Justin Bieber says sexual-assault allegation "factually impossible"; Ansel Elgort totally denies rape claims

by Jet Hitosis
Jun 23, 2020
Canadian singer Justin Bieber (left) and American actor Ansel Elgort (right) on Monday, June 22, use their social media platforms to directly confront sexual-assault allegations against them.
PHOTO/S: @justinbieber, @ansel on Instagram

Itinanggi ng world-famous Canadian singer-songwriter na si Justin Bieber ang sexual assault allegation ng isang babae laban sa kanya.

Sa isang tweet nitong Sabado, June 20, sinabi ng babae na biktima umano siya ng seksuwal na pang-aabuso ng “Love Yourself” singer.

Nangyari raw ang insidente sa loob ng Four Seasons Hotel sa Austin, Texas, noong March 9, 2014.

Ayon sa babae, 21 anyos siya noon, habang 20 naman si Justin.

Nitong Lunes, June 22, sa Twitter din sinagot ng 26-year-old pop star ang alegasyon ng babae.

“There is no truth to this story,” giit ni Justin sa serye ng tweets kung saan naglatag siya ng mga ebidensiya upang depensahan ang sarili.

Continue reading below ↓

Sumikat sa edad na 13, sinabi ni Justine na bagamat sanay na siyang nasasangkot sa mga intriga, ibang usapan daw ang sexual abuse.

Bilang respeto sa maraming biktima “who deal with these issues daily,” tiniyak ni Justin na may sapat siyang patunay upang igiit na inosente siya.

JUSTIN POSTS PIECES OF EVIDENCE VS ALLEGATION

Naglabas si Justin ng screenshots ng mga resibo, emails, at news reports upang igiit na “factually impossible” na nasa Four Seasons siya sa petsang binanggit ng babae.

Continue reading below ↓

Ayon sa pop star, bagamat totoong nasa Austin siya noong March 9-10, 2014, kasama niya ang noon ay longtime girlfriend niya, ang American singer na si Selena Gomez.

Tubong Texas si Selena, 27, na huling nakarelasyon ni Justin bago ito nagpakasal sa American model na si Hailey Baldwin, 23, noong 2018.

Continue reading below ↓

Childhood sweetheart ni Justin si Hailey, na anak ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Sinabi pa ni Justin sa kanyang tweets na kasama rin nila ni Selena ang iba nilang kaibigan.

Maraming lugar daw silang pinuntahan sa Austin sa mga araw na nabanggit, ayon kay Justin.

JUSTIN PLANS TO TAKE LEGAL ACTION

Sa huli, sinabi ni Justin na makikipag-ugnayan siya sa Twitter at sa mga awtoridad para sa pinaplano niyang legal action.

“Every claim of sexual abuse should be taken very seriously and this is why my response was needed,” tweet ni Justin.

“However this story is factually impossible and that is why I will be working with twitter and authorities to take legal action.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, burado na ang tweet ng babae, ayon sa report ng international news agency Reuters.

Hindi rin ma-trace ang Twitter account ng babae upang mahingan ng komento sa issue, ayon pa rin sa Reuters.

HOT STORIES

ANSEL ELGORT DENIES sexual-assault claim

Pumutok ang sexual-assault allegation laban kay Justin ilang araw matapos na isang babae ang nag-akusa ng parehong reklamo sa Hollywood actor na si Ansel Elgort, 26.

Sa open letter na ipinost sa Twitter, idinetalye ng babae kung paanong ginahasa umano siya ni Ansel.

Taong 2014 daw nangyari ang insidente.

Seventeen years old lang daw noon ang babae, habang 20 anyos naman ang aktor.

Nitong Lunes, pinabulaanan ni Ansel ang alegasyon ng babae.

Sa isang Instagram post, inamin ni Ansel na nagkaroon sila ng “brief, legal, and entirely consensual relationship” ng babae.

Pero hindi raw niya magagawa ang ibinibintang nito.

“I have never and would never assault anyone,” ani Ansel.

ACCUSER is an ex-flame, ansel apologizes

Gayunman, aminado si Ansel na may pagkakamali siya sa babae.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya maayos na nakipaghiwalay dito.

Kuwento ni Ansel: “I stopped responding to her, which is an immature and cruel thing to do to someone."

Sa slang term sa Pilipinas, na-ghosting ni Ansel ang babae.

Dahil dito, sa pamamagitan ng nabanggit na post ay humingi ng paumanhin ang Hollywood actor sa kanyang ex-girlfriend.

“As I look back at my attitude, I am disgusted and deeply ashamed of the way I acted,” dagdag ni Ansel.

“I am truly sorry. I know I must continue to reflect, learn, and work to grow in empathy.”

Continue reading below ↓

#HIJAAKO MOVEMENT IN THE PHILIPPINES

Gaya sa Amerika, mainit ding pinag-uusapan sa Pilipinas ngayon ang issue ng rape culture.

Maraming biktima ng sexual abuse ang lakas-loob na lumantad upang magbahagi ng kanilang kuwento sa #HijaAko movement sa Twitter.

Kabilang sa kanila ang disc jockey (DJ) na si Kat Alano at ang aktres na si Lauren Young.

Ang #HijaAko ay nagsimula sa pakikipagsagutan ni Frankie Pangilinan sa broadcaster na si Ben Tulfo.

Si Frankie ay panganay ng singer-actress na si Sharon Cuneta sa second husband na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Iginiit ni Frankie, 19, na hindi dapat isisi sa kasuotan ng babae ang sex crimes.

Taliwas naman dito ang opinyon ni Ben.

Continue reading below ↓

Gayunman, ang matapang na paninindigang ito ni Frankie laban sa victim blaming ang naging dahilan upang makatanggap siya ng rape threat nitong Sabado.

Isinulat ng suspek ang banta sa isang Facebook comment.

Nagpupuyos sa galit na sinabi ni Sharon na hahanapin at papanagutin niya ang lalaking nagbanta ng masama laban kay Frankie.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Canadian singer Justin Bieber (left) and American actor Ansel Elgort (right) on Monday, June 22, use their social media platforms to directly confront sexual-assault allegations against them.
PHOTO/S: @justinbieber, @ansel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results