PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA Afternoon Prime ratings; Can't Buy Me Love on Netflix

Donny Pangilinan at Belle Mariano, level up na ang aktingan.
by PEP Troika
Published Feb 19, 2024
gma afternoon prime can't buy me love
GMA Afternoon Prime lineup Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, and Makiling dominate the ratings game; DonBelle's Can't Buy Me Love strong on Netflix Philippines.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

GORGY RULA

Matindi at marubdob ang mga eksenang sinusubaybayan sa tatlong afternoon drama ng GMA-7 na Abot Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at Makiling.

Kaya naglalabanan sila sa ratings kung alin ang mas mataas.

Sa Abot-Kamay Na Pangarap ay nabaligtad ang mga pangyayari, at sobrang dusa na ang pinagdadaanan ni Moira (Pinky Amador) sa loob ng kulungan. Pumanaw na rin si Lolo Pepe (Leo Martinez) na matagal nang nakaratay sa hospital.

Sa Stolen Life naman ay mahirap pagkumparahin kung sino kina Carla Abellana at Beauty Gonzalez ang pinakamagaling sa pagpapalit-palit ng karakter na ginagampanan nila. Pero patuloy sa panggugulo si Farrah (Beauty Gonzalez) sa buhay nina Darius (Gabby Concepcion) at Lucy (Carla Abellana).

Minsan ay nangunguna sa ratings ang Stolen Life na malapit nang matapos, at papalitan na ng Lilet Matias: Attorney-at-Law na magsisimula na sa March 4.

Exciting na rin ang nagaganap sa Makiling dahil nagsisimula na ang paghihiganti ni Almira (Elle Villanueva) sa Crazy 5 na ginagampanan nina Myrtle Sarrosa, Claire Castro, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Kristoffer Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Pero ang isa rinng matindi ang dramang eksenang napanood namin sa Netflix ay ang Can’t Buy Me Love, kung saan ay nakita na ni Bingo (Donny Pangilinan) ang kanyang inang si Annie (Ina Raymundo).

Ang galing ni Donny sa eksenang yun na walang dialogue kundi nangingilid lang ang luhang nakakatitig kay Ina na hindi na nakakakilala sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi nagpatalo si Belle Mariano sa eksenang kinumpronta niya ang kanyang Auntie Cindy (Agot Isidro) nang nalaman niyang ito ang pumatay sa kanyang ina (Shaina Magdayao).

Ang haba ng eksena at napakagaling dito ni Belle. Dalawang beses kong pinanood ang eksenang yun at bawing-bawi siya rito, dahil hindi ko siya nagustuhan sa mga naunang episodes.

Read: 'Can't Buy Me Love' ng DonBelle, No. 1 agad sa Netflix Top 10 TV shows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Thankful si Tart Carlos na kinuha siya ni Direk Cathy Garcia-Sampana para sa Can’t Buy Me Love.

Ginagampanan niya rito si Pato, ang dating kasambahay nina Cindy at Wilson (Rowell Santiago) na nakasaksi sa krimeng pagpatay sa ina ni Ling (Belle Mariano).

Sabi ni Tart, akala raw niya ay tapos na siya pero mukhang tatawagin pa siya para mag-taping dahil humaba pa ang role niya rito.

“Sa Can’t Buy Me Love, akala ko wala na ako. Di ba, parang ang layo, e… tapos biglang ibabalik pala,” bulalas ni Tart sa recent media conference ng pelikulang After All nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Kinuha na rin kasi Tart sa bagong series ni Marian Rivera na My Guardian Alien, at patapos na raw siya sa taping nun.

“Tinanggap ko po yung My Guardian Alien, kasi alam ko po na wala na po ako sa Can’t Buy Me Love. And then, they brought me back. E, wala naman po akong taping that time. So, nung December, three days ako ginawa ko po uli,” dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero challenge daw sa kanya kapag nasa taping siya ng Can’t Buy Me Love dahil ang gagaling ng mga kaeksena niya.

“Sa Can’t Buy Me Love, hindi ka puwedeng magsyonga-syongahan sa character mo. Kasi ang gagaling nila! Kakainin ka kapag nagtahimik-tahimikan ka o naghiya-hiyaan ka. So, you really have to internalize.

“Unang-una sa lahat, it was Direk Cathy who put me in that position, na parang ano… parang si Direk Mae kasi, first time ko siya naka-work e. Pero nandun na ako because of Direk Cathy.

“And acting with likes of Ronnie Lazaro, my God! With Belle Mariano and even Donny Pangilinan, Ms. Ina Raymundo, my God! Kailangan mo talaga iprepara ang sarili mo. And besides, you should look like your role.

“Sobrang magagaling silang umarte. Saka napapansin ko sa kanila, sobrang click nila, ke mayaman ke mahirap, bagay sa kanila. Switching!”

JERRY OLEA

Noong Pebrero 16, Biyernes, ay parehong naka-11% ang Abot-Kamay Na Pangarap at Stolen Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang replay ng Dirty Linen ay 0.5%, at ang rerun ng Mars Ravelo’s Darna ay 0.4%.

Ang Makiling ay naka-8.8%, ang Fast Talk with Boy Abunda ay 5.9%, at ang Family Feud ay 8.2%.

Patuloy ang pamamayagpag ng mga panghapong drama sa Kapuso Network.

Iyong Can’t Buy Me Love na hanggang Mayo pa ay nananatiling nasa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.

Pang-TV lang ba ang kasikatan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano? Iyong solo movie ni Donny na GG The Movie ay matamlay sa takilya. Hindi kataka-takang na-reject iyon sa 49th MMFF.

Deadma si Belle sa promo ng last movie niyang nag-showing, iyong Huling Sayaw na bida si Bugoy Cariño. Hindi rin kataka-taka kung bakit hindi siya tumulong sa promo niyon.

Abang-abang tayo kung aling pelikula ang gagawin ni Jillian Ward, at kung papatok ba iyon sa takilya.

Nagre-rate ang TV shows ni Beauty Gonzalez, gaya nitong Stolen Life at Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling movie ni Beauty ay ang MMFF 2023 entry na Kampon, na so-so lang ang hinamig sa takilya.

Sa Pebrero 28 ay showing na ang movie ni Beauty with Kelvin Miranda, iyong After All. Kasalpukan nito ang showing ng Dune: Part Two.

Read: Kelvin Miranda more comfortable doing intimate scenes with Beauty Gonzalez

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Afternoon Prime lineup Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, and Makiling dominate the ratings game; DonBelle's Can't Buy Me Love strong on Netflix Philippines.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results