JERRY OLEA
Ohhhh ohhhhhhh, mga accla!
May bird reveal sina Enrique Gil, Nikko Natividad, at Red Ollero sa birdkada film na I Am Not Big Bird.
Read: Enrique Gil, napagkamalang porn star sa Thailand?
Dual character dito si Enrique bilang Thai porn actor na si Big Bird na super-duper-daxxx ang kargada, at bilang Luis na isang Pinoy na may munting ibon.
Sa umpisa pa lang ay iwinasiwas na ni Big Bird ang kanyang orgasmic weapon, samantalang sa latter part inilabas ni Luis ang kanyang shortcoming.
Of course, pixelized ang mga pa-et*ts na ito. R-16 ang MTRCB rating ng movie.
May pa-butt crack dito si Migs Almendras, at may aliw na hirit si Pepe Herrera. Meron ding patilamsik as in show mode.
Idinirek ito ni Victor Villanueva, na siya ring direktor ng mga pelikulang Patay Na Si Hesus (2016), Kusina Kings (2018), Boy Bastos (2022), at Kidnap for Romance (2023).
Mas bastos siyempre ang Vivamax movie na Boy Bastos kesa sa I Am Not Big Bird.
Mas natawa rin ako sa Patay Na Si Hesus kesa sa comeback movie ni Enrique.
Kasabay ng I Am Not Big Bird na nag-open sa local cinemas nitong Pebrero 14 — Valentine’s Day, na Ash Wednesday rin — ang Slay Zone nina Pokwang at Glaiza de Castro, pati ang Pasional nina Andrea Torres at Marcelo Melingo.
Nagbukas din nitong V-Day ang Poor Things, Madame Web, Double Blind, at The Jack in the Box Rises.
Kagaya ng I Am Not Big Bird ay R-16 ang MTRCB rating ng Poor Things, na nagkamit ng Golden Lion sa 80th Venice International Film Festival noong nakaraang Setyembre.
Nagwagi ito ng dalawang Golden Globe Awards: Best Motion Picture — Musical or Comedy, at Best Actress — Musical or Comedy para sa bidang Emma Stone.
Nominado ito sa labing-isang kategorya sa 96th Academy Awards, maging sa 77th British Academy Film Awards.
Read: Oscars 2024: Oppenheimer, Poor Things lead nominations
May frontal nudity rito si Emma Stone, ganoon din ang isang lalaking ekstra. Hindi pixelized ang mga iyon.
Siyangapala, bilang pag-alala sa ika-152 anibersaryo ng pagkamartir nina Padre Mariano Gomes, Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, may FREE PUBLIC SCREENING ang pelikulang GomBurZa sa Pebrero 17, Sabado ng 2:00 p.m., sa Tanghalang Metropolitan sa Maynila.
After ng screening ay may talk back session na pangungunahan ng bidang si Cedrick Juan.
Limitado ang slots sa mga gustong dumalo. Ang registration link ay nasa official Facebook page ng The Metropolitan Theater (MET).
Nakipagtulungan ang Jescom Films, MQuest Ventures at CMB Film Services sa National Commission for Culture and the Arts, National Historical Commission of the Philippines, Local Historical Committees Network, at The Metropolitan Theater para ihandog ang GomBurZa sa bagong edisyon ng “KaSAYSAYan sa MET.”
Read: GomBurZa as OG of Pinoy pride and identity
Sa Pebrero 18, Linggo ng 2:00 p.m., ay FREE ADMISSION din ang showing doon sa MET ng pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.
Bahagi ito ng programa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa Sine Sinta: Pag-ibig at Pelikula at Mga Hiyas ng Sineng Pilipino.
938 slots lamang ito, kaya makabubuting mag-register muna. Merong registration link sa FB page ng FDCP. Ia-accommodate ang walk-ins kung may available pang mga upuan.
Nakatakda namang ipalabas sa Pebrero 21 sa local cinemas ang mga pelikulang Baghead, Death Whisperer, Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba — To The Hashira Training, Nightswim, Outpost, at The Holdovers.
Nasa February 28 playdate ang After All nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda. Makikipagsalpukan ito sa Dune: Part Two.
Palabas din sa Pebrero 28 ang 12.12: The Day at Hellhound.
Nakapuwesto sa Marso 6 ang Apo Hapon: A Love Story nina JC de Vera at Sakura Akiyoshi, at A Glimpse Of Forever nina Jasmine Curtis-Smith, Jerome Ponce, at Diego Loyzaga.
Kasabay ng mga ito ang showing ng Kung Fu Panda 4, Imaginary, at The Color Purple.
GORGY RULA
So far, ang pelikulang My Sassy Girl at I Am Not Big Bird ang maganda-ganda ang resulta sa takilya this year.
Nung unang araw ng showing ng pelikula ni Enrique Gil, naka-PHP2.9M daw ang kinita nito, ayon sa aming reliable source.
Sa second day of showing ay naka-PHP1.1M daw ito.
Ang tantiya ng mga nasa loob ng booking, baka maka-PHP15M daw ang total run ng I Am Not Big Bird.
Ang My Sassy Girl daw ay almost P25M na raw ang kinita.
Okay na yun, kung ikumpara sa ilang mga pelikulang nag-showing sa mga sinehan.
Lumalabas na mas malakas ang pelikula ni Enrique kesa sa Lisa Frankenstein ni Liza Soberano.
Sa takilya ng North America ay DOA (dead on arrival) ang Lisa Frankenstein, na nag-open sa pangalawang puwesto last weekend, February 9-11, with $3.7M.
Ayon sa Box Office Mojo, as we write this ay umabot na sa $5.4M ang worldwide gross nito.
NOEL FERRER
Ang production na mismo ang nagsabi na isinumite ang I Am Not Big Bird for consideration sa nakaraang MMFF 2023. Sayang, it didn’t make the cut.
Read: Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries
You think, it would have earned more kung noong holiday ipinalabas? Iyon nga ba ang audience sana nito?
I acknowledge the makers when they try marketing it as an out-of-the-box naughty comedy.
Sana, hindi sila magsawang gumawa ng mga pelikula that would be out-of-the-box and push the envelope and jolt mindsets.
