Celebrity face-offs that made headlines in the last five years

IMAGE Noel Orsal / GMA News (Mon Tulfo)

Ilan sa mga pinakakontrobersiyal na harapang kumprontasyon sa showbiz ay ang mga sumusunod: [L-R] Rambulan sa pagitan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago laban kay Mon Tulfo; paninigaw ni Maricel Soriano kay Gerald Anderson sa set ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin; airport incident na kinasangkutan nina Heart Evangelista at Marian Rivera; at suntukan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli sa Star Magic ball.


May mga pagkakataon na mismong iniidolong mga artista ang nasasangkot sa gulo, away, at eskandalo.

Sa mga ganitong sitwasyon, mabilis kumakalat ang balita at hindi maiwasang mahati ang reaksyon ng publiko.

Kamakailan lang ay eksklusibong naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kinasangkutang insidente ni Anne Curtis sa isang luxury bar sa The Fort.

Ilan pa sa mga artistang nadawit sa gulo ay sina John Lloyd Cruz, Jake Cuenca, at Phoemela Barranda.

READ: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Hindi naman itinanggi ni Anne, sa kanyang Twitter account, na nalasing, nanigaw at nanampal siya noong madaling-araw ng November 30.

READ: Anne Curtis: "I'm just like any other person that makes mistakes in life."

Kinalap ng PEP.ph ang ilan pang kontrobersyal na alitan na kinasangkutan ng ibang artista nitong nakaraang limang taon.

Ang mga napiling insidente ay yung mga nagkaroon ng pisikal na sakitan o kaya ay harapang komprontasyon na nasaksihan ng maraming tao at naging malaking usap-usapan.

Apat sa mga ito ay nag-ugat sa selosan na nauwi sa pisikalan: suntukan sa pagitan nina Matteo Guidicelli at Coco Martin; comfort-room incident sa pagitan nina Marian Rivera at Bela Padilla; airport incident sa pagitan nina Marian at Heart Evangelista; at tensyonadong komprontasyon sa pagitan nina Richard Gutierrez at Aljur Abrenica.

Mayroong mga insidente na ang pinagmulan ay ang masalimuot na hiwalayang ng magkasintahan: sampalan sa pagitan nina Andi Eigenmann at Albie Casiño na nauwi sa isang bar brawl at awayan sa pagitan nina Iwa Moto at non-showbiz boyfriend na si Mickey Ablan.

Alleged betrayal of friendship naman ang puno't dulo ng eksenang naganap sa pagitan nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro sa isang kontrobersiyal na hotel incident.

Minsan ay may mga pagkakataong nagkakairingan ang artista, sanhi ng tensyon sa trabaho, tulad nang nangyari kina Maricel Soriano at Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit sa lahat, hindi maaalis ang mga kontrobersiyang nagkakabanggaan ang artista at media reporters: rambulang Raymart Santiago at Claudine Barretto laban sa TV and radio host/columnist na si Mon Tulfo at awayan ng talent manager na si Annabelle Rama at entertainment reporter na si Chito Alcid.

Ano ang madalas na pinagmumulan ng gulo? Umiiral ba ang sense of responsibility ng artista? O tulad ng iba ay nadadala rin sila sa bugso ng kanilang damdamin?

Paano nila nilulutas ang problema? Mas mabuti bang manahimik ang isang artista? O mas mabuting magpakatotoo na lang?

Narito ng ilang di malilimutang insidenteng kinasangkutan ng artista sa likod ng kamera.




RAYMART SANTIAGO AT CLAUDINE BARRETTO VS. MON TULFO. Huling-huli sa video ng isang bystander ang engkwentro sa pagitan nina Raymart at Mon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong May 2012.

Mapapanood dito kung paanong mistulang nagrambulan ang grupo ni Raymart at Claudine at ang nag-iisang Mon. Mapapansing sunod-sunod na suntok ang inabot ni Mon mula sa isang lalaking naka pink T-shirt at pati na rin sa isang babaeng natukoy na si Claudine.

WATCH: Video of fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago and Claudine Barretto goes viral

Makailang-ulit na inihayag ni Raymart na nagsimula ang rambulan dahil bigla na lang siyang sinuntok ni Mon.

Ito ay matapos lapitan ni Raymart ang broadcaster at tanungin kung bakit nito kinukunan ng video ang pagwawala ni Claudine dahil sa nawawalang bagahe nilang mag-asawa. Lalo pa raw uminit ang ulo ni Raymart nang sipain umano ni Mon si Claudine sa hita.

Ngunit agad pinabulaanan ni Mon ang mga alegasyon ng celebrity couple. Wala raw sa personalidad niya ang manakit ng isang babae. Sa halip, iginiit ng broadcaster na siya ang naagrabyado at nagtamo ng matinding physical injuries.

Sanhi nito, nagsampa si Mon sa Pasay Prosecutor’s Office ng kasong physical injury, grave coercion, grave oral defamation at karagdagang attempted homicide laban sa Santiago couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang sagot, nagsampa sina Raymart at Claudine ng kasong physical injury at paglabag sa anti-child abuse law laban kay Mon. Naghain din ang Santiago couple sa Quezon City Prosecutor’s Office ng reklamong grave threat laban sa Tulfo brothers na sina Ben, Raffy, at Erwin.

Ngunit noong January 2013, ibinasura ng korte ang mga kasong isinampa ni Mon laban kina Raymart at Claudine, dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Ang natitirang kaso na hindi pa naresolba ay ang slight physical injuries na reklamo ni Mon kay Raymart at sa kaibigan nitong si Eduardo Atilano, at pati na rin ang reklamong grave coercion laban sa aktor.

Ibinasura rin ng korte ang mga isinampang kaso nina Raymart at Claudine laban kay Mon, dahil na rin sa walang sapat na ebidensiyang magdidiin sa huli sa kaso.

Nitong Nobyemre 2013, maging ang iba pang Tulfo brothers ay abswelto na sa reklamong grave coercion na isinampa ng celebrity couple laban sa kanila.

ANNABELLE RAMA VS. CHITO ALCID. Eksklusibong nakunan ng Bandila ang paninigaw at pagsugod ng talent manager na si Annabelle Rama sa entertainment reporter na si Chito Alcid.

Nangyari ito sa burol ni Comedy King Dolphy sa Heritage Park sa Taguig City, noong July 2012.

Mapapanood sa video na akmang hahampasin ng baston ni Annabelle ang kaaway na reporter. Agad namang nakatakbo palayo si Chito, habang si Annabelle ay pilit na inaawat at pinapakalma ni German Moreno.

Unang lumabas sa PEP ang panayam kay Chito, na nagsabing may hawak pa raw na panusok si Anabelle nang maghabulan sila sa dining room na katabi ng chapel kung saan nakaburol si Dolphy.

READ: FIRST READ ON PEP Chito Alcid on incident with Annabelle Rama: "Naghabulan kami, hinabol niya ako! Paikot-ikot, may dala siyang panusok, may dalang kung anu-ano..."

Ayon naman sa kwento ni Annabelle, na-provoke lang siya kaya niya sinugod si Chito. Self-defense umano ang pag-amba niya ng baston kay Chito dahil nakita niyang tila hahampasin siya nito ng iPad sa mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Annabelle Rama claims she was provoked by Chito Alcid at Dolphy's wake

Umabot pa sa korte ang alitan sa pagitan ng dalawa, matapos sampahan ni Chito ng multiple criminal charges si Annabelle.

Bago pa man ng insidente ay nagkakairingan na sina Annabelle at Chito dahil sa umano'y negative write-ups ni Chito tungkol sa pamilya Gutierrez.

Bukod dito ay kilala rin si Chito bilang kakampi ni Amalia Fuentes, na siyang tunay na kaalitan ni Annabelle noong panahong iyon.

Ngunit noong August 2012, nakipag-ayos si Chito kay Annabelle at inurong ang mga kasong isinampa niya laban sa talent manager. Ginawa ito ni Chito dahil nais daw niyang ayusin ang lahat ng gusot sa kanyang buhay.

Wala pang isang taon mula noon, sa October 2013, pumanaw si Chito dahil sa sakit na cancer.


GRETCHEN BARRETTO VS. NADIA MONTENEGRO. February 2008 nang mailathala sa PEP ang tungkol sa isang matinding komprontasyon sa pagitan nina Gretchen at Nadia, na diumano’y nauwi sa pisikilang away.

Noong araw na iyon, nagkita ang dalawa sa Rembrandt Hotel sa Quezon City upang ayusin ang kanilang alitan. Na ang pinagmulan ay ang pagkakalat umano ni Nadia ng maling kuwento tungkol kay Gretchen.

Ang pinakahuli ay ang napabalitang pakikipagrelasyon diumano ni Gretchen, na partner ng businessman na si Tonyboy Cojuangco, kay Dody Puno.

Ngunit imbis na magkasundo ay nagpalitan ng masasakit na salita sina Nadia at Gretchen na matalik na magkaibigan mula pa noong teenagers sila. Ayon pa sa kwento ng ilang staff ng hotel, nauwi raw ito sa batuhan ng baso na may tubig.

READ: FIRST READ ON PEP Gretchen Barretto and Nadia Montenegro confrontation turns ugly

Sa live phone patch ng Startalk na nailathala sa PEP, inamin ni Gretchen na may sigawan, iyakan at “kung anu-anong” naganap sa pagitan nila ni Nadia sa meeting na iyon.

Kinumpirma rin ni Gretchen, na kilala sa showbiz bilang prangka, na lahat ng sangkot sa hidwaan nilang magkaibigan ay nandoon—kabilang na si Dody, Boy Asistio (asawa ni Nadia), at Tanya Montenegro (kapatid ni Nadia).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa nagpasimuno ng meeting ang entertainment reporters na sina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito.

Bukod dito ay hindi na nagdetalye pa si Gretchen, dahil na rin sa hindi maganda ang naging resulta ng kanilang pagkikita ni Nadia.

READ: Gretchen Barretto on Nadia Montenegro: "Gusto kong mahalin siya at patawarin siya."

Sa eksklusibong panayam naman ng PEP noong October 2008, pinabulaanan ni Nadia na siya ang nagbigay ng tip kay Cristy tungkol sa pakikipagrelasyon umano ni Gretchen kay Dody.

Bilang patunay, wala raw naipakita ang showbiz reporter na kahit anong text message mula sa kanya.

Sa kabila nito ay hindi pa rin naayos ang gusot sa pagitan nila ni Gretchen.

READ: Did Nadia Montenegro give lead of "Gretchen-Dody affair" to Cristy Fermin?

Sa di inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nina Gretchen at Nadia sa burol ng yumaong si Dolphy sa Heritage Park noong July 2012. Dito na nila tinapos ang kanilang hidwaan na tumagal ng apat na taon.



MARICEL SORIANO VS. GERALD ANDERSON. Enero 2013 nang pumutok ang isyu tungkol sa paninigaw umano ni Maricel Soriano kay Gerald Anderson sa first taping day ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ayon sa unang ulat ng PEP tungkol dito, hindi nagustuhan ni Maricel ang pag-arte ni Gerald sa isang eksena, kaya’t sinigawan niya ang aktor na “cause of delay” ito ng taping.

Sinabi rin ng mga nakasaksi sa insidente na matapos sigawan si Gerald ay nag-walkout si Maricel. Sinundan raw agad ni Gerald ang beteranang aktres upang kausapin ito.

Ngunit nang mag-pangabot sila ay sigaw muli ang inabot ng aktor mula kay Maricel. Base pa rin sa kwento ng isang ABS-CBN insider, napaiyak na lang ang aktor.

Sa follow-up na ulat ng PEP, pinatotohanan ng isa pang anonymous source ang tungkol sa ginawang paninigaw ni Maricel kay Gerald.

Pero hindi raw “bad acting” ng aktor ang totoong dahilan ng ikinagalit ng aktres. Basta na lang daw nanigaw si Maricel nang walang anumang provocation sa parte ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng source, si Maricel ang nahihirapang i-akting nang tama ang kanyang mga mata para sa eksena nila ni Gerald. Tila hindi raw makatingin ang beteranang aktres sa young actor noong mga oras na iyon.

READ: FIRST READ ON PEP Update on Maricel Soriano Gerald Anderson Incident: Who's in? Who's out?

Samantala, nanatiling tikom ang bibig ng kampo ni Maricel tungkol sa alitan nila ni Gerald.

Maging ang Viva Artists Agency, na siyang nagma-manage ng career ni Maricel, ay hindi naglabas ng official statement tungkol dito.

Ganoon din naman si Gerald at ang namamahala sa kanyang Star Magic, na umiwas ding magbigay ng anumang pahayag sa media.

Sa huli, naglabas ng official statement ang ABS-CBN, na nagsasabing hindi na kasali si Maricel sa cast ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ngunit liban sa pagbanggit ng “unfortunate incident” sa pagitan ng beteranang aktres at ng young actor, wala nang paglilinaw na ginawa ang Kapamilya network.

Kinalaunan ay inihayag ng ABS-CBN na si Dawn Zulueta ang pumalit sa papel na dapat sanang gagampanan ni Maricel sa teleserye.

READ: ABS-CBN confirms Maricel Soriano is out of Gerald Anderson teleserye


MATTEO GUIDICELLI VS. COCO MARTIN. Nagkasakitan ang dalawang Kapamilya stars sa gitna ng isang after-party pagkatapos ng Star Magic ball sa Manila Peninsula Hotel, noong madaling-araw ng September 4, 2011.

Unang naiulat sa PEP ang engkwentro, kung saan sinasabing biglang hinablot ni Matteo ang likod ng damit ni Coco. Sanhi nito, nanlaban si Coco at nasuntok si Matteo sa bandang bibig nito.

READ: Coco Martin and Matteo Guidicelli involved in an altercation after the Star Magic ball

Ilang oras matapos ang insidente, kinumpirma ni Maja Salvador sa kanyang live interview sa The Buzz na siya ang dahilan ng engkwentro sa pagitan nina Matteo at Coco. Dito rin niya unang inamin na magkasintahan sila ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa live episode naman ng Happy Yipee Yehey kinabukasan, humingi ng paumanhin si Matteo sa nangyaring gulo sa pagitan nila ni Coco.

Inamin din niya sa mga sumunod niyang panayam sa press na pinagselosan niya nang husto si Coco, na ka-love team ni Maja sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin.


READ: Matteo Guidicelli apologizes for brawl with Coco Martin

Agad namang tinanggap ni Coco ang apology ni Matteo, bagamat hindi pa sila personal na nagkausap.

READ: Coco Martin accepts Matteo Guidicelli's apology, but they have not spoken face to face

Isang taon ang lumipas bago muling nagkaharap ang dalawang aktor sa Star Magic ball, na ginanap ng taong iyon sa Makati Shangri-La Hotel. Bilang patunay na maayos na ang lahat sa pagitan nila, sa mismong program proper ay masayang nagbiruan pa sina Matteo at Coco.




MARIAN RIVERA VS. HEART EVANGELISTA. Nasangkot diumano sa isang eskandalo sa airport sina Marian Rivera at Heart Evangelista, noong June 2011.

Kagagaling lang nila, kasama ng iba pang cast at crew ng pelikulang Temptation Island, sa Ilocos, kung saan kinunan ang mga eksena nila para sa pelikula.

Pagdating sa Manila airport, nandoon ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco upang sunduin ang anak.

Ayon sa ulat na nailathala sa PEP tungkol dito, lumapit si Marian kay Heart upang magpaalam. Ngunit bigla na lang siyang sinigawan ni Mrs. Ongpauco na layuan si Heart at pinagsabihan ng iba pang masasakit na salita.

Naging maugong din ang balitang may dalang bodyguards si Mrs. Ongpauco bilang “proteksiyon” ni Heart laban kay Marian.

Lampas isang linggo matapos ang napabalitang insidente, inamin ni Marian sa press conference ng Temptation Island na mayroong nangyaring airport incident.

Ngunit ayaw ni Marian na manggaling sa kanya ang detalye tungkol sa napabalitang paninindak sa kanya ng ina ni Heart. Mas mabuting tanungin na lang daw ang ibang nakarinig at nakasaksi ng pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang hindi lang daw maintindihan ni Marian ay kung bakit may nangyaring ganoon, dahil wala siyang alam na pinag-awayan nila ni Heart.

READ: Marian Rivera breaks silence on her rumored rift with Heart Evangelista

Taliwas naman ito sa sumunod na pahayag ni Heart tungkol sa isyu. Nagkataong nasa ibang bansa si Heart nang maganap ang press conference ng Temptation Island. Pagbalik nito ng Manila ay nagpatawag siya ng presscon upang ihayag ang panig niya.

Ayon kay Heart, nagsimula ang alitan sa pagitan nila ni Marian noong nasa Ilocos pa lang sila. Ibinahagi rin niya ang isang insidente kung saan sinugod daw siya ni Marian sa kanyang hotel room, sinagawan, at pinagbantaang “Papatayin ka ng fans ko!”

Ito ay matapos umanong ihayag ni Heart na excited siyang makatrabaho si Dingdong Dantes sa isang upcoming television project.

Pinabulaanan naman ni Heart ang mga lumabas na ulat tungkol sa paninigaw ng kanyang ina kay Marian. Sa katunayan, bumati lang daw ang kanyang ina sa ibang co-stars ni Heart at pagkatapos ay umalis na sila agad ng airport.

Hindi rin daw totoo na mayroon silang kasamang sangkatutak na bodyguards. Nagpa-assist lang daw sila sa dalawang airport security noong mga oras na iyon.

Kasama ni Heart ang kanyang abugado sa naturang presscon. Ito ay sa kadahilanang gusto raw ng aktres na linisin ang nasira niyang reputasyon kaugnay ng isyu.

READ: Heart Evangelista airs side on rift with Marian Rivera; lawyer says they're keeping their legal options open

Dalawang buwan pagkatapos ng kanilang iringan, nailathala sa PEP na tahimik na nagkaayos sina Marian at Heart sa burol ni Comedy King Dolphy noong July 2012.

Kinumpirma ni Marian na si Heart ang unang lumapit at nakipagbeso sa kanya. Sabi naman ni Heart, perfect timing daw iyon upang maging ok na ang lahat.


ANDI EIGENMANN VS. ALBIE CASIñO. Pinagtulungang bugbugin ng may apat o hanggang anim na kalalakihan si Albie Casiño sa parking lot ng Fiamma bar, noong May 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kwento ng aktor, hinampas siya sa ulo ng bote at pinagsusuntok hanggang siya ay matumba sa kalsada. Pagkatapos ay pinagtatadyakan daw siya sa mukha.

Sa puntong ito, naulinigan daw ni Albie na ang ginagawang pambubugbog sa kanya ng mga kalalakihan ay bilang ganti para kay Andi Eigenmann.

Pahayag pa ng aktor, bago nangyari ang insidente ay nagkaengkwentro muna sila ni Andi sa loob ng bar. Hindi raw niya napansin na nandoon ang aktres, hanggang sa bigla na lang siya nitong sampalin at sabuyan ng alak sa mukha.

Imbis na lumaki pa ang gulo, umiwas na lang daw si Albie at naghugas ng mukha sa banyo. Pagkatapos ay niyaya na niyang umuwi ang kasama niyang kaibigan. Patungo na sila sa dala nilang kotse noon nang maganap ang gulo sa parking lot.

Ang itinuturo ni Albie na nambugbog sa kanya ay ang mga kasamang kaibigan ni Andi noong gabing iyon.

Sa kabila nito, iginiit ni Andi sa mga panayam sa kanya ng media na wala siyang kinalaman sa pambubugbog kay Albie. Ang tanging ginawa lang daw ng aktres ay sabuyan ng wine si Albie, pagkatapos umano siyang titigan nito nang masama.

READ: Andi Eigenmann admits confronting ex-boyfriend Albie Casino; denies involvement in the brawl afterwards

Lumabas sa PEP ang ulat na ipina-blotter ng ina ni Albie, na si Rina Casiño, ang nangyaring pambubugbog sa anak. Sinabi rin ni Rina na balak nilang sampahan ng kaso ang mga kaibigan ni Andi na sangkot sa gulo. Ngunit, kinalaunan ay hindi na natuloy ito.

READ: Albie Casino's mom to Andi Eigenmann: "This time, I don't think we're backing off. We're going to speak up."

Si Albie ang itinuturo ni Andi na ama ng anak niyang si Elle—bagay na hanggang ngayon ay hindi kinukumpirma ng aktor.

MARIAN RIVERA VS. BELA PADILLA. Noong September 2010, eksklusibong inihayag ng talent manager na si Claire dela Fuente ang tungkol sa pangbu-bully umano ni Marian Rivera kay Bela Padilla sa set ng teleseryeng Endless Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon daw pangyayaring ikinulong ni Marian si Bela sa loob ng comfort room at pinagsisigawan ng masasakit na salita.

Galit na galit umano si Marian dahil pakiramdam niya'y inaakit ni Bela ang kasintahan ni Marian na si Dingdong Dantes.

Si Bela ay gumanap bilang fiancée ni Dingdong sa naturang soap, na pinagbibidahan din ni Marian.

READ: PEP EXCLUSIVE Claire dela Fuente asks GMA-7 to "protect" Bela Padilla from "harassment" by Marian Rivera

Lalong naging kontrobersiyal ang isyu nang mabalitaan ito ng lola ni Bela na si Eva Padilla.

Ayon sa kwento ni Mrs. Padilla sa PEP, kinumpirma ni Bela na totoong ikinulong siya ni Marian sa loob ng CR ng Fontana Hotel, kung saan sila nagte-taping para sa Endless Love.

Hindi lang daw agad naamin ni Bela ang tungkol dito sa sobrang takot kay Marian. Sanhi nito, iginiit ni Mrs. Padilla na kailangang humingi ng paumanhin si Marian kay Bela at hindi iyong basta na lang manahimik at parang walang nangyari.

Tatlong araw matapos mailathala ang hinaing ni Mrs. Padilla, nagpadala sa PEP ng official statement si Dingdong tungkol sa alitan sa pagitan nina Marian at Bela.

Pinabulaanan ng aktor ang mga akusasyong ibinabato kay Marian at saka idiniin kung gaano niya kamahal ang nobya. Sa pagkakaalam din daw ni Dingdong ay naresolba na kung ano man ang nangyari sa pagitan ng dalawang aktres.

Noong araw ding iyon ay naiulat ng PEP ang tungkol sa hakbang na ginawa ng GMA Network upang magkaharap sina Marian at Bela.

Ginanap sa opisina ni Wilma Galvante—na noo’y tumatayong Senior Vice-President ng Entertainment Division ng Kapuso network—ang isang closed door meeting na tumagal nang 10 hanggang 15 minuto lamang.

Dito ay nagkasundo ang dalawa na hindi na sila magbibigay ng anumang pahayag sa media tungkol sa isyu. Tanging si Ms. Galvante lang ang nagpaunlak ng panayam upang klaruhin na “blown out of proportion” lang ang isyu at hindi na dapat lumaki pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: FIRST READ ON PEP Marian Rivera and Bela Padilla officially end their rift



RICHARD GUTIERREZ VS. ALJUR. Nagkaroon din ng engkwentro sa pagitan ng Kapuso stars na sina Richard at Aljur sa Fiamma bar, noong October 2008.

Ayon sa nakausap ng PEP na nakasaksi sa insidente, nakapuwesto sa magkatabing mesa ang kanya-kanyang umpukan nina Richard at Aljur.

Bigla na lang daw lumapit si Richard kay Aljur, at walang sabi-sabing binatukan ito sa ulo. Tila raw nanadya pang mang-inis ni Richard nang pagalit nitong kausapin si Aljur.

Bilang sagot ay tinanong ni Aljur si Richard kung ano ang problema nito.

Ngunit bago pa may nangyaring gulo ay tamang-tamang naawat si Richard ni Bubbles Paraiso, na kasama nito sa katabing table at alaga rin ni Annabelle Rama, ang ina at manager ni Richard.

READ: PEP sources say Richard Gutierrez-Aljur Abrenica confrontation really happened

Matapos mailathala sa PEP ang naturang report ay nagpadala si Richard ng official statement kaugnay ng isyu. Ayon kay Richard, bigla na lang nakiumpok sa kanila si Aljur at nakipag-inuman, gayong hindi naman nila ito inaaya.

Pinandigan din ni Richard na maayos niyang pinaalis si Aljur sa kanilang table. Ngunit hindi nagkomento si Richard tungkol sa napabalitang kinutusan niya si Aljur.

READ: PEP EXCLUSIVE Richard Gutierrez refutes report about confrontation with Aljur Abrenica

Sa kabilang banda, iginiit ni Aljur sa hiwalay na ulat ng PEP na walang katotohanan ang lahat ng sinabi ni Richard sa official statement nito.

Iyon nga lang, ayaw nang magbigay ng ibang detalye ni Aljur. Hangga’t maaari ay nais daw niyang umiwas sa gulo at mag-focus na lang sa trabaho.

READ: FIRST READ ON PEP: Aljur Abrenica on Richard Gutierrez: "Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya

Ang pinag-ugatan ng isyu ay pinagselosan umano ni Richard si Aljur dahil sa pagkamalapit ng huli kay Jewel Mische. Si Jewel ay napapabalitang may ugnayan kay Richard noong mga panahon na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parteng ito, nilinaw ni Aljur na walang namamagitan sa kanila ni Jewel na kasabayan niya sa GMA reality show na Star Struck.



IWA MOTO VS. MICKEY ABLAN. Marami ang nakasaksi sa pagwawala ni Iwa Moto matapos makaalitan ang non-showbiz boyfriend niya noon na si Mickey Ablan, sa loob mismo ng GMA Network compound noong May 2011.

Ayon sa ulat ng PEP tungkol dito, noong una ay maayos pang nag-uusap ang dalawa sa Studio 6, kung saan nagte-taping si Iwa para sa sitcom na Andres de Saya.

Nagulat na lang ang ilang staff ng sitcom nang marinig nilang nagsisisigaw si Iwa. Bigla raw kasing hinablot ni Mickey ang cellphone ni Iwa at mabilis na lumabas ng studio.

Hinabol raw ni Iwa si Mickey, ngunit hindi na inabutan ang huli.

Ayon pa sa staff ng Andres de Saya, kinuha ni Mickey ang cellphone ni Iwa dahil pinagseselosan nito ang isang bagong lalaki sa buhay ng aktres.

Ang sumunod na nangyari ay napagdiskitahan ni Iwa ang naiwang sasakyan ni Mickey sa loob ng GMA Network drive. Binasag ng aktres ang windshield, pati na rin ang salamin sa likuran ng sasakyan ng dating nobyo.

Naabutan ng GMA News reporter na si Nelson Canlas ang pagwawala ng aktres. Dinala ni Nelson si Iwa sa bahay nito, na malapit lang sa GMA, upang pakalmahin ang huli.

Pagkatapos ay sinamahan ni Nelson si Iwa sa ospital upang ipagamot ang mga natamong sugat nito, sanhi ng binasag niyang salamin ng kotse.

Pinuntahan ng PEP si Iwa sa ospital upang alamin ang nangyari. Dito ay ibinunyag ni Iwa na ilang buwan na silang hiwalay ni Mickey, ngunit pilit itong nakikipagbalikan sa kanya.

Isang kilalang aktres umano ang involved sa hiwalayan nilang dalawa.

READ: Iwa Moto and non-showbiz boyfriend Mickey Ablan make a scene on GMA-7 premises

December 2012 nang umamin si Iwa sa PEP at ibang entertainment reporters na kasal siya kay Mickey ngunit ipinapa-annul na nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang lumaon, idinawit ni Iwa ang pangalan ng asawa sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Si Jodi ay asawa ni Pampi Lacson. May isa silang anak na lalaki.

Sa kasalukuyan, si Pampi ang nobyo ni Iwa. Mayroon silang two-month-old daughter.

Nitong Mayo 2013, sinabi ni Jodi na ipinapa-annul nila ni Pampi ang kanilang kasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN