GORGY RULA
Dalawang pelikulang Pinoy na magso-showing ngayong Mayo 29, 2024, Miyerkules, ang magpapakita ng ganda ng South Korea.
Isang romantic comedy ang handog ng Viva Films, ang Seoulmeyt na magtatampok muli sa tambalan nina Kim Molina at Jerald Napoles.
Kasama nila rito si Kid Yambao na napasamang nag-shoot sa Seoul, South Korea.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted in South Korea
Kabilang din sa cast sina Alma Moreno, Candy Pangilinan, Isay Alvarez, at marami pa. Pero karamihan sa kanila ay sa Maynila lang kinunan at hindi na umabot ang mga eksena nila sa South Korea.
Biro nga ni Candy Pangilinan, “Ang soul ko lang po sa Korea. Dito lang po ako!”
Paliwanag naman ni Isay Alvarez, base sa kuwento ay sa Maynila lang talaga sila kailangan.
Pero naging madali ang shooting ng Seoulmeyt sa South Korea, dahil suportado sila ng gobyerno roon. Kaya naipapakita nila ang ganda ng South Korea.
Read: Darryl Yap, Ikinuwento Kung Gaano Kamahal Mag-Shoot Sa South Korea

CHANCES ARE SHOOTING IN SEOUL
Ganun din ang sa pelikulang Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger na kailangan din nilang mag-shoot ng mahahalagang eksena sa Seoul.
Read: Kelvin Miranda refutes rumored romance with Kira Balinger
Kuwento ng producer at director nitong pelikula na si Direk CC o Cathy Camarillo, winter season pa sila nag-shoot sa Seoul kaya nahirapan sila sa sobrang lamig. Pero hindi raw sila nahirapan sa pag-shoot dahil suportado sila ng Seoul Film Commission.
Ani Direk CC, “Ang maganda pa dun, meron sinuportahan kami ng Seoul Film Commission. When they read our content, grabe yung enthusiasm nila to support us. They emailed us, they gave us everything that we need, kung saan gusto namin puntahan.
“Ang maganda pa nun, I get to see different tourist spots there. Siyempre ang iniisip ko rin… ang iba kasi medyo nagamit na and all. I chose particularly yung mga unique areas.
“But you know, what inspired, merong mga maliliit na areas dun na hindi pa nata-tap. Yun yung mga kinuha namin, yung mga in-explore ko.”
Ngayong Mayo 29 din ang showing ng Chances Are, You and I. Kaya busog na busog ang mga manonood ngayon sa ganda ng South Korea mula sa dalawang pelikulang ito.

NOEL FERRER
Nilinaw ni Direk Cathy Camarillo na may koneksyon sa kuwento ng Chances Are, You and I ang South Korea.
Kaya talagang tiniis daw nila ang sobrang lamig doon para makapag-shoot lang at makuha ang ibang look ng pelikula sa ipinakitang winter ng Seoul.
“May connect kasi yun sa story. It’s not just ano, ha? Korea… for the sake of pumunta ng Korea. Hindi ba?
“Meron siyang koneksiyon sa story. Very significant siya na kailangan pumunta. And at the same time, we know naman yung culture ng Korea and how the visuals in Korea. Kasi we shot in winter season.
“Sobra akong nabilib sa staff and crew ko. 33 kami na pumunta dun, tapos meron kaming 7 Korean counterparts. Mga kaibigan ko lang kasi,” napangiting pahayag ni Direk CC.
Sabi naman ni Kid Yambao nang nag-promote siya sa DZRH, matagal nang napag-usapan nina Direk Darryl Yap at Kim Molina na gusto nilang mag-shoot sa ibang bansa. Itong sa Seoul ang napili nila.
“After po ng Jowable, gusto na po talaga nina direk Darryl at Kim na gumawa ng pelikula sa abroad.
“Romantic comedy po ito, hanggang sa may kurot sa puso,” pakli ni Kid.
Sana, magbunga lahat ng pagod at effort nila, at tangkilikin nawa ang mga pelikulang ito sa sinehan dito sa Pilipinas.
JERRY OLEA
Showing na rin today sa dalawang sinehan sa Bacolod ang pelikulang Under A Piaya Moon na pinagbidahan ng Sparkle hunk na si Jeff Moses. Palabas iyon sa Ayala Malls Capitol Center, at SM City Bacolod.

Nagkamit ang Under A Piaya Moon ng walong parangal sa 1st Puregold CinePanalo filmfest last March, kabilang ang best picture, best actor (Jeff Moses) at best supporting actor (Joel Torre).
Katabla ni Jeff bilang best actor sa CinePanalo si Carlitos Siguion-Reyna para sa Pushcart Tales.
Read: Sparkle artist Jeff Moses, wagi agad ng best actor para sa una niyang pelikula
Palabas na rin sa mga sinehan starting this Wednesday ang foreign films na The Garfield Movie, How To Make Millions Before Grandma Dies, Succubus, Unsung Hero, at Detective Conan vs Kid the Phantom Thief.
Sa susunod na Miyerkules, Hunyo 5, ang playdate ng 1521: The Quest for Love and Freedom na hindi pino-promote ni Bea Alonzo.
Nasa June 5 playdate din ang BL musical movie nina Alex Diaz at Allan Camish na Glitter & Doom, maging ang Bad Boys: Ride or Die, at Ballerina.
Siyanga pala, aliw na aliw ako sa video clip nina Kid Yambao, Nikko Natividad, at Zeus Collins bilang magtotropang magkakatabing natutulog (kunwari).
Isang minuto at 24 na segundo lamang ang video clip kung saan naka-sandwich si Zeus kina Nikko at Kid. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
