JERRY OLEA
Nag-simula nitong Marso 1, 2024, Biyernes, ang streaming ng horror trilogy na Shake, Rattle & Roll Extreme sa Netflix, at ng erotic trilogy na EKS sa Vivamax.
Read: Shake, Rattle & Roll Extreme 18+ version streaming na sa Netflix; erotic trilogy na EKS sa Vivamax
Kinabukasan ng gabi ay parehong pumuwesto na sa No. 1 ang dalawang trilogy sa kani-kanyang streaming service na pinagpapalabasan.
Tampok sa Shake, Rattle & Roll Extreme sinaIza Calzado, Jane Oineza, RK Bagatsing, Jane de Leon, Rob Gomez, at Paolo Gumabao.
Scene stealer si Ninong Ry na nasa second episode na pinamagatang "Mukbang."
Bida sa tatlong episode ng EKS si Yen Durano bilang Lisa, Lara, at Lilak. Leading men niya sina Felix Roco, Albie Casiño, at Itan Rosales.
Kabilang pa sa nakaharutan ni Yen sa EKS sina Nathan Cajucom, Chester Grecia, Gabriel Fernandez, RR Lopez, at Audrey Avila.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Shake, Rattle & Roll Extreme, Code 8 Part II, Godzilla vs King, My Name Is Loh Kiwan, The Final Destination, Mortal Kombat, The Lost City, Charlie and the Chocolate Factory, Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore, at Code 8.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Avatar: The Last Airbender (live action), Doctor Slump, House of Ninjas, Can’t Buy Me Love, Avatar: The Last Airbender (animated), Amidst A Snowstorm of Love, Ready Set Love, Warrior, A Killer Paradox, at The Legend of Korra (animated series na sequel ng Avatar: The Last Airbender).
Ang Top 10 sa Vivamax — EKS, Salisihan, Kabit, Salawahan, Salitan, Ganti-Ganti, Sugar Daddy, Litsoneras, Palipap-lipat Papalit-palit, at Higop.
NOEL FERRER
Congratulations sa SRR Extreme at nagkaroon ng second life na bumongga at nag-number one pa ngayon sa Netflix.
Congratulations sa mga alaga kong sina Iza Calzado, Phi Palmos, at sa magaling na mga direktor na sina Jerrold Tarog at Richard Somes na nakatrabaho nila.
Laging ine-embrace ng mga tao ang kakaibang putahe kaya welcome addition ang treatment nilang ganito sa horror.
Tuloy lang ang panonood!!!
GORGY RULA
Ang Shake, Rattle & Roll Extreme ang tanging Pinoy film na nasa Top 10 trending ng Netflix.
Maaring nagustuhan ng viewers ang makabagong horror film na dinirek nina Joey de Guzman, Richard Somes, at Jerrold Tarog.
Pero hinding-hindi ko pa rin nakakalimutan ang "Punerarya" ni Direk Jerrold. Iyon ang isa sa pinakagusto kong episode ng SRR.
Kung gagawa man uli ang Regal ng Shake, Rattle & Roll, at gagawin na itong super extreme, sana magdirek uli sina Topel Lee na nakagawa ng ilang episodes sa SRR, at isa na rito ang scariest episode na "Yaya" ng SRR 8, Rahyan Carlos ng "13th Floor" episode ng SRR 8 din, at si Rico Gutierrez ng SRR 11 "Diablo" episode.
Puwede ring gumawa uli si Direk Chito Roño ng isa pang SRR episode.
Sa TV shows naman ay ang Can’t Buy Me Love ang tanging Pinoy series na hindi nalalaglag sa Top 10 trending ng Netflix.
May 150 episodes ito na aabutin hanggang buwan ng Mayo, at nasa episode 102 na sila, pero hindi pa rin nagkakainlaban dito sina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano).
Nasa Atok, Benguet, sila ngayon at bagay na bagay ang napakagandang location para ipahayag na nila ang nararamdaman nilang pagmamahalan sa isa’t isa.
Dito rin sa episode 102 lumabas si Jake Ejercito na medyo malusog yata ngayon. Dapat siguro magpapayat siya nang konti, pero ang guwapo pa rin niya at medyo kumportable na siyang umarte.
Tiyak napapasabak siya sa aktingan kina Maris Racal at baka pati kay Anthony Jennings na napakagaling.
Tila nagkakadelopan na rin sina Irene (Maris Racal) at Snoop (Anthony Jennings), lalo na’t pinapa-trending ng fans ang kanilang #SnoRene loveteam sa TikTok.
