PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Jones, desididong idemanda ang ama ng kanyang anak

Nasasaktan daw ang aktres para sa anak.
by PEP Troika
Published Feb 25, 2024 | Updated Feb 25, 2024
Angelica Jones with son Angelo
Angelica Jones (shown with son Angelo), idedemanda na ang ama ng kanyang anak. Nagbigay si Angelica ng one-week deadline para pirmahan ng kanyang ex ang birth certificate ng anak nilang si Angelo, pero dinedma lang daw ito.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Kakaibang Angelica Jones ang mapapanood sa pelikulang When Magic Hurts, kung saan gumanap siya bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas.

Angelica Jones

“Opposite sa karakter na kikay. Dito po, ang karakter ko ay demure,” sambit ni Angelica sa mediacon nitong Pebrero 24, Sabado, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakapag-asawa ako ng mayaman, isa akong elegant na businesswoman, na martir na nanay, mapagmahal na ina.”

Pagkabasa pa lang daw noon ni Angelica sa script ng When Magic Hurts ay napaiyak na siya.

“Sobrang very emotional and nakaka-relate ako,” madamdaming pagtatapat ni Angelica.

“Nung nalaman ko yung role ko, pini-feel ko yung character ko, kasi may anak akong lalaki.

“Pag umaarte kami ni Beaver sa mga eksena, dito ko talaga nailabas ang sakit. Yung pain, failure, hurts.

“So sabi ko, perfect timing yung binigay sa aking role dahil marami akong tinatagong mabibigat na nasa loob ko, nailabas ko lahat dito sa movie na ito.”

Read: Angelica Jones's 10-year-old son still not acknowledged by the father

Proud si Angelica sa When Magic Hurts.

Aniya, “Pag napanood niyo ito, hindi kayo uuwing malungkot. Uuwi kayong masaya na may kasamang luha sapagkat tagos sa puso yung eksena namin.

“Kasi, di ba? Iyak, in love. Kasi, because I believe, love is sacrifice. Love is blind. So dito mo makikita lahat kung ano yung ibig sabihin ng pag-ibig.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban kina Angelica at Beaver, nasa cast ng When Magic Hurts sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Claudine Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Archi Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tyson, at Julian Roxas.

Read: Dennis Padilla "naluha" sa birthday message ni Julia Barretto

Syinuting ito sa Atok, Benguet, at theme song nito ang "Got To Believe in Magic" ni David Pomeranz.

Idinirek ito ni Gabby Ramos, na siya ring direktor ng Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin na pinagbidahan ni Claudine.

Hindi pa masabi ni Direk Gabby kung kailan talaga ang playdate ng When Magic Hurts, pero siniguro niyang ipapalabas ito sa mga sinehan.

JERRY OLEA:

Nakapanayam namin dati si Angelica sa thanksgiving party ng movie producer na si Baby Go noong Pebrero 4, sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.

Isiniwalat niya noon na may taning na siya para pirmahan ng kanyang ex ang birth certificate ng 11-year old son nilang si Angelo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Halos isang taon na ring sumamo ito ni Angelica.

Ang sabi niya that time, "Yung birth certificate niya kasi nawala nung pandemic. So, until now, wala pang birth certificate yung anak ko, wala hong pirma nung daddy niya.

"So, kailangan yung documents na affidavit na galing sa St. Luke's [kung saan siya nanganak] na pirma ng dad niya, para makakuha ng passport para makaalis yung anak niya."

Read: Angelica Jones umaasang pirmahan na ng ex ang birth certificate ng kanilang anak

Pinirmahan na ba iyon ng kanyang ex? Legal na bang magagamit ng kanyang anak ang apelyido ng biological father nito?

Napalitan na ba finally ng joy ang hurt?

Gumaralgal ang boses ni Angelica, “Very emotional po talaga ako. Actually, deadline na yesterday [Pebrero 3], so may pinagdadaanan po ako ngayon, like my son.

“So sorry po, ha? Medyo naging emotional ako.

“Kasi last time din, nag-usap tayo na meron kasi yung parang deadline, one week, for birth certificate ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I told my son na puwede namang ilagay sa pangalan ko. Aakuin ko na lahat ng sakit, kaya sabi ko, love is sacrifice.

“Pag nakita natin yung anak natin, nasasaktan, sasabihin natin bilang isang magulang na aakuin na lang natin yung sakit ng anak natin.

“So, actually last night lang po nangyari. Last night, my son, sobrang iyak nang iyak siya last night.

“Hindi ko alam na may pinagdadaanan siya. Kasi nga, naging busy ako.

“So aaminin ko po, until now, hindi po pinirmahan. And my son is graduating Grade 6.

“So hindi siya makaka-graduate kung walang birth certificate.

"So yung kanyang sportsfest…

“Nakiusap po ako sa kanyang coach sa school na pasalihin siya sa sports, at to process na yung birth certificate, na I hope OK na yesterday.

“Pero hindi pa rin.

“So, ang sabi ko sa anak ko, ito ang sinabi ko sa anak ko, ‘Every time you get hurt, pag nasasaktan tayo, wala tayong mahihingahan ng sakit, sama ng loob, kundi sa Panginoon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Last night, nung nakita kong durog na durog yung kalooban ng anak ko, umiiyak siya, sabi ko sa kanya, ‘Sige, iiyak mo lang iyan. Ilabas mo lang iyan! And then, talk to God.’

“Dinala ko siya sa altar. ‘Magdasal ka. Iiyak mo lahat sa Kanya. Remember, nung mamatay si mom [Beth Jones], and nabuhay siya sa COVID.

“’Three months sa ICU. Nabuhay siya. You pray. Na-grant ni Lord yon. So malay mo ngayon, may miracle, ma-grant uli yung wish mo.’

“So sabi ko sa anak ko, na lahat ng bagay na masakit, lahat ng pain na nangyayari sa buhay natin, may purpose si Lord.”

Read: Angelica Jones's 10-year-old son still not acknowledged by the father

NOEL FERRER:

Nananalig si Angelica na bibiyayaan ng Panginoon ang mga batang nasasaktan.

Pagbabalita ni Angelica, “Ngayon po, nasa stage po ako na… I’m planning, kaya po ako nag-check in dito, ang plano ko po kaya nag-check in ako dito sa Luxent, is to talk to my lawyer tomorrow, Atty. Borja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To file a case against his dad. So tuloy na po ang laban.

“Kung noong nagbubuntis pa lang ako, na hindi ako nagdemanda, mas pinili ko ang magpatawad, mas pinili ko ang manahimik, to forgive, to forget and love, and peace of mind.

“But now, this, the rights para sa anak ko—hinding-hindi na ako papayag na masaktan, makita uli ang anak ko.

“So let’s wait and see what happens. So sa korte na lang po kami magkikita.”

Kasama ni Angelica sa mediacon ang ina niyang si Mommy Beth at anak na si Angelo.

At heto ang test na naman kung handa na ba ulit ang showbiz—ngayong age of digital and indie filmmaking—sa isang Angelica Jones? At may kasamang Claudine Barretto talaga, ha?! We’ll see!

(ED'S NOTE: Bukas ang PEP.ph sa panig ng ex ni Angelica Jones tungkol sa isyung ito.)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Jones (shown with son Angelo), idedemanda na ang ama ng kanyang anak. Nagbigay si Angelica ng one-week deadline para pirmahan ng kanyang ex ang birth certificate ng anak nilang si Angelo, pero dinedma lang daw ito.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results