Talaga namang ramdam na ang init dulot ng summer sa bansa.
Kanya-kanya na rin ng paraan para hindi pagpawisan at mahulas.
Yung iba, dinadaan sa pag-inom ng malamig na inumin o meryenda, gaya ng Halo-Halo o Mais Con Yelo.
Ang iba naman ay dumidiretso sa mall o coffee shops, kung saan ay full-blast usually ang aircon.
Ngunit para sa iba, portable electric fans ang kanilang katuwang upang mapawi ang init ng panahon.
Kaya naman naglista ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang portable fan na aming nakita mula sa mga celebrities at content creators.
JISULIFE NECK FAN
Noong May 2022, nauso ang neck fan matapos itong makitang suot-suot ng ilang celebrities, gaya nina Kathryn Bernardo at Angel Locsin.
Gamit nina Kathryn at Angel ang Jisulife neck fan nang dumalo sila sa mga campaign sortie para sa dating vice president na si Leni Robredo noong eleksyon ng nakaraang taon.
Sa unang tingin, inakala ng karamihan na headphones ang suot nina Kathryn at Angel, hanggang sa mapag-alaman na lang ng netizens na portable fan pala ang mga ito.
Ang Jisulife neck fan ay mabibili sa halagang PHP1,469 sa Lazada. Meron din nito sa Shopee at may presyong PHP1,499.

JISULIFE MINI FAN
Sulit budol find naman para sa TikTok content creator na si @NicholePush ang mini fan na ito na mula rin sa Jisulife.
Sa isang TikTok post nito noong November 6, 2022, ibinahagi ni Nichole ang kanyang mga nagustuhan dito.
Kabilang sa features na kanyang nabanggit ang tatlong fan speed, flashlight feature, type-C charging port, at ang long battery life na aabot sa tatlong araw.
@nicholepush One of my holy grail emergency essential ???? #budolfinds #tiktokmademebuyit #portablefan ? Lo-Fi electric piano fashionable(840331) - yutaka.T
Ang mini fan na ito ay nagkakahalagang PHP369 to PHP498.31 sa Lazada, depende sa battery life. PHP399 to PHP499 naman ang presyo nito sa Shopee.
Read also: 5 Kitchen Picks for Your All-Black Aesthetic
CHMORA CREATIVE PORTABLE ELECTRIC FAN
Bitbit naman ng celebrity stylist na si Liz Uy ang CHMORA Creative Mini Fan na ito saan man siya magpunta.
Una itong ibinahagi ni Liz sa YouTube vlog ng kanyang kapatid na si Laureen Uy noong February 23, 2022.
Sa vlog, nilinaw ni Liz na hindi siya nagpapaka-"diva" kaya siya may bitbit na portable fan. Ito ay para sa kanyang mga anak na sina Xavi at Matty.
Bahagi nito, "This is not for me, guys. Lagi talaga akong may fan wherever I go. ‘Matty, naiinitan ba yung legs mo? O may lamok?’
"Sa high-chair itatapat ko sa kanya yan kasi they’re so pawisin."

Mabibili ang portable desk fan na ito sa halagang USD31.50 o nasa PHP1,700 mula sa Walmart.com.
TYLEX XM28
At dahil marami ang naglalapot ngayon summer, itong Tylex XM28 naman ang recommendation ng TikTok content creator na si Haru Rico.
Hindi amoy pawis o amoy araw ang hanging iyong malalanghap kung itatapat mo sa iyong sarili ang mini fan na ito na may aromatheraphy feature.
Maaring ilagay ang paborito mong pabango o essential oil sa loob ng tablet na makikita sa detachable cover nito.
Available ito sa tatlong kulay: pearl white, coral powder, at retro green.
Mabibili ito sa Lazada sa halagang PHP359. Ang presyo naman nito sa Shopee ay PHP371-375, depende sa napiling kulay.
@harurico Replying to @karlaloyyyy PORTABLE FAN with SCENT (Aroma Tablet). #Recosbyharu #portablefan #tylex #tylexph #Tylexxm28 ? Unholy - Sam Smith & Kim Petras
AOLIDA MINI FAN
Sulit budol find din ang Aolida mini fan na ito na nakita naman ng TikTok content creator na si Patty Chua.

Ayon sa post nito noong April 2022, nagustuhan ni Patty ang multi-function feature ng nasabing mini fan. Bukod sa pampalamig, magagamit din ito bilang phone stand at powerbank.
Maari rin itong isabit sa leeg kung may lanyard na nakakabit.
Mabibili ito sa halagang PHP369 sa Shopee.
@burgerpattyy #budolbypatchu ? original sound - Makiie Throne
READ MORE:
- Allen Ansay admits he's not fluent in English; struggles with his lines in new series
- Sofia Pablo at Allen Ansay, proud sa love team na sila mismo ang bumuo
- Sofia Pablo, Allen Ansay headline first series under GMA-Wattpad partnership
- Allen Ansay-Sofia Pablo kilig-worthy love team shines in Raya Sirena
