PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ratings game, nananatiling nasa pabor ng GMA-7

Prime time shows ng ABS-CBN, nauungusan ang Kapuso shows.
by PEP Troika
Published May 7, 2024
makiling voltes v
Makiling, starring real-life sweethearts Derrick Monasterio and Elle Villanueva (left), ended its run on May 3, 2024. It was replaced by the rerun of the roboserye Voltes V: Legacy starting May 6.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Tatlong programa sa GMA-7 ang nagtapos noong nakaraang weekend.

Noong Biyernes, Mayo 3, 2024, ang finale ng Makiling. Naka-8.3% ito, na hindi ganung kataas sa inaasahan namin.

Nag-finale rin noong Biyernes ang K-drama series na Yumi’s Cells na naka-2.4%.

Noong Linggo, Mayo 5, ang finale ng Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis. Naka-9.2% ito.

Read: Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ni Bong Revilla, last taping day na

TIKTOCLOCK/EAT BULAGA!/IT'S SHOWTIME

Narito naman ang ratings ng iba pang programa noong Biyernes...

Ang It’s Showtime ay 7.7%, habang ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 3.5%.

Read: Eat Bulaga!, hindi nababahala sa pangunguna sa ratings ng It's Showtime?

Mas mataas din ang rating ng pre-programming ng It's Showtime na TiktoClock, na naka-3.7%, kumpara sa noontime show ng TV5.

Pagdating sa Afternoon Prime, tinalbugan ng Lilet Matias: Attorney-at-Law, na naka-9.8%, ang Abot-Kamay Na Pangarap, na naka-9.6%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Baliwag Mayor calls out Abot Kamay Na Pangarap series for making fun of city name; GMA-7 takes action

Pagkatapos ng Makiling, ang Fast Talk With Boy Abunda ay may 4.6% na rating.

Sumunod ang Yumi’s Cells, at medyo bumaba rin ang Family Feud na naka-6.9% lamang.

Noong Mayo 4, Sabado, ay 7.9% ang It’s Showtime, at 3.6% naman ang Eat Bulaga!.

JERRY OLEA

Medyo nakakadisyama ang pagbabalik ng Voltes V: Legacy na ipinalit sa katatapos lang na Makiling.

Nagsimula ang rerun ng Voltes V: Legacy noong Lunes, Mayo 6, at naka-5.8% lang ito. Dahil siguro sa replay, hindi ito kasintaas ng ibang afternoon drama shows ng GMA-7.

Read: Voltes V: Legacy returns to GMA-7 this May 6

Voltes V: Legacy returns to GMA this May 6

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Lunes din, na-maintain ng It’s Showtime ang 7.9% rating nito; ganundin ang Eat Bulaga! na naka-3.6% ulit.

KAPUSO AFTERNOON PRIME SHOWS

Nakaungos muli ang Abot-Kamay Na Pangarap na naka-10.6%., habang ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay 10.1%.

Noong Lunes din nagsimula ang Mother’s Day special ng Fast Talk With Boy Abunda. Ang mag-inang Michelle Ortega at Ysabel Ortega ang special guests, at naka-4.2% ito.

Read: Michelle Ortega, hindi inilihim kay Ysabel ang estado ng amang si Lito Lapid

Sumunod ang kapalit ng Yumi’s Cells na Eclipse of The Heart, na naka-2.5%.

Ang Family Feud ay naka-7.1%.

family feud

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Musta ang It's Showtime guesting sa Family Feud?; Eat Bulaga! production cost, tumaas ba?

Wagi ang mga panghapong programa ng Kapuso Network.

Hindi makaporma ang afternoon shows ng TV5 at iba pang local TV networks.

Pero sa primetime kung weeknights, patuloy na naghahari ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin. Taob ang Black Rider ni Ruru Madrid.

Read: Vhong Navarro’s son Yce Navarro joins the cast of FPJ’s Batang Quiapo

Kinakabog din ng Linlang: The Teleserye Version ang My Guardian Alien na TV comeback ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Read: Linlang: Trending scenes with quotes

Madalas ding natatalo ng Can’t Buy Me Love (na nasa finale week na) ang Asawa ng Asawa Ko.

NOEL FERRER

Ang ganda lang na nagbibigay tayo ng weekday or weekend ratings.

Pero I maintain na, kung totoo ngang wala nang network war at kumpetisyon, puwedeng masabing we are beyond ratings na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pa, tila mas marami nang nanonood ng TV shows online, partikular na sa YouTube, kung saan maaari mong panoorin ang isang programa sa oras na gusto mo o available ka.

Pero gaano katotoo na sa kabila ng mataas o mababang ratings, talagang napakababa ng ad load ngayon sa mga shows sa telebisyon?

Mukhang naghahabol daw ang networks sa kita o revenue sa ads na medyo na-divert na sa ibang platforms at activities.

Sana, maging masagana ulit ang TV at bumalik ang sigla nito tulad ng dati… sana.

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makiling, starring real-life sweethearts Derrick Monasterio and Elle Villanueva (left), ended its run on May 3, 2024. It was replaced by the rerun of the roboserye Voltes V: Legacy starting May 6.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results