ISSUE
Read: First day of 'E.A.T.' on TV5: a warm mix of old and new tricks, laughs, tears, and hugs
JERRY OLEA:
Hulyo 1 nag-umpisa ang Battle of Noontime Shows: TVJ at Legit Dabarkads sa E.A.T. ng TV5, revamped Eat Bulaga! sa GMA-7, at It’s Showtime.
Madalas na wagi ang programa nina Tito, Vic & Joey. Pangalawa ang Eat Bulaga!, at pangatlo ang It’s Showtime.
Ilang beses nang nagtabla ang It’s Showtime at Eat Bulaga!, at ilang beses ding pumangatlo ang It’s Showtime, at nanguna ang Eat Bulaga!
Hulyo 19, Miyerkules. nang unang nakaungos ang Eat Bulaga! with 4.1%, kung kailan ang E.A.T. ay naka-3.7%, at ang It's Showtime ay naka-3.1%.
Nasa ibang bansa noon si Paolo Contis at nagsu-shooting ng movie with Patrick Garcia and Kaye Abad for Mavx Productions.
Agosto 29, Martes, ay nakaungos muli ang Eat Bulaga! with 4.2%. Ang E.A.T. ay naka-4.1%, at ang It's Showtime naman ay 2.9%.
Oktubre 30, Lunes, ang pangatlong pagkakataon na wagi ang Eat Bulaga! with 4.4%, kontra sa E.A.T. na 3.8%. Ang It’s Showtime ay 2.4%.
Noong Nobyembre 7, Martes, for the first time ay tabla ang Eat Bulaga at E.A.T. na parehong naka-4.1%. Ang It’s Showtime ay 3.1%.
At nitong Nobyembre 10, Biyernes, ang fourth time na pinataob ng Eat Bulaga! with 4.1% ang E.A.T. na naka-3.8%. Ang It's Showtime ay 3.2%.
Watch: What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?
Read: 'It's Showtime' hosts mingle with 'Eat Bulaga!' hosts, executives at GMA Gala 2023
Itong Battle of Noontime Shows ang pakiwari ko’y Showbiz Newsmaker of the Year.
Marso 1 nang i-blind item ng PEP Troika ang napipintong malaking pagbabago sa isang sikat na noontime show, at tukoy na tukoy na ang Eat Bulaga! iyon.
Samantala, sa pagwawakas ng Magandang Dilag, tingnan natin kung mapapantayan ang beautiful ratings nito ng kapalit na teledrama, ang Stolen Life starring Carla Abellana, Gabby Concepcion, and Beauty Gonzalez.
