PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerald Napoles's Instant Daddy, number 1 sa top movies ng Netflix

Consistent namang nasa top TV shows ang Can't buy Me Love.
by PEP Troika
Published Jan 27, 2024
Instant Daddy stars Jerald Napoles and Althea Ruedas
Ang Instant Daddy nina Jerald Napoles at Althea Ruedas na nagsimulang ipalabas sa Netflix noong January 24, 2023, ay number one na ngayon sa top movies ng streaming app.
PHOTO/S: Netflix

JERRY OLEA

Nag-debut sa number 2 ang pelikulang Instant Daddy sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.

Kapagkuwan ay pumuwesto na sa top spot ang nasabing pelikula na pinagbidahan nina Jerald Napoles at Althea Ruedas, sa direksiyon ni Crisanto Aquino.

Kasama rin sa cast ng Instant Daddy sina Ryza Cenon, Danita Paner, Jao Mapa, at Nikko Natividad.

Ipinalabas ito sa local cinemas noong Oktubre 11, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang logline ng pelikula, “A taxi driver raises a baby left behind in his cab as his own daughter. But his life takes a sharp turn when the birth mother resurfaces.”

Matatandaang gumanap si Althea bilang daughter ni Baron Geisler sa Netflix film na Doll House (2022). Gumanap din si Althea bilang batang Kathryn Bernardo sa A Very Good Girl (2023).

Read: 12 things to know about Doll House child actress Althea Ruedas

Ang Wish You Were The One nina Bela Padilla at JC Santos ay nasa talaan pa rin ng Top 10 most watched films ng Netflix PH. Anim na araw itong number 1.

Read: Drama stars Bela Padilla at JC Santos, pinatunayang kaya ring magpatawa

Ilang araw naman kayang mananatili sa unang puwesto ang Instant Daddy?

Maliban sa Instant Daddy at Wish You Were The One, ang isa pang pelikulang Pinoy na pumuwesto sa number 1 this January 2024 sa Netflix PH ay ang A Very Good Girl.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kathryn Bernardo and Dolly De Leon's striking lines in A Very Good Girl movie

Next month ay limang pelikulang Pinoy na ang nakatakdang mag-streaming sa Netflix. Naka-schedule sa Pebrero 8 ang streaming ng 1st Summer Metro Manila Film Festival entry na Apag, kung saan tinanghal na best actress si Gladys Reyes.

Tampok din dito sina Coco Martin, Lito Lapid, Jaclyn Jose, Gina Pareño, at Mercedes Cabral.

Magpapasiklab sa Pebrero 9 ang Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Magpapakilig sa Valentine’s Day, na Ash Wednesday rin, ang English Only Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay. Entry ito sa MMFF 2014, at wagi rito sina Jennylyn at Derek bilang best actress at best actor, respectively.

Magpapakitang-gilas sa Pebrero 15 ang Cinemalaya 2023 films na As If It’s True at Iti Mapukpukaw.

Bida sa As If It’s True ang Kapuso stars na sina Khalil Ramos at Ashley Ortega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang animated film na Iti Mapukpukaw ang best film ng Cinemalaya 2023, at aspiring entry ng bansa sa 96th Academy Awards o Oscars.

Tampok sa Iti Mapukpukaw sina Carlo Aquino, Gio Gahol, at Dolly de Leon.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix — Instant Daddy, Those Who Wish Me Dead, Wish You Were The One, Lift, 60 Minutes, Final Destination 5, The Equalizer 3, Batman v Superman: Dawn of Justice, The Wolf and the Lion, at Elvis.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix — My Demon, Solo Leveling, Captivating The King, Welcome to Samdal-ri, The Bequeathed, Griselda, American Nightmare, Can’t Buy Me Love, Gyeongseong Creature, at Bitch and Rich.

Gorgy Rula

Ang pelikulang Instant Daddy ng Viva ay hango sa Mexican film na Instructions Not Included.

Unang inialok iyon kay Paolo Contis, na hindi ko na alam kung bakit hindi natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagampanan naman iyon nang maayos ni Jerald Napoles, at magaling ang bagets na si Althea Ruedas.

Marami ang nakapanood nito sa sinehan dahil kasama ito sa mga pelikulang ipinalabas ng SM Cinema noong nagkaroon ng 65th anniversary promo, kung saan ang halaga ng ticket ay PHP65 lamang.

Kasabay niya ang iba pang pelikula, gaya ng Japanese movie na Monster, na dinistribute ng magkaibigang Lorna Tolentino at Sylvia Sanchez.

Samantala, tuwang-tuwa pa rin ang mga DonBelle fans dahil sa hindi pa rin nalalaglag sa Top 10 trending ang Can’t Buy Me Love. Gumaganda na ang kuwentong magkaka-develop-an na characters nina Caroline (Bellle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan).

NOEL FERRER

May dalang suwerte ang direktor ng Instant Daddy na si Crisanto Aquino, na nagdirek ng MMFF 2019 entry na Write About Love, at ng Kapuso limited series na Liars & Lovers.

At proud na proud si Direk Cris Aquino na inaalagaan ang kanyang ina. Kaya nang itext niya kami na may Netflix showing na ang Instant Daddy ay agad ang aming suporta!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, number one na!!!

At alam niyo bang si Direk ay masarap gumawa ng sapin-sapin at kakanin?! I-message ninyo siya at um-order kayo. Promise, mas gaganda pa ang panonood ninyo sa movie niya sa Netflix!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Instant Daddy nina Jerald Napoles at Althea Ruedas na nagsimulang ipalabas sa Netflix noong January 24, 2023, ay number one na ngayon sa top movies ng streaming app.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results